CHAPTER 14

111 3 1
                                    


[Kathleen's POV]


After nang insidente nang pagbuntis ni Zeke kay Kally at pag buntis din niya kay Zylie ay napagisipan ni Tito na dalhin si Zylie sa South Korea hanggang sa matapos ang kontrata niya dun. Nalungkot ako dahil ako na lang mag-isa ang maiiwan dito.



Ilang beses ako pinuntahahan ni Zeke at hinahanap si Zylie pero ang sabi ko ay wala na siya at umalis na. Ayaw ipasabi ni Zylie na buntis siya sa anak ni Zeke kahit ano daw mangyari ay wag kong sasabihin.



Nalaman ko pa na aksidente lang pala ang nangyari kay Kally at Zeke at dinrug daw ni Kally si Zeke pero kahit na nalaman ko ito ay di ko pa rin pwede sabihin na buntis si Zylie dahil magagalit siya saakin.



"Why can't you tell us where Zylie is. Zeke is really out of his mind now" Sabi ni Kyle habang papunta kami sa School. 



"Di ko talaga pwede sabihin babe kasi magagalit si Zylie. Hayaan mo na muna siya dahil nasaktan pa rin siya. kahit pag baliktarin ang mundo ay nakabuntis si Zeke at may nangyari"



"It was an accident. Akala ko ba naiintindihan mo?"



"Tsk! Kahit na! Alam mo kung pag aawayan nanaman natin toh wag mo na lang muna ako kausapin" Sabi ko at lumabas na nang kotse niya kasi nakapag park na rin siya nang maayos.



Lagi kasi namin pinag aawayan yung relasyon nang mga bestfriend namin. Alam mo yung wala naman kaming kinalaman pero nadadamay realsyon namin dahil bestfriend namin yung dalawa.



Pinipilit niya ako kung nasaan si Zylie tapos minsan nag sasadya siya nang mga tanong na aksidente ko masasabi kung san siya pero nahuhuli ko agad at wag siyang aasa na madudulas ako.



Ginagawa ko lang toh para sa bestfriend ko dahil seryosong issue ito at di pwedeng basta basta lang ako mag sabi.



"Hey Kathleen, I'm sorry... Zeke is really miserable right now kaya I want to do everything for him so he can feel happy again but I couldn't do anything." Ramdam ko ang lungkot sakanya pero wala akong magagawa para pasayahin siya dahil kailangan kong itago ang lihim nang Bestfriend ko.



"Sorry din pero di ko talaga pwede sabihin sana maintindihan niyo pareho na nahihirapan din ako sa sitwasyon na toh" 



"Fine di na kita pipilitin. Pakisabi na lang kay Zylie na mag ingat siya kung saan man siya ngayon and sana bumalik na siya" Di na ako sumagot sa sinabi niya.

Forever my Dream [Dark Ace Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon