CHAPTER 33

174 4 1
                                    

Disclaimer: Please don't compare the Virus here in my story to the current virus we are experiencing right now because its different. Corona Virus is Reality while the Virus in my story is just made by me so please apply this Disclaimer to other Chapters.



+++


[Kathleen's POV]


Mag iisang buwan na ako dito sa hospital at nakakaramdam na rin ako nang baby bump sa Tiyan ko. Dun na ako naniniwala na buntis na nga ako, Di pa gaano kalaki ang tiyan ko ay sure ako na buntis na ako.



Balita ko kay Kyle ay may Bakuna na raw kaya sobrang saya nang pakiramdam ko ngayon. Once na makalabas na ako dito ay mag papacheck up na ako at laking pasasalamat ko din ay di naapektuhan nang Virus ang Anak ko dahil sa mga gamot na tinitiis kong inumin.



"Babe nakabili na 100,000 na bakuna yung lopez Medical para sa tatlong branches neto so mag papabakuna na tayo okay?"



"Talaga?"



"Yeah and since it's an Epidemic di naging mahirap para makakuha nang vaccine and they will prioritize Health Workers so nakakuha ang lopez" Paliwanag ni Kyle saakin. Gusto ko mag pasalamat kay Kyle dahil since nung pumasok ako dito hanggang ngayon ay nandito pa siya at tinitiis niya ang init nang PPE para lang makasama ako.



Napakinggan at ang prayers ko dahil bago pa ako nabakunahan ay nag Negative ako nang dalawang beses sa swab test kaya pinalabas na ako at inilagay sa normal room. At syempre since Fiance ko ang may ari gusto niya sa VIP room ako.



Di pa rin ako pinayagan mag tanggap nang bisita kaya si Kyle muna ang andito sa room ko pero ang difference ay di na siya naka PPE at naka hospital gown na lang na may suot na N95 at Disposable medical shower cap and gloves.



Ako naman ay naka face mask pa rin para sure pa rin ang protection ni Kyle at ibang nurses.



"Doc Kyle, Bukas daw po dadalhin ang bakuna dito sa Makati branch at nakapag bakuna na po sa Manila Branch. Last daw po dadalhan ay yung Quezon Branch" Sabi nang isang nurse na di ko kilala.



"Okay. Andito lang naman kami but make sure that it is enough for all our Personnel's, okay?" Sabi ni Kyle sa nurse.



"Yes Doc" Tumango ito at lumabas na nang room. Lumapit si Kyle at hinawakan ang kamay ko. Finally mahahawakan niya na rin ako. I miss his touch so much.



"Kumusta ka na? Are you feeling any better now?" Tanong niya saakin while squeezing my hand.



"Okay na, Di naman na ako masyadong nilalagnat ngayon" 



"That's Good. You should still rest okay? Di pa sure kung wala nang virus sayo kaya once na dumating yung bakuna ay ipapabakuna na agad kita"



 "Sige pero unahin mo yung mga nurses sa Emergency room dahil sila ang pinaka exposed satin lahat"



"Sure. Anything you say, babe." Sabi niya at hahalikan sana ako pero pinigilan ko ito.



"Wag muna. Bawal muna halikan"



"Tsk... I hate this virus so much" Bulong niya kaya natawa naman ako dahil matagal na siguro siyang nag titiis na malayo saakin dahil sa virus na toh.



Forever my Dream [Dark Ace Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon