Chapter: 30

54 2 0
                                    

You Made Me Live Again

Chapter: 30

Pagkabukas ni Ariel ng ilaw ay napansin niyang nakaupo si Garret sa sofa 

"What, are you doing here?"

"Bakit, masama ba na. . . Dalawin ko ang ex-husband ko?" Sabay ngiti nito at tumayo para lapitan si Ariel.


"Get, out. . . Gusto ko na magpahinga."


Napangiti lang si Garret,

"Ayaw mo ba na, madinig ang sasabihin ko?" 

Nagpakawala ng hangin si Ariel at tumingin kay Garret 

"Pwede ba Garret, ayoko na makinig sa mga sasabihin mo." Seryoso niyang tugon at humakbang na para lagpasan ito.

"Buhay si Alicia..."

Napatigil sa paghakbang si Ariel, nilingon si Garret.

"Anu?" 


"Bakit parang, wala sa mukha mo ang pagka gulat? Wag mong sabihin, hanggang ngayon? Mahal mo pa din ang panget na yun!" Sigaw ni Garret.

Hinawakan niya ang braso niya ang mukha ni Garret at pinisil iyon, 

"Panget? Oo, panget ang mukha niya pero ni minsan hindi siya naging kasing sama tulad mo!" Tila nanggigil niyang sabi at binitawan ito.

"Sinasabi ko na nga ba, pinakasalan mo lang ako para matakpan ang lahat. Pero sa puso mo, siya pa din. Kaya pala madali mo ako kalimutan, dahil hanggang ngayon iisang tao lang ang mahal mo!" 


Nagtatakang tumingin siya kay Garret, 

"Anung ibig mong, sabihin?" 

"Ang dati mong asawa na si Alicia at si Dasha Anderson ay iisa!"

Napatitig siya dito, tila hindi siya naniniwala sa mga sinasabi nito.

"Nababaliw ka na, bakit minumulto ka ba ni Alicia?" 


"Bakit, ayaw mong maniwala sa akin?" Muling lumapit si Garret at hinawakan ang damit ni Ariel

"Minahal kita, lahat binigay ko sayo. Pero si Alicia ang nasa puso mo, pinilit ko gawin ang lahat para mapunta ka sa akin!"

Pinilit niyang tanggalin ang mga kamay nito,

"Buntis siya, nang araw na yun." 


Tila natigilan si Garret at napatitig dito, naalala niya na may dugo nga ang pagitan sa mga hita nito.

Napalayo si Ariel,

"Pinatay ko sila, ang mag ina ko." Biglang pumatak ang luha niya.

"Nalason ako at natakot, kapag nalaman niya ang totoo hindi ako mapapatawad ni Alicia. Ayoko siya mawala sa akin, pero mas lalung masaklap ang ginawa ko sa kanya." Sabay buntong-hininga at pinagmasdan ang kanyang mga kamay, ito ang mga kamay na ginamit niya para saktan ang asawa. Hindi lang sa pisikal kundi pati emosyonal.

You Made Me Live Again (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon