Chapter: 1

113 2 0
                                    

You Made Me Live Again

Chapter: 1

"A-anung, anung ibig sabihin nito Ariel?" Halos katal ang boses niya lalu ng makita ang kutsilyong hawak nito.

"Sinundan talaga kita, pinakita ko ang lahat sayo. Para sabihin nang lahat na lumayas ka."

Napailing si Alicia lalu ng palapit na si Ariel sa kanya, sinampal siya nito ng malakas hanggang sa mapasubsob siya sa sahig.

Hinatak ni Ariel ang buhok nito, para makita muli ang mukha ng asawa.

"Akala mo siguro, magiging seryoso talaga ako sayo? Yang itsura mong iyan, tinitiis ko lang dahil sa pera mo. Pero ang totoo nasusuka ako!" Sabay dura sa mukha ni Alicia.

"Bitawan mo ako! Anu pa bang gusto mo, may babae ka na... Sinaktan mo na ako! Ang buong akala ko, mamahalin mo-" naputol na iyon ng maramdaman niya na may bumaon sa kanyang tiyan, muli siya nitong sinaksak.

"Tamang-tama lang ang lugar na eto, ang lugar na wala nang ibang makakakita sayo." Bulong ni Ariel at ngumiti.

Ito na ang huling nakita ng mga mata ni Alicia bago tuluyang napapikit.



*****



2 year Earlier.



"Papa!" 

"Alicia! Anak!" Masayang sinalubong ni Don Russo ang kanyang nag iisang anak.

Si Alicia Ruelga ay nasa dalawangpu't-anim na taong  gulang, nanirahan ito sa Villa mag-isa at halos nilakihan na ang mga tagapag-alaga.

Tulad ng karamihan na kababaihan, na may maranyang buhay. Yaman lamang ang tanging naibigay sa kanya at hindi ang pisika na kaanyuan sa panlabas.

Pero hindi nasusukat ang mukha ng tao para basehan ang tunay na nilalaman ng kalooban. Lumaki siyang mabuti at masayahing bata, pantay at mahal niya bawat tao na nakapaligid sa Villa dahil hindi siya pinalaki ng ama sa maling paraan.

Pansin niya ang kasama nitong binatilyo, ngayon lamang niya ito nakita.

"Alicia, siya nga pala si Ariel Estrada. Isa sa mga pinagkakatiwalaan ko sa negosyo."

Hindi siya makatingin ng diretso, tila nahihiya ang kanyang mga mata lalu at gwapo ito, makisig at higit sa lahat parang may kakaiba na pinukaw ang dadamdamin niya sa unang pagkikita nila ngayon. Binalewala niya ito, sino ba ang papansin sa itsura niya? May malaki siyang ilong, makapal na labi. Makakapal na kilay, halos ang mukha niya ay hindi masasabing espesyal.

"Hi Alicia, lagi ka sa akin kine-kwento ng Don." Ngumiti si Ariel at nilahad ang palad.

Matipid siyang ngumiti.

"Maiwan ko muna po kayo.." Paalam niya at tumalikod.

"Pagpasensyahan mo na si Alicia, ganyan talaga ang batang iyon." Sabat ng Don.

Ngumiti lang si Ariel at sinundan na ang Don sa paglalakad.


****


"Geabe! Yung dibdib ko, parang kinakabog." Napahawak siya sa dibdib niya at halos hindi makahinga ng maayos. 

"Alicia!"

"Anu ba, Sia! Ginulat mo ako!" 

"Bakit ka nagtatago?" 

Bigla siya napasimangot.

"Ung bisita ni Papa ang gwapo, para siyang Prince Charming sa mga movie." Pakiramdam niya lumalakad na ang imahinasyon niya, kaso bigla din siya nalungkot.

"O, bakit ka nalungkot?" 

"Kapag Prince Charming,dapat maganda yung Prinsisa niya."

"Grabe ka naman Alicia, ang yaman-yaman kasi ninyo bakit hindi ka magpabago ng mukha mo?" 

Umiling siya.

"Ito kasi yung binigay ng Diyos sa akin, dapat tanggapin ko ang bigay ng maykapal dahil biyaya ito sa akin." Sagot niya.

"Hayss, sabagay... Sa totoo lang Alicia, hindi imporante ang itsura sa panlabas. Mas mahalaga pa din ang kalooban mo. Malay mo naman, hindi niya makita yang mukhang iyan, kundi yung busilak mong puso." Sabay ngiti ni Sia

Napangiti na din siya.

"Halika na, tutulungan na lang kita para sa pananghalian natin." Sabay yakap sa braso ni Sia at nagmamadaling nagpunta sa kusina.


***

"Ariel, masyado na akong matanda para sa mga negosyong ito. Isa pa ikaw lang naman ang pinagkakatiwalaan ko ng sobra."

Napatigil siya sa pag inom ng kape at tumingin kay Don Russo.

"Gusto ko sana na, pakasalan mo ang anak ko." Sabay tingin din kay Ariel.

"Ikaw lang ang maasahan at mapagkakatiwalaan ko, kaya pati anak ko sayo ko na din ibinibilin."

Ngumiti si Ariel.

"Hindi po ako tutol sa nais ninyo Chairman, lalu at noon pa lang nang makita ko si Alicia sa litrato may naramdaman na ako, hindi sa akin importante ang panlabas na itsura niya. Ang mahalaga sa akin, mabait ang anak ninyo."

Halos mapatakip sa bibig si Alicia sa nadinig, bigla siya napangiti parang nagkaroon ng pag asa ang puso niya.

"Sana nga..." Bulong niya.


"Kung ganun, wala na pala akong magiging problema." Ngumiti na si Don Russo at inilahad ang palad.

"Official na magiging manugang na kita." 

Ngumiti si Ariel at tinanggap ang palad nito, 

"Maraming salamat, pangako aalagaan ko si Alicia ng buong buhay at puso ko."





#AuthorCombsmania

You Made Me Live Again (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon