Chapter: 26

49 2 0
                                    

You Made Me Live Again

Chapter: 26


"Dito ka, tumutuloy?" Tanong ni Ariel, nagulat kasi siya na dumiretso na silang umakyat.

Huminto si Dasha.

"Isa lang eto sa mga suite ko." Sagot niya at muling tinuloy ang pagpunta sa pinaka-loob.

Pumasok na din si Ariel, hindi talaga siya makapaniwala na mayaman si Dasha. At itong kwartong ito ay isa lang sa mga pagma-may-ari nito.

Pansin niyang kumuha ito ng baso at wine, at muling lumingon sa kanya para lumapit.

Inabot ni Dasha ang isang baso,

"Sayang, naudlot ang dinner natin." Wika niya habang nagsasalin ng wine sa baso ni Ariel.


"Okay ka lang ba?" Biglang tanong ni Ariel.


Hindi muna umimik si Dasha, at nagsalin naman sa baso niya, nilapag na niya ang bote at uminom ng kaunti.

"She loves you, mukhang ayaw ka na niya pakawalan."

At lumapit sa couch para maupo.


Nakasunod lang ng tingin si Ariel, kaya napilitan na din siyang maupo sa tabi nito.

"Dasha, maniniwala ka ba na. . . Na inlove ako sayo?" 


Tumingin siya kay Ariel.

"Nung una kitang ma meet, hindi simple yung naramdaman ko. Akala ko wala lang,  but. . . Nang magkita tayo ulit, mas lalu ko naramdaman na kailangan kita." Seryoso niyang sabi


"Ganyan ka din ba, sa una mong asawa? O kay Garret? Nasabi mo din ba, ang mga sinasabi mo sa akin?" Tanong niya kahit ang totoo, hindi naman niya nadinug ito noon kay Ariel na sinabi sa kanya, basta sinabi lang nito na gusto siya at inlove... Pero ngayon, iba ang mga mata ni Ariel, pansin niyang mas seryoso ito. Seryoso dahil hindi ang mukha ni Alicia ang nakikita niya, kundi ang mukha ni Dasha. Pakiramdam niya ay gusto na lang niyang sampalin ito ng malakas, at saktan.


Gusto niya ipamukha ang mga nangyari noon, lalu ang patayin siya pati ang nasa sinapupunan niya.

Pero kailangan niyang magpigil, hindi pa ito ang tamang panahon.


"Dasha. I love you, hindi ko kailanman nasabi sa kanila ang mga sinasabi ko ngayon. Talagang sincere ako, at seryoso." Sabay haplos sa mukha ni Dasha.

"Magpahinga ka na, gusto ko na ma-relax ka lalu sa mga nangyari ngayon. Babawi ako sa susunod, and i'm sorry sa ginawa ni Garret." Ngumiti na si Ariel at tumayo sabay talikod.

Nagtaka si Dasha, bakit tila hindi lang man ito naging agresibo. Hindi siya hinalikan, samantala may pagkakataon si Ariel.

"Anung nangyari sa kanya?" Bulong niya at nilapag na ang baso.

Pero agad niyang naalala si Garret.

You Made Me Live Again (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon