[Kathleen's POV]
"Baka mahulog ako kyle! Sumama ka na kasi!" Sigaw ko sakanya dahin andito kami ngayon sa Camp John Hay at sasakay kami sa Horse Back Riding. First time ko din kasi sumakay dito at di ko pa nararanasan.
"Sige na, Sige na" Parang napipilitan lang siya pero di ko na pinansin yun. Sabi ko kasi sakanya na dalawa kami sasakay sa kabayo dahil ayoko mag isa at baka itakbo ako nang kabayo at mahulog ako sa bangin. Paano ba naman kasi sabi ni Kuyang nagaalaga nang kabayo ay sa bundok daw kami dadaan.
Tinulungan ako ni Kuyang taga alaga nang kabayo na makasakay at pagkasakay ko pa lang ay sumisigaw na ako dahil panay galaw na nang kabayoat feeling ko mahuhulog ako sa putikan.
"Calm Down, di kita iiwan okay?" Sabi saakin ni Kyle at lumapit na sa kabayo para sumakay.
"SUMAKAY KA NA KASI!! BAKA ITAKBO AKO NETO!! HUHU!!" Sigaw ko kaya natatawa naman siyang sumakay dito sa likod ko. Siya yung mag dadrive nang kabayo hehe marunong daw siya tignan nga natin.
Si Zeke at Zylie naman ay ay pareho rin nasa isang kabayo while solo naman yung iba. Si Kyle ay nasa likod ko at siya ang mag mamaneho nang kabayo. Ang Braso niya ay nakaharang sa magkabilang tabi ko para incase na mahulog ako ay mahaharang niya.
"Wahhh!! Dahan dahan lang Kyle! Baka mahulog tayo sa bangin!!!" Puno na nang sigaw ang bundok at feeling ko nagising ko na ang lahat nang enkanto dito sa bundok na dinadaanan namin sa ingay ko.
Pano ba naman kase tong si Kyle ay pinapalo yung kabayo gamit yung parang mahaba na tali kaya napipilitan tumakbo yung kabayo eh panay hawak ko sa hawakan dahil baka mahulog ako pero etong lalaki sa likod ko ay panay tawa lang.
"Eto na I will hold you para you won't fall" Sabi niya at niyakap na ang bewang ko. Ayun naman pala di pa ginawa kanina pa!
Natapos din kami at binuhat pa ako ni Kyle para makababa ako. Feeling Princess naman ako HAHAHA! Asan na ba yung Gown ko at papakasalan ko na tong lalaking toh? Joke! Residency muna!
Kumain muna kami sa isang kilalang Restaurant dito sa Baguio bago kami bumalik sa hotel para magpahinga muna saglit. Di naman namin minamadali ang mga bagay bagay dito dahil 1 week pa kami mag s-stay.
Nag-Aya pa si Gian na mag starbucks kami dito sa John Hay at sabi ko di na ako sasama kasi wala akong pang starbucks! 3 in 1 lang kaya ko!
"Come with us I'll treat you" Sabi ni Kyle saakin at hinawakan ang kamay ko para hilahin na ako.
BINABASA MO ANG
Forever my Dream [Dark Ace Series #1]
RomanceDARK ACE SERIES # 1: Forever my Dream Di makapaniwala si Kathleen na nakatuluyan niya ang Highschool crush niya na si Kyle hanggang sa umabot sila nang college na mag kaklase pa sila. Sa tagal nang panahon ay maraming naranasan na away bati ang dala...