CHAPTER 16

136 3 0
                                    


[Kathleen's POV]



Patuloy pa rin naming ginagawa nang group mates ko yung thesis na ipapasa na next month kaya kailangan na namin matapos this month at pag aaralan pa namin ito.



"Number 1, Letting a child eat fatty food or food with many calories. That's really is common. Number 2, Stress or emotional factors that cause the child to eat so much"



Marami pa kaming niresearch tungkol sa topic at nakakatuwa na nakikisama yung mga group mates namin at may mga ambag kaming lahat hehe! Takot lang nila kay Kyle! Tsaka gustong gusto naman nila na gumagawa nang research dahil gusto rin nila na nililibre sila ni kyle.



"Kyle saglit lang pwede mag patulong dito" Tawag ni Karla habang nag tatype sa laptop kaya lumapit si Kyle para tulungan si Karla. Ako naman ay nag tatype din sa laptop ko kung ano ang mga na-search ko.



Ilang araw din namin nagawa yung thesis at ilang araw din kaming walang tulog at finally naisapa na rin namin yung thesis project namin. Ilang buwan din namin ginawa yang 500 pages na thesis namin na yun kaya nag pacelebrate ang magulang ni Karla sa bahay nila.



"Isang taon na lang guys! Yay!!!" Sigaw naming lahat habang tinaas namin ang wine glass namin. 



"Ojt na tayo next year san niyo balak mag OJT?" Tanong ni Kevin samin isa siya sa group mate namin na taga print namin.



"Sa Rosales Medical kami mag O-OJT dahil malapit lang kasi siya sa bahay namin. Kayo Kyle at Kath?" Tanong ni Sheila samin habang iniinom yung wine niya.



"Ahhh di pa kami nag uusap about dun eh. San mo ba balak Kyle?" Tanong ko dito.



"Lopez Medical of course" Sabi ni Kyle.



"Ay sabagay dun nga pala nag tatrabaho parents mo noh? Atlease matutulungan ka nila pag kailangan mo sila" Sabi ko kaya tumango siya.



"Aren't you gonna come with me there? I mean take your OJT at Lopez?" 



"Ha? Edi sige kung san ka naman dun ako eh" 



"Ayaw mo ba sa Lopez?" Tanong niya saakin.



"Hindi naman. Sige sa Lopez na ako atlease kasama kita" 



+++


Almost Graduation namin at kailangan na lang namin punuin ang 300 hours na OJT sa Lopez medical kaya andito kami ngayon sa Lopez medical under Nurse Maine Sanchez. 



Mabait si Nurse Maine lalo na kay Kyle kaya minsan nag tataka ako kung may gusto ba si Nurse Maine kay Kyle? Teka! Oy! Akin si Kyle tsaka diba sabi ni Kyle gusto niya nang kasing edad niya! Kaya no no na agad si Nurse Maine!



Nasa mid 30's na kasi si Nurse Maine kaya sure ako na di magugustuhan ni Kyle yun pero... EHHHHHHHH!!!! Di ako mapakali kasi para bang ambait ni Nurse Maine. Pero sabagay mabait rin naman siya samin eh pero EHHHH Pa rin!



"What are you thinking?" Nagulat ako nang mag salita si Kyle sa likod ko. May hawak siyang IV na ikakabit niya sa pasyente na kukukuhaan ko sana nang BP. 



"Ah wala naman. Sorry may naisip lang ako" Sabi ko at kinuha na yung BP nang pasyente. "120/70"  Sinulat ko sa checklist at umatras na para ikabit na ni Kyle yung IV.



Forever my Dream [Dark Ace Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon