CHAPTER 1

260 6 0
                                    


[Kathleen's POV]



"Salamat po Ma'am sa pag kupkop saakin. Di ko po talaga alam kung anong mangyayari saakin kung di niyo ko nakita sa daan" Nasa kwarto ako ngayon dito sa bahay ko sa cavite at nag titiklop nang kumot ko. Mukhang kakarating lang nila mama at papa at may kausap pa ata silang babae dahil di ko naman nabobosesan ang nag salita.



"Walang anuman Iha at wag mo na akong tawaging Ma'am ikaw naman, Tita na lang okay?" Rinig kong sabi ni mama. Lumabas na ako at dahan dahan na bumaba nang hagdan upang silipin kung sino ba yung kausap nilang Babae na kanina ko pa naririnig.



"Sigurado ka ba Iha na hahayaan mo lang yang Tita mo na yan? Hindi maka-tao ang trato niya sayo. Kailangan mo sabihan yung mga magulang mo dahil kung ginawa yan sa anak ko ay ako mismo ang magkakaso diyan" Sabi naman ni papa kaya nang maka baba na ako nang tuluyan ay humarap sila saakin.



"Ma, Pa, Sino po siya?" Tanong ko at tinuro yung babae. Nakita ko nginitian ako nung babae at nag Wave pa nang kamay niya. Pagkakita ko pa lang siya ay parang komportable na ako sakanya dahil mukha siyang mabait pero maputla siya na parang galing lang sa sakit. Meron din siyang mga pasa at sugat sa braso at konti sa mukha niya na di ko alam kung saan nanggaling.



"Ay oo nga pala Zylie, Eto si Kathleen iisa naming anak. Kathleen eto si Zylie, Nakita namin siya sa daan dahil hinimatay ito sa daan, kaya dinala namin agad ito sa ospital" Panimula ni Papa tinignan ko lang yung babae. Kahit komportable ako sakanya ay di pwedeng pagkatiwalaan pa rin ito. Paano kung nag himahimatayan lang siya tapos Manloloko pala.



"Sorry pero di naman tayo pwede basta bastang nag papatuloy dito sa bahay Pa." Sabi ko. Alam ko offensive pero mabuti na yun kesa makakuha kami nang di pagkakatiwalaan na tao.



"Kathleen!" Saway saakin ni mama kaya napayuko yung babae at para bang nahihiya na. 



"S-Sorry po, D-di naman po ako manloloko. Talagang napalayas po ako pero kung ayaw niyo po maniwala saakin ay aalis na lang po ako" Sabi nung babae kaya napabuntong hininga ako. Am I too Harsh? Halata naman na di siya manloloko eh dahil mukha pa nga siyang mas mayaman saakin eh.



"No! Okay, okay, I'm sorry... Sige na." Sabi ko at lumapit na dito. "Pero kailangan mong patunayan na pinalayas ka nga at di ka manloloko"



"Ha? Pano ko naman papatunayan yun?" Sabi niya saakin.



"Di ko rin alam pero kwentuhan mo ko sa kwarto ko." Sabi ko at hinila na siya paakyat nang kwarto at pinaupo sa kama. 



"Paano yung bag ko?" Tanong niya



"Mamaya I-aakyat natin for now dito muna tayo." Sabi ko at umupo na sa tabi niya. "Oh patunayan mo na saakin. May Picture ka ba diyan? Dapat makatotoo ahh" 



Kinuha niya yung phone niya at yun pa lang ay naniniwala na ako. Maganda ang brand nang phone niya pero di siya yung ganon ka mahal parang mid-range lang siya na Samsung phone. Mas mukhang mahal pa nga phone niya kesa saakin dahil nasa budget phone lang na Samsung ang Phone ko! Naniniwala na talaga ako!



"Ahmm eto yung bahay namin" Nagpakita siya nang picture nang bahay kaya napalaki yung mata ko. Di siya maliit at di rin siya ganon kalaki pero nakikita ko na mas malaki nga yun sa bahay ko. two story modern house siya na sakto lang yung laki at may garahe pero mukhang wala pang sasakyan. 



Forever my Dream [Dark Ace Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon