[Kathleen's POV]
"Ano?! Anak nang may-ari si Kyle?" Gulat na tanong ni Sarah saakin habang nasa nurse station kami. Di pa ako lumilipat dahil next week pa tapos nang kontrata ko dito.
"Oo at ngayon ko lang nalaman yun?! KAYA PALA LIBRE LAHAT PAG NAOOSPITAL KAMI NI ZYLIE BEFORE! LIMANG TAON KAMI PERO DI NIYA SINABI?! Ibig sabihin sila Tito Steven at Tita Klaire pala may ari nun"
"Mukha nga alangan naman hindi depende na lang kung may iba pang magulang si Kyle" Biro niya.
"Tsk! Lopez? Lopez! Lopez Apilido ni Kyle! Lopez medical! Bakit ba di ko naisip yun? Kaya naman pala ginagalang siya nang nurse dun nung nag OJT kami parang ewan talaga oh!" Di talaga ako makapaniwala na sila Dok at Doktora ang may ari nun.
"Pero wait may Lopez Medical na rin pala dito sa Makati? Taray nila ah naka dalawang branch na. Iba talaga ang mayaman" Sabi ni Sarah "Sana pwede ako lumipat"
"Tapusin mo muna kontrata mo tapos lumipat ka"
"Ehhhhh!! Matagal pa yun gusto na kita makasama! Boring na buhay ko dito kung wala ka. Baka naman sabihin mo dun sa Ex mo na Ilipat din ako"
"Di ko pwede gawin yun teh! Di na nga kami masyadong nag uusap nung lalaking yun eh!"
"Nu bayan! Sige na nga ako na lang kakausap tutal mag kaibigan rin naman kami eh" Nakanguso niyang sabi.
"Bahala ka basta wag mo ko idamay" Sabi ko na lang at nag sulat na ulit sa checklist nang pasyente.
Dumating na yung araw na kailangan ko nang lumipat kaya nung last day ko na sa Rosales ay nag paalam na ako sa mga nakasama ko dito. Nag pakain pa nga ako na parang despedida dahil sabi nila last ko naman daw so nag order ako nang S&R pizza para naman malaki na.
"Galingan mo dun ha? Kung ano natutunan mo diba gawin mo din dun sa Lopez" Payo saakin ni Nurse Mildred at tinapik ang braso ko. Tumango ako at niyakap si Nurse. Para ko na rin siyang naging nanay dito sa buong taon na pagtatrabaho ko dito.
"Mamimiss po kita Nurse"
"Ikaw naman bakit ka umiiyak eh di ka naman mawawala. Malapit lang naman ang Lopez kaya dumalaw ka dito ha?"
"Opo dadalaw po ako" Sabi ko nang naiiyak. Nang bumitaw na ako ay nilapitan na ako ni Sarah at niyakap.
"Antayin mo ko ah! Susunod ako sayo!" Sigaw niya kaya tumango ako at niyakap siya nang mahigpit. Mamimiss ko talaga silang lahat!
After nun ay dumeretso na ako nang Lopez dahil I-oorient na ako nang head nurse dun pero pag dating ko dun ay sinalubong agad ako ni Kyle. Nag bago na talaga ang itsura niya at di kagaya nuon na mukhang laging pagod parang siya na ang nag uutos ngayon. Pero ano pa nga ba eh anak pala siya nang may ari eh.
"Hello, Nurse Kathleen. Its nice seeing you again" Magandang ngiti ang bungad niya saakin kaya ngumiti na lang rin ako.
"Ah s-salamat" Ano ba Kath act professional!
"Yeah and Ihahatid na kita sa Nurse Station para maorient ka na din. Familiar ka naman kay Nurse Maine right because she will be the one who will orient you today and ibibigay niya yung uniform mo so you can start tomorrow" Sabi niya at ako panay tango lang pero sa loob loob ko ay sobrang kinakabahan ako buti na lang kilala ko ang nurse. Mukhang nilipat si Nurse Maine sa hospital na toh ah.
BINABASA MO ANG
Forever my Dream [Dark Ace Series #1]
RomanceDARK ACE SERIES # 1: Forever my Dream Di makapaniwala si Kathleen na nakatuluyan niya ang Highschool crush niya na si Kyle hanggang sa umabot sila nang college na mag kaklase pa sila. Sa tagal nang panahon ay maraming naranasan na away bati ang dala...