CHAPTER 28

153 2 0
                                    


[Kathleen's POV]



Isang buwan na ang nakalipas nung dumalaw kami sa mga kapatid ni Kyle at nabalik na rin nang France si Ate Kylie at kami pa ang nag hatid sakanya. Si Kuya Kaiden naman ay kinausap na sila Zeke about sa Lopez Medical sa Quezon City.



Si Kyle naman ay lumipat nang unit at di na ako magugulat na dito siya sa condo ko maninirahan. Pero ang kinuha niya yung Pent house dahil di daw siya sanay sa maliit na unit, Ang arte.



Mula Manila kasi ay laging bumbyahe si Kyle papunta dito sa Makati para lang sunduin ako at pumasok sa lopez kaya ayun since andito rin naman si Gian sa Condo na toh eto na rin pinili niya sakto binebenta na nang may ari nung Pent House yung unit niya kaya nabili agad nun ni Kyle.



At kung may magtatanong kung kami na ni Kyle, Hindi pa! Nanliligaw pa rin siya eh! Pero balak ko na rin naman siyang sagutin kasi gusto ko na siyang maangkin dahil may isang doctor na bagong pasok dito at panay ang lapit kay Kyle!!



"Doc Keila! Head Injury po!" Sigaw nang isang nurse kaya lumapit yung doctor na yun. Siya yung sinasabi kong babaeng aligid nang aligid sa tabi ni Kyle.



Sabay daw silang nag resident sa Lopez Medical sa Manila. Naniniwala naman ako na ayaw siya ni Kyle dahil mas matanda si Doc Keila nang isang taon samin kaya for sure di niya magugustuhan yan!



"What are you thinking about?" Tanong ni Kyle kaya nagulat na lang ako na nasa tabi ko na pala siya. Nakatulala lang kasi ako habang tinitignan si Doc Keila. Alam mo yung kahit sa gantong edad ay mukha paring bata atang galing niyang Doctor.



"Why are you looking at Doc Keila?" Tanong ni Kyle saakin.



"Gusto mo ba siya Kyle?" Wala sa sarili kong tanong.



"Huh? What the heck are you talking about? No! Ikaw ang gusto ko diba?"



"Eh bakit lagi kayong magkasama? Nag sasawa ka na ba manligaw sakin?" Tanong ko sakanya habang naka nguso.



"What? What are you talking about babe. Never akong mag sasawa na ligawan ka kahit sagutin mo ko ay liligawan pa rin kita. Tsaka si Doc Keila ay-" Sabi niya pero pinutol ko na ito kasi di ko gusto marinig pa kung magkaano ano sila nung Keila na yun.



"Oo na! Wag ka nang mag explain.  gusto ko lang makasigurado"



"Bakit sasagutin mo na ba ako?"



"Di ko alam"




"Bakit di mo alam?" Nakakunot noong tanong niya.



"Sasagutin kita wag kang atat! Natutuwa pa akong pahirapan ka eh!" Sigaw ko kaya natawa naman ito at ginulo ang buhok ko.



"Ano ba! Ang hirap mag ayos nang nurse Cap eh!" Natawa ito lalo at hahalikan sana ako sa pisngi nang tawagin ito nang isang nurse dahil kailangan siya.



"Mamaya na lang kiss ko babe" Sabi niya at tumalikod. Kiss siya diyan haha!



+++


Kakatapos lang nang duty ko ngayon at mag isa ako uuwi dahil OT daw si Kyle dahil may kailangan itong tapusin. Sabi niya antayin ko siya pero sabi ko mauuna na ako dahil maglilinis pa ako nang unit ko at mag bobook na lang nang grab.

Forever my Dream [Dark Ace Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon