tw: // Attempted Rape, Violence.
[Kathleen's POV]
Kinabukasan ay napagisipan na lang namin lumangoy sa Pool dahil siguro ayaw na rin nila maulit yung nangyari Kahapon. Atlease sa Pool may makakapitan ka sa gilid at sure agad na ligtas.
Ang OA rin nila dahil bumili pa sila nang salbabida pero syempre ayoko nun dahil pag pupunta ako sa malalim ay kakapit ako tsaka kaya ko naman lumangoy sa pool dahil di naman ito masakit sa mata di kagaya nung dagat.
"Hey why wont you use this?" Pinipilit kasi ako ni Kyle na gamitin yung salbabida na binili niya kanina sa labas dun sa mga hilera nang tindahan na nag bebenta nang mga Gamit pang Swimming.
"Ayoko niyan! Kaya ko lumangoy sa pool!"
"I just want to make sure!"
"Ang Kulit mo naman eh!" Naiinis na sabi ko. Panay pilit kasi! "Kaya ko nga! Kahit panoorin mo pa ako!"
"Talaga! Mag antay ka magbibihis lang ako" Sabi niya at tumalikod papasok sa Beachhouse para mag palit siguro. Daming sat sat gusto lang pala ako samahan. Edi ang sweet niya naman kung ganon.
Inantay ko siya kaya umupo muna ako sa hagdan nang pool at nag babad nang paa ko. Kita ko si Dwayne at Zia mula dito at nandun sila sa malalim at nakakapit si Zia kay Dwayne at mukhang tuwang tuwa naman tong lalaking toh na nakayakap sakanya si Zia.
Jusko ano ba sinusuot ni Kyle at matagal siya? Tumayo muna ako at kinuha yung cover up ko para suotin yun at nag libot para tignan uli yung resort. Bala na si Kyle mag hanap! Tagal tagal gusto ko na lumangoy eh! Pero ayoko lang mauna sa pool dahil nga gusto ko siya makasama.
Pumunta ako sa may bangang gilid nang rest house dahil may garden dun at gusto ko mag picture dun nang mga flowers. Kinuha ko yung phone ko at sinimulan picturan yung mga flowers na maganda ang bloom ngayon.
Sayang Gusto ko sana mag picture dito at background ko tong mga flowers. Nag hanap ako nang pwedeng patungan nang phone at ititimer ko na lang.
"Gusto niyo po kuhanan ko kayo?" Nagulat ako sa nag salita sa likod. Isa siyang staff dito sa Resort dahil halata naman sa suot niya pero di ko alam kung ano trabaho niya dito. Mukha siyang nasa Mid 20's or 30's pero di ganon katanda.
"Sige po kuya salamat" Sabi ko at inabot yung phone ko kaya ngumiti ako at nag pose nang iba't ibang pose.
BINABASA MO ANG
Forever my Dream [Dark Ace Series #1]
RomanceDARK ACE SERIES # 1: Forever my Dream Di makapaniwala si Kathleen na nakatuluyan niya ang Highschool crush niya na si Kyle hanggang sa umabot sila nang college na mag kaklase pa sila. Sa tagal nang panahon ay maraming naranasan na away bati ang dala...