[Kathleen's POV]
"Kuya and Ate want's to meet you" Nagulat ako sa sinabi ni Kyle. Andito kasi kami ngayon sa mcdo dahil sabi niya gusto makipag date saakin kaya pinagbigyan ko na.
"Diba nakilala ko naman na sila before?"
"Oo pero hindi personally"
"Ha? Umuwi na sila nang pilipinas?" Tanong ko kay Kyle.
"Ah yeah and gusto nila makilala ka personally"
"Di ba nila alam yung sa break up natin? Baka galit sila dahil ako ang nakipag hiwalay sayo tapos pakikilala mo na ako personally" Kinakabahan na sabi ko.
"Tsk! They already know what Mom did kaya naiintindihan nila and they really want to meet you already" Sabi niya at mukhang mapilit. Syempre ako ang gusto makilala kaya bakit ako tatanggi, Nakakahiya naman sakanila.
"Sige na, Sige na, Kilala ko naman na sila at gusto ko rin sila makita nang personal" Sabi ko kaya ngumiti eto at niyakap ako nang mahigpit. "Pero pano yung nanay mo? Baka andun siya"
"Wala siya dun dahil may sariling pamilya na sila pareho at dun tayo pupunta sa bahay ni Kuya sa Quezon City" Sabi ni Kyle kaya nakaramdam ako nang ginhawa.
"May pamilya na pala si Kuya mo? Eh yung Ate mo?"
"Meron na din at kakakasal lang nila last year sa Paris at nag bakasyon lang si ate dito at uuwi din next month pabalik dun. Dun kasi nakatira yung asawa at dun sila pareho nag tatrabaho" Tumango na lang ako
"Eh ikaw kailan mo balak mag asawa? Tanda mo na eh" Wala sa sariling tanong ko kaya nang marealize ko ang sinabi ko ay natahimik ako.
"Ikaw na lang inaantay ko eh. Kailan mo ba gusto?" Bigla akong nakaramdam nang mainit sa pisngi ko kaya napatalikod ako bigla at hinawakan pareho yun. "Kinikilig ka nanaman. Diba sabi ko sayo noon na sayo lang ako mag papakasal? Mag aantay ba ako nang ilang taon kung sa iba rin ako mag eend up"
"Andami mong sinasabe Kyle tara na at uuwi na ako may duty pa ako bukas" Natawa na lang siya sa reaction ko at nag simula na kaming mag ayos para makauwi na kami.
Dumating na yung araw na pinakakinakabahan ako. Makikilala ko na nang personal ang Ate at Kuya ni Kyle. yung mga kapatid na kasama niya sa pag laki at lahat nang nakawitness nang kalokohan ni Kyle nung bata.
"Tsk, you're nervous again. Alam mo naman na mabait sila pareho bakit kinakabahan ka?" Tanong saakin ni Kyle.
"Eh di ko maiwasan dahil minus 10 na ako sakanila nung nakipag hiwalay ako sayo"
"Sinabi ko naman sayo na alam nga nila ang dahilan kaya tara na at baka nag aantay na sila sa loob" Sabi niya at hinila na ako palabas nang kotse at bumugad saamin ang isang napakalaking bahay. Grabe ang ganda naman nang bahay na toh! Sa Kuya pa lang toh?
"Kuya? Ate? Where here!" Sigaw ni Kyle habang nag dodoor bell kaya nang maramdaman ko na nagbukas yung pinto ay napayuko ako.
"Oh Kyle, Buti nakarating na kayo" Sabi nang isang babae kaya I assume si Ate Kylie yun. "Is that Kathleen?"
Napatingin ako bigla nang tawagin ako neto at grabe bungad saakin! Nasa lahi talaga nila ang pagiging Maganda dahil grabe ang ganda ni Ate Kylie sa personal.
BINABASA MO ANG
Forever my Dream [Dark Ace Series #1]
RomanceDARK ACE SERIES # 1: Forever my Dream Di makapaniwala si Kathleen na nakatuluyan niya ang Highschool crush niya na si Kyle hanggang sa umabot sila nang college na mag kaklase pa sila. Sa tagal nang panahon ay maraming naranasan na away bati ang dala...