Chapter: 17

58 2 0
                                    

You Made Me Live Again

Chapter: 17

"Dasha." 

Lumingon siya kay Sia

"Bakit?" 

"Balak ko sana na, magpicnic this sunday?" 

"Tayo lang, dalawa?" Muling tanong ni Dasha.


"Hindi, syempre kasama si William at kuya Axel."


Bigla siya napangiti ng madinig ang pangalan ni Axel,


"Uy, yung ngiti mo parang... Kinikilig ah?" Tukso ni Sia

"Tumigil ka nga diyan." Sabay ngiti, naalala niya kasi kagabi nang puntahan siya nito.


***

"Bakit hindi ka kumain?" Tanong niya kay Axel


"Iniisip ko kasi, ikaw." Sabay lingon nito at hinawakan ang kamay niya.

"Sorry, kung umiwas ako."

"Dahil ba dun sa, nakipagkita ako kay Ariel?"


Bahagyang tumango ito.

"Alam ko na, wala akong karapatan... Kaso" saglit niyang pinutol ang sasabihin.


"Kaso? Nasasaktan ka?"


"Dasha."

"Axel, wala na akong nararamdaman sa kanya. Kung meron man na tao akong mamahalin, ikaw yun." Sabay ngiti nito.

"Dasha?" 


"You made me live again, kung hindi dahil sayo hindi ako makakabangon, sayo ko naramdaman ang tunay na pagmamahal." Pumatak ang luha niya at hinaplos ang muka ni Axel

"Kaya pala, sabi ni Sia... Hintayin ko ang lalaking totoong magmamahal sa akin, kasi ikaw ang lalaking yun."


Kinuha ni Axel ang kamay niya at hinalikan.

"Mahal na mahal kita, Alicia."


"Dasha na ang pangalan ko."


Tumitig si Axel sa kanya.

"Pangalan lang ang nagbago, hindi ang pagkatao mo. Mas minahal kita sa Alicia, dahil siya ang babaeng pinaghintay ko. At si Dasha, ang babaeng binigyan ko ng pag asa muli." Lumapit na si Axel.

"Matapos lang eto, magpapakasal tayo. Magsisimula ng panibagong buhay. Lahat ng plano ko noong nasa states ako, tutuparin ko."

You Made Me Live Again (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon