[Kathleen's POV]
Nagising ako nang maaga dito sa Unit ni Kyle at dahil gusto niya raw bumawi sa mga araw at buwan na di kami nagkikita ay kinidnap niya agad ako.
Magkatabi kami ngayon na parehong walang saplot at tanging kumot na lang tumatakip sa katawan namin. Tinignan ko siya na nakadapa at kita ang hubad niyang likod na nakayakap sa unan kaya bumangon ako at hinila ang kumot para takpan ang mga dibdib ko.
Ramdam ko ang sakit sa pang ibaba ko kaya hirap din ako tumayo kaya humiga na lang ako at aantayin na magising tong katabi ko.
Di dapat ako papayag na sumama dito ang kaso ay nalaman niya na wala paring pasok bukas sa UST dahil baha pa daw sa Espana kaya tinawag niya na agad yung head nurse namin at sinabing mag leleave daw ako at aba pumayag agad? Lakas talaga nang tama neto eh!
Pero buti na lang na nag leave nga ako ngayon dahil di rin ako makakakilos nang maayos sa gantong kalagayan. Yung para bang first time mo kahit hindi naman? Sa tagal ba namang huling may nangyari samin kaya ganto siguro yung pakiramdam ko ngayon.
At sa wakas ay nagising na din ang hari dahil napakatagal magising.
"You're awake?" Tanong niya with his sleepy voice at niyakap niya ako sa bewang at parang antok na antok na pinatong ang ulo sa balikat ko habang ako ay nakahiga din.
"Oo ikaw ba gising ka na?" Tanong ko at naramdaman ko na umiling siya at mukhang antok na antok pa. Pinulupot ko ang kamay ko sa likod nang leeg niya na para bang ginawa niya nang unan ang braso ko at niyakap din siya sa leeg naman para maisik sik ko ang mukha niya sa leeg ko.
"You smell good" Bulong niya habang nakasiksik sa leeg ko kaya naramdaman ko ang hininga niya dun.
"Natuyuan nga ako nang pawis sa pagod kagabi smell good pa rin?"
"I'm not joking. You really smell good" Sabi niya at naramdaman ko na yung pag singhot niya sa leeg ko kaya medyo nakiliti ako.
"Anong balak mo ngayon? Di tayo makakalabas dahil bumabagyo"
"Lets just stay here. Mas gusto ko na dito na lang tayo sa kama ko magkatabe" Sabi niya nang mahina at halatang inaantok pa. Naramdaman ko nanaman na nakatulog siya kaya dahan dahan kong tinanggal sa pagkakayakap niya sa bewang ko at kinuha yung mga damit ko sa sahig at muling sinuot yun.
Mukhang pagod na pagod ang doctor ko kaya ako na nag prepare nang breakfast namin tutal maaga pa naman at kahit masakit ay tiniis ko para lang may makain kami. Aba walang mangyayari samin kung walang kikilos. Nag luto lang naman ako nang fried Rice, Bacon at Hotdog dahil yun lang nakita kong laman nang Ref niya.
After ko mag luto ay naligo muna ako sa living room bathroom at nag bihis sa guest room kung saan may mga damit ako dahil nag reready lagi si Kyle nang mga extra na damit ko dito sa unit niya if ever na aksidente akong matutulog dito.
"You cooked?" Tanong niya habang pinupunasan yung mga mata niya at halatang bagong gising. Gulo gulo pa buhok niya at tanging pajamas lang suot niya at walang pang suot na pang itaas pero jusko! Halatang halata sa katawan niya yung mga Hickey na binigay ko sakanya kagabi dahil sa puti niya. Ilan yun? Mga anim jusko! OO! binilang ko!
"Mag damit ka nga! Baka may dumating bigla at makita yang katawan mo jusko!" Sigaw ko at tinulak ulit siya papasok sa kwarto niya kaya natawa naman siya.
BINABASA MO ANG
Forever my Dream [Dark Ace Series #1]
RomanceDARK ACE SERIES # 1: Forever my Dream Di makapaniwala si Kathleen na nakatuluyan niya ang Highschool crush niya na si Kyle hanggang sa umabot sila nang college na mag kaklase pa sila. Sa tagal nang panahon ay maraming naranasan na away bati ang dala...