Chapter: 4

69 2 0
                                    

You Made Me Live Again

Chapter: 4

"Late ka na?" 

Napakamot sa ulo si William at ngumiti kay Axel.

Lumingon si Axel sa kanya,

"Wala ka sasabihin kung bakit ka late?" 

"Hay, wala..." Sabay lapit at naupo ito sa couch.

"May babae ako nasalubong kanina, maga yung mga mata niya sa kakaiyak." Sabay tingin kay Axel

"Mukhang Heartbroken siya?"


"Talaga?" Wala lang man expression ang mukha niya, 


"Grabe, wala ka lang man ba sasabihin?"

"Anu bang, gusto mo na sabihin ko? Na, nakaka awa siya kasi heartbroken, o damayan natin siya kahit hindi natin kilala?"  

Napasinghap na lang si William, 

"Nasaan na mga papeles ko?" 

"Andito sa table ok na lahat yan." Tugon ni Axel


Tumayo na ito at lumapit table ni Axel, 


"Tumawag nga pala si Sia, tinatanong ka." Sabay tingin dito.

"Hindi ka ba nag iwan ng messages sa kapatid ko?" 


"Hayss, nakalimutan ko sorry.." Sabay kuha ng cellphone.

"Kayong magkapatid, parehas ang ugali."


Tumingin siya kay William.

"Magtrabaho ka na, may meeting pa tayo. Tapos, may team building pa kaya magtrabaho ka na."

"Opo, boss!" Kinuha na nito ang mga papeles at agad ng lumabas.


Bumuntong-hininga si Axel.

"Pati na heartbroken, gusto pa i-career."


***



"Nakipagkita siya sayo?"  Tanong ni Ariel.


"Oo" sagot ni Garret at uminom ng juice.

"Mukhang, hindi naman siya umimik."

"Mas okay yan, para naman maglayas. Kilala ko si Alicia kapag may problema, lumalayo. "

Natawa lang si Garret 

"Nagpupunta siya sa resort nila, i'm sure... Pero hindi para mag-swimming, kilala ko si Alicia hindi siya marunong lumangoy."

You Made Me Live Again (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon