Chapter: 8

55 2 0
                                    

You Made Me Live Again

Chapter: 8

"William, ikaw na muna bahala dito ahh." 

Napatingin si William sa kanya 

"Ba-bakit?, may pupuntahan ka ba?" Tanong niya 

"Pupunta ako ng Korea, may aasikasuhin lang ako. Pero babalik din ako."

"Urgent ba yan? Wala ka binabanggit sa akin ah?" Muling tanong ni William.

"Oo, Urgent. Bukas na ang flight ko, may ihahatid lang ako." Sabay tapik niya sa balikat nito at umakyat na.

"May, ihahatid?" Napailing naman si William, matagal na silang mag bestfriend ni Axel. Pero ngayon lang yata ito naglihim sa kanya.

"Hayys, sino kaya ihahatid niya. Sumasakit tuloy ang ulo ko." Bulong nito.


***

Napahinga ng malalim si Alicia, hindi na siya makatulog dahil bukas ay pupunta na sila ng Korea. Pinag iisipan niya maigi ang mga binanggit sa kanya ni Axel, lalu sa pag papa-surgery ng kanyang mukha.


***


"Kapag iba na ang mukha mo, maaari ka na magpakita sa kanila. Atlis, hindi ka na nila maaapi." 

Tumingin siya kay Axel, busy ito sa pag aayos ng mga damit niya.

"Lagi ka dumarating, sa tuwing. . . Nasa bingit ako."

Napahinto ito sa ginagawa at lumingon sa kanya

"Hindi ko, maintindihan ang mga sinasabi mo noong. Wala pa akong malay, pero malinaw sa akin na... Sayo galing yung plaka?" 

Ngumiti na si Axel at saglit na tumayo para lumapit sa kanya.

"Wala na akong, naging balita sayo mula bumalik si Sia. Iniiwasan na niya ako kapag nagtatanong ako tungkol sayo, nahirapan ako malaman ang totoo mo kalagayan. Isa pa hindi ako makauwi sa Pilipinas noon, dahil na din sa dami ko naging trabaho sa abroad."

"Axel.."

"Anung nangyari sayo? After accident, bakit hindi mo pinabalik ang mukha mo?"  

Bumuntong-hininga si Alicia at nalungkot 

"Kakaalis mo lang noon, naalala ko pa noong umiiyak si Sia dahil dinala ka ni tita papuntang state." Pumatak ang luha niya.

"Nang gabing yun, kasama ko si Mama, tanda ko na maulan. Mabilis ang mga nangyari, halos ramdam ko pa yung mainit na dumikit sa mga balat ko." Saglit siyang tumigil at tumingin kay Axel

"Nagkaroon ako ng shock, ayoko magpahawak. Natatakot masaktan, kaya wala nagawa si Papa. Hindi na nila ako napilit dahil sa murang edad ko."

"Kaya pa ibalik yan, magtiwala ka sa akin."

Muli siya napatitig dito 

"Masyado nang dumikit ang balat ko, at nagkaroon ng kumplikasyon kaya malabong-"

"Ssshhs." Saway ni Axel.

You Made Me Live Again (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon