Chapter: 2

93 1 0
                                    

You Made Me Live Again

Chapter: 2

"Kanina pa kita nakikitang, ngiting-ngiti?" Tanong ni Sia


"Sia, possible bang may magkagusto sa akin?" Sabay lingon kay Sia


"Bakit, bakit mo natanong?" 


Napakagat labi si Alicia at lumunok ng dalawang beses.


Natawa si Sia,

"Hindi ka pa din nagbabago, lagi ka din  gumaganyan. Halatang, kinakabahan ka?" 

"Hayss, nadinig ko kasi si Papa at Ariel." Muli siyang ngumiti pakiramdam niya, ang saya-saya ng puso niya 

"May gusto din si Ariel sa akin." Nilingon niya mulis si Sia,

"Gusto ni Papa na, pakasalan ako ni Ariel."pero pansin niya na para bang hindi masaya ang kaibigan niya.

"Sia?" 

"Alicia, masaya ako para sayo. Kaso, laking maynila ang Ariel na yun. Kasama pa ng Don sa iba't-ibang bansa. Nag aalala lang ako."


"Dahlhil ba panget ako? "

"Hayss, anu ba sinasabi mo! Hindi ka panget, hindi nakikita ang tunay na tao sa panlabas na anyo." At hinawakan ang mga kamay ni Alicia.

"Mabuti kang kaibigan, mabuting anak. Napakabait mo, yun ang kagandahan na nakita ko sayo."

"Eh, bakit ka... Tutol sa amin ni Ariel?" 

"Gwapo siya, hindi malabo na madami siya napaiyak na babae. Sigurado ako, sinasabi lang niya yun sa harapan ng Don dahil kanan kamay siya."

Nakaramdam siya ng lungkot, marahil impossible ngana mahalin siya ng isang lalaki lalu sa kanyang itsura.

"Wag ka na malungkot, alam ko... May isang taong darating sayo, balang araw." Sabay ngiti ni Sia.

Ngumiti na din si Alicia at niyakap ang kanyang bestfriend.

"Aalis ka na bukas?" Bulong niya


"Oo, kailangan na bumalik nila Papa sa states.. Hayss, mas gusto ko talaga dito sa Villa." Kumalas na ito at inayos ang buhok ni Alicia.

"Ipangako mo sakin, hindi ka iiyak pag malayo ako."


Umiling lang siya.

"Susulat ka palagi ah."

"Oo. Teka kaya nga pala ako nakipagkita sayo, ibibigay ko etong regalo ko sayo. "

"Talaga?" Tanong ni Alicia


Ngumiti si Sia at kinuha ang isang box na manipis.

You Made Me Live Again (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon