CHAPTER 35

183 5 3
                                    


[Kathleen's POV]


"Baby, Please stop crying na." Buhat buhat ko ang anak kong Babae kanina pa toh iyak nang iyak. Nag breast feed na rin siya saakin pero wa epek pa rin dahil iyak pa rin nang iyak.



Syempre dahil umiiyak tong Babae ay bigla na lang sumabay sa iyak yung lalaki kaya natataranta na ako bigla. Anong gagawin ko?!



Wala si Kyle ngayon dahil may inasikaso sa Lopez alam mo na dalawa ang anak so kailangan kumayod nang tatay. Gusto ko rin sana mag duty ang kaso ay di kami pwede mag sabay ni Kyle dahil walang mag aalaga sa mga bata.



"Kumuha na kasi kayo nang Yaya para naman maasikaso niyo kasal niyo. Anong balak mo teh? Dalawang beses na nag propose yang fiance mo mag aantay ka pa ba nang tatlo? Mukhang gusto mo ko talunin ah" Andito si Zylie ngayon at siya lang dahil kailangan ko nang tulong para mag alaga dahil di ko kaya alagaan ang dalawa kong anak dahil iisa lang ako.



Buhat buhat na ni Zylie si Kheo na pinapadede niya sa bote at tulog na habang ako ay pinapadede si Khea na nasa crib at tulog na rin. Kung di dahil kay Zylie ay di ko pa rin mapapatahan tong dalawang toh.



Ewan ko ba bakita parang ayaw saakin nang mga anak ko pero pag dating sa Tatay nila ay tumatahan na. May Bias sila pareho eh!



"I'm home" Rinig kong sigaw ni Kyle na galing sa pintuan kaya nang tignan ko si Khea na tulog na ay tinanggal ko na yung Bote at nilapag na sa lamesa para lapitan si Kyle.



"Kumusta work?" Tanong ko nang kuhain ko yung White Coat niya at nilagay sa laundry basket.



"Tiring. Andaming pasyente kanina sa emergency room pero nakauwi naman ako agad."



"Oh andiyan na si Mister ah so uuwi na ako ha? Kailangan ko pa balikan ang Mister ko" Sabi ni Zylie at hiniga na si Kheo sa Crib niya.



"You want me to take you home?" Tanong ni Kyle pero umiling na si Zylie.



"Hindi na may sasakyan naman ako tsaka kailangan ka ni Kath ngayon, Di marunong sa bata eh hahaha" Lait niya saakin kaya nginiwian ko lang ito. Nag paalam pa siya isang beses bago sinara yung pinto.



"So how are you here at home? And why did you need Zylie's help inabala mo pa siya" 



"Di ko kasi mapatahan yung dalawa eh. Para silang One for all, All for One. Pag umiyak yung isa, Iiyak na din yung isa eh di ko naman mapatahan pareho kaya tinawag ko na" I Pouted. Ngumiti si Kyle at ginulo yung buhok ko.

Forever my Dream [Dark Ace Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon