Chapter: 22

55 2 0
                                    

You Made Me Live Again

Chapter: 22

Walang pakielam si Garret at pumasok sa pinaka-kumpanya ng Anderson, mabilis hinagilap ng kanyang mga mata si Dasha. Eksakto na nakita niya itong nakikiusap habang nakatalikod, agad siyang lumapit at hinablot ang buhok nito.

Nagulat man si Dasha, pero alam niya na si Garret ito.

Tila na shock naman ang ibang naroroon, kaya mabilis silang nagtawag ng security.

"Anu sa tingin mo ang ginagawa mo ha! Akala mo hindi ko malalaman, na nilalandi mo ang asawa ko!" Singhal ni Garret.

Mabilis na hinawakan ni Dasha ang kamay niya at pilit na tinaggal sa kanyang buhok, hindi magawang hawakan ng mahigpit ni Garret, lalu at ramdam niya na mahigpit ang hawak nito.

Humarap sa Dasha at tinulak siya bahagya.

"Anu bang, sinasabi mo?" 

"Wag ka nang, mag maang-maangan!" Muli nitong sigaw

Ngumiti bahagya si Dasha.

"Sa tingin mo ba, ako ba talaga ang malandi?" Sabay titig niya dito.

Tila natitigan maigi ni Garret ang mga mata nito, parang may pinapaalala sa kanya.

"Ang alam ko, kamamatay lang ng asawa ni Ariel ng  ikasal kayo?"

"At, anung gusto mong palabasin?!" Muling sigaw ni Garret.

"Kung ang asawa niya, madali niyang napalitan. Ikaw pa kaya?" Sabay ngiti.

"At huwag ako, ang sabihan mo. Kundi ang asawa mo?" Lumapit siya bahagya kay Garret 

"Masakit ba? Na nararamdaman mo, ang sakit at hinagpis ng asawa niya?" Ngumiti lang siya bahagya at nilagpasan ito, pero pinigilan siya ni Garret.

Nilingon niya ito at pilit na tinanggal ang kamay sa kanyang braso sabay tulak.

Napa-atras si Garret

"Para sabihin ko sayo, hindi ako malandi tulad mo. Business ang pinag uusapan namin ni Mr. Estrada, nasa kanya na lang kung naaakit siya sa akin." At muling tumalikod.

"Walang hiya ka!" At muling susugudin sana ito, kaso ay agad ng hinawakan ng mga security.

"Anu ba! Bitiwan ninyo ako!" Reklamo niya.

Natatawa naman si Dasha, habang naglalakad palayo dito.



***


Halos hingal na hingal si Garret na tumungo sa opisina ni Ariel, nagulat pa si Ariel dahil may kausap siyang kliyente.

Tila hindi na nagpakita ng respeto si Garret at mabilis na nilapitan si Ariel.

"Mag-usap tayo!"

"Garret, can you wait?" Tila nahihiyang sagot nito.

"No! Ngaun ko kailangan makipag usap sayo!" At tumingin sa dalawang bisita ng asawa.

"Get out! Now!"

Tumayo naman ang mga ito, kaya napilitan ng tumayo si Ariel.

"Wait, it was a mistaken." Pero hindi na siya pinakinggan ng mga ito, mabilis na lumabas sa opisina.

Nilingon niya si Garret.

"What the hell, is wrong with you?" 


Agad na lumapit si Garret sabay sampal kay Ariel.

You Made Me Live Again (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon