chapter 39 "Revelation"

806 21 8
                                    


Rhiann Pov.

Ayaw kong sasabihin ang lahat ngunit kailangan.

Kailangan para naman malinawan siya.

Baka sakaling sa pagkakataon na 'to matauhan na siya.

Masakit sa 'kin na sa bibig ko mismo lalabas ang lahat para matauhan siya.

Pero kailangan ko pa ring sasabihin.

"Alam mo bang masakit sa 'kin na sinaktan mo ako ng dahil lang do'n. Nang dahil lang sa kalmot sa leeg ko kaya sinaktan mo ako." sabi ko.

Nakita kong lalong kumuyom ang kamao niya.

"Naalala mo rin ba no'ng sasampalin ko si Athena no'ng nasa gate kami na nag-away? Totoong sila ang nangunguna at binunggo bago sinabunutan sabay Ssampal sa 'kin. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko no'ng nakita mong sasampalin ko si Athena." sabi ko pa.

"At 'yong mga litratong isenend sa'yo. Hindi totoo 'yon dahil magkaibigan lang kami ni Jake at Tyron. Hindi totoong nakikipaglandian ako sa kanila." iyak na sabi ko.

Walang nakapagsalita at tahimik na himuhikbi lang ang mga kaibigan kong babae.

"Alam ko kung sino ang taong nag edit at nagsend sa'yo ng mga litratong iyon. Hindi ko kailanman nagawang makipaghalikan sa iba. Dahil kaibigan at kapatid lang ang turing ko sa kanila." dagdag ko.

Masakit sa 'kin ang pagbintangan ako sa bagay na 'di ko ginawa. Pero mas masakit pa pala na ang taong mahal mo mismo ang manghuhusga sa'yo.

"Alam kong alam mo na ang taong 'yon. Siya lang ang may lakas-loob na sirain ako sa'yo para mag-away tayo. Siya lang ang may kakayaang sirain ako para makuha ka niya sa 'kin. Kahit alam niyang hindi ka naging akin simula pa lang." umiiyak kong sabi.

Naramdaman ko ang masamang tingin na ipinukol ni Shane, Aya at Kath kay Athena. Gano'n rin ang mga boys dahil ramdam ko ang tension.

Oras na para sabihin sa kaniya ang lahat.

Oras na para malaman nilang lahat kung ano ang dahilan ng pagkakasundo sa 'min.

Masakit man sa 'kin ngunit nakagawa na ako ng isang desisyon.

Kailangan kong sabihin ang lahat dahil ito na ang huling pagkakataong makita ko pa sila.

Lalong sumikip ang dibdib ko.

Parang tinusok ng karayom ang puso ko sa sakit.

Oras na rin para sabihin ko ang tungkol sa kalagayan ko.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon