CHAPTER 7

131 4 1
                                    


[Kathleen's POV]


"Where have you been?!" Natigilan kami sa bumugad saamin dahil ang Buong Dark Ace nasa room namin at hawak lahat ang phone nila.



"Nag Jogging lang kame" Sabi ni Zylie na medyo nailang dahil na rin sa sama nang tingin ni Zeke sakanya.



"Why didn't you guys tell us?? Then iniwan niyo pa yung phones niyo?! What the hell! Akala namin san na kayo nag punta we had to ask the Staffs to look for the both of you all over the hotel but when they told us that you guys are nowhere to be found ay ipapahanap na sana namin kayo sa buong baguio" Napapalakas na ang boses ni Zeke kaya alam namin na galit na ito. Normal naman kay Zeke ang magalit lalo na pag nag aalala siya kaya napayuko na lang kami ni Zylie nang nakanguso.



"Sorry na Asungot" Lumapit si Zylie kay Zeke at sinabit yung kamay sa braso nito sakanya para lambingin at suyuin kaya Napabuntong hininga na lang si Zeke at niyakap si Zylie.



May kumuha naman nang kamay ko at hinila ako payakap sakanya at inamoy yung buhok ko.



"Don't to that again please" Sabi ni Kyle kaya niyakap ko pabalik at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. 



"Sorry na, Nag mamadali kasi kami dahil baka biglang sumikat yung araw at di kami makapag Jog ayan tuloy nalimutan namin phone namin" Paliwanag ko habang inaamoy amoy ang pabango niya sa sweater na suot niya ngayon. Ang bango talaga lagi nang pabango nang lalaki lalo na pag ganto ka-gwapo ang gumagamit.



Sinermonan pa nila kame kaya nakanguso lang kaming nakaupo sa kama namin at nakinig dahil wala rin naman kaming choice, Kinailangan ilabas ni Zeke ang sama nang loob niya. Wag daw kami lalabas nang kame lang, Wag daw sila iwan, Magdala daw nang phone lage para macontact at marami pang iba.



Nag lakad na kami papunta sa Tree Top Adventure at natuwa naman kami dahil first time namin pareho ni Zylie dito. Merong Canopy ride, Superman Ride, Tree Drop Adventure, Skywalk at silver surf ride. Meron ding treking na libre lang kaso maarte yung mga lalaki at ayaw daw nila dahil nakakapagod kaya di na kami tumuloy dun at sumakay na lang sa mga ziplines na inavail namin.



"K-kayo na lang muna Master" Sabi ni Gian nang nakatingin sa malayo. Di niya tinitignan ang mga taong nakasakay pero di ko alam bakit. May takot ba sa matataas toh si Gian?? Mabilis naman na sumang ayon si Zeke at di na ito pinilit pa.


Pagkasakay namin ni Zylie ay puro sigaw lang namin ang naririnig sa buong gubat na feeling ko pati mga engkanto dito nagising na namin sa lakas nang sigaw namin. Paano ba naman kasi ang taas nang babagsakan if ever na mahulog ka.



"Ang saya nun!" Sigaw namin pareho ni Zylie nang matapos namin ang isang Zip Line. 

Forever my Dream [Dark Ace Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon