CHAPTER 2

177 6 0
                                    


[Kathleen's POV]




Pasukan na namin ngayon at etong bestfriend ko ay napakatagal gumising! Aba't lumindol pa daw! Jusko kung alam ko lang ang daan papunta sa Eastwood ay nauna na ako kaso hindi eh sunod sunuran lang ulit ang peg ko sakanya.



Nakapunta naman na ako sa Eastwood para kunin ang uniform namin pero nalimutan ko na agad ang daan dahil mahina kasi ako sa directions.



Kaso pag pasok pa lang namin ay nakakita kami nang kumpulan nang mga babae na nagsisigawan malapit s parking kaya hinawakan ko sa braso si Zylie para pigilian siya.



"Oh Bakit?" Tanong niya.




"Aalis ka na? Tignan natin yun" Turo ko dun sa mga kumpulan nang mga babae.



"Kathleen late na ako okay? Pwede ba? Tutal ABM naman ako at STEM ka kaya una na ako. Iba naman tayo ng klase eh. Sige na bye" Sabi niya kaya napanguso na lang ako at tumingin muna sa paligid bago lumapit sa mga kumpulan nang mga babae.



"Ate ano pong meron?" Tanong ko dun sa babaeng mukha grade 12 dahil iba na kasi ang kulay nang ID lace niya at may nakalagay na 'Grade 12' at HUMSS.



"Can't you see I'm busy looking at my boys?? Don't talk to me please" Maarteng sabi niya kaya kumunot ang noo ko at di na siya pinansin. Ang sungit niya naman! Kung di lang ako bago dito papatulan ko yan! ano ba kasi meron?



Nag Tiptoe ako at sinbukan sumilip pero sa liit ko ay di ko talaga makita kaya sinubukan kong isiksik ang sarili ko sa mga babaeng nag kukumpulan at nang sucess akong nasiksik ang sarili ko ay nakita ko na sa wakas ang pinagkakaguluhan nila at jusko kaya naman pala!



Yung Dark Ace ang pinagkakaguluhan nila at naalala ko yung post na nakita ko sa instagram ni Kyle! Uniform nang East wood yung! Shakss! Bakit di ko nakilala?!



Nanlaki ang mata ko at di ako nakikisama sa mga sigawan nang babae pero tumititig lang ako sakanila, No Scratch that, Kay Kyle lang ako tumititig hayss ang gwapo niya talaga.



"Hey get out of the way! Omg!! KYLE!!!" Sigaw nang isang studyante at paatras akong tinulak upang mahulog ako. Tsk! Kaya tumayo na ako at pinagpag na lang yung palda ko hayys wala akong pag asa sa dami nang babaeng toh.



Nag lakad na ako papasok nang classroom at syempre new student ako dito kaya wala pa akong masyadong kilala. 



"ABM daw yung buong Dark Ace?"  Tanong nang isa kong classmate na malapit lang sa upuan kung saan ako nakaupo.



"Oo daw pero ang alam ko ay ni isa sakanila ay di naman related sa business kesa dun kay Master Zeke pero ayun nga mukhang sinundan nila ang Master nila" 



"Okay na siguro yun dahil matatalino naman sila at kahit di nila kunin ang related sa college course nila ay papasa naman sila"



Nawala na lahat nang usap usapan at pumasok na ang isang professor namin at sinasabi niya na siya daw Adviser namin kaya nagpakilala kami well normal na first day of School routine.



Nag-uwian na kami at nag text si Zylie saakin na puntahan ko daw siya sa isang place sa likod nang school na di raw puntahan lalo na't uwian na.



"Uy bakit tayo andito?" Tanong ko sakanya dahil nakaupo ito sa bench. Tulala ito at hinahawaka yung labi.



"Kathleen, kilala mo ba yung asungot na yun ha?" Asungot? ah baka yung si Zeke pero bakit Asungot? 



Forever my Dream [Dark Ace Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon