CHAPTER 8

121 4 1
                                    


[Kathleen's POV]


"Grabe naman yun si Doctor Ortiz mag paquiz sunod sunod na araw teh ano 1st year pa lang tayo para na  tayong gagraduate sa mga pinapagawa niya" Reklamo ni Sarah saakin habang nag aaral kami nang College Algebra na Subject at totoo yung sinasabi niya dahil kakaquiz lang namin kahapon may quiz nanaman kami mamaya.



"Lets just Review guys wala tayong patutunguhan pag nag rereklamo tayo" Sabi naman ni Gian habang nakatingin sa libro at akala mo scanner sa bilis mag basa.



Nag simula na rin kami sa pasukan namin at naging classmate ko sa nursing si Gian at Kyle and pati na rin si Sarah. Hehe! Nakakatuwa lang dahil di ako mag isa di kagaya nung mga iba kong kaibigan na solo solo sila dahil iba iba and courses na kinuha nila.



"Kyle, Pwede paturo ako neto?" Malambing na sabi ko habang tinuturo ko dun sa isang lesson na di ko maintindihan kanina pa. 



"Sure" Ngiti niya at kinuha yung libro na hawak ko at binasa yun isa isa. Jusko!!



"((1 + 2)2 + 5)2 = (32 + 5)2 = (9 + 5)2 = 142 = 19, Do you get it?" Tanong ni Kyle at ako tango tango lang pero di ko talaga maintindihan!!!



"You can't understand right?" Tanong niya at mukhang obvious na di ko nga maintindihan. Napabuntong hininga na lang siya at tinuruan ulit ako. Di talaga siya sumusuko hanggat di ko na gegets.



"Ahhhh!! gets ko na!" Sigaw ko kaya ngumiti siya at ginulo yung buhok ko.


"Good Job my little girl." Feeling ko ang cute ko.



+++



"Ano score mo?" Tanong ko kala Kyle at Gian kasi kakatapos lang nang quiz namin. Okay naman yung score ko pero di siya yung mataas kaya gusto ko matanong yung score nila kyle kasi mahirap talaga at baka nahirapan din sila pero I doubt hindi.



"50" Sabay nilang sabi kaya nanlaki ang mata namin ni Sarah. 



"PERFECT?!" Sigaw namin. Over 50 kasi ang quiz namin at mabilis yung oras kaya naubusan din ako nang oras mag calculate.



"Why what are your scores?" Tanong ni kyle saamin ni Sarah.



"38 ako" Sabi ni Sarah kaya tinignan ko ang papel ko at napanguso.

Forever my Dream [Dark Ace Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon