Rhiann's Pov.
Wednesday na ngayon at hindi ako pumasok sa work. Sabi kasi ng mga kaibigan ko mag bobonding daw kami ngayon kahit papa'no magsasaya mo na raw kaming lahat.
Si Mom and Dad na muna ang nasa kompanya namin ngayon. Nakapag bihis na ako. Nagsuot lang ako ng red dress na hanggang kalahit ng hita ko.
Pinaresan ko na lang flat shoes. Naglagay din ako ng red lipstick at nag pulbo. Pagkatapos agad ko nang kinuha ang red purse ko saka lumabas na ng kwatro.
'Di na ako nagdala ng sasakyan at nag commute na lang ako. Sa mall kami magkikita-kita dahil manonood raw kami ng sine. Maya-maya nakasakay na ako sa taxi.
Biglang nag vibrate ang phone ko sa purse ko kaya kinuha ko ito. Nagtext si Kath na malalate raw siya nang dating. Maya-maya may magtext ulit at si Aya pala.
May biglaang flight daw siya ngayon sa Paris para sa negosyo nila do'n kaya 'di siya makakapunta. Nereplyan ko na lang sila ng okay.
Pagdating sa mall wala pa akong nakita na kaibigan ko. Pagkababa ko sa taxi nag vibrate ulit ang phone ko. Si Jake pala tinatanong niya kung nasaan na ako.
Agad ko namang nereplyan na nandito na ako sa mall. Maya-maya nag reply agad siya. Parating na raw siya.
Hindi na ako nag-abala pang replyan siya saka naglakad na palapit sa bech sa gilid ng mall saka umupo do'n para hintayin sila.
"Rn!" rinig kong tawag sa 'kin.
Pagtingin ko si Jake pala. Lumapit siya sa 'kin saka niyakap ako.
"Oh? Nasaan ang iba?" tanong niya.
"Wala pa sila, eh. Nagtext si Aya at Kath sa 'kin 'di raw sila makakapunta kasi may importanteng lakad daw sila." sabi ko tumango na lang siya saka umupo sa tabi ko.
Maya maya tumunog ang phone ni Jake.
"Oh! Shocks! Hindi rin makakapunta si April dahil may importanteng lakad daw siya sa supreme court ngayon." sabi ni Jake.
Tumango na lang ako saka nerelpyan naman niya si April.
Naghihintay lang kami ni Jake rito sa bench sa iba pa naming mga kaibigan ngunit wala pa rin ang iba. Maya- maya may nakita akong familiar na sasakyan ang huminto sa parking lot.
Bigla nanamang kumabog ang puso ko nang makita ang taong nakasakay sa kotse. Nagpalingon-lingon ito na animo'y may hinahanap.
Bigla siyang napatingin sa gawi namin ni Jake. Naglakad siya palapit sa 'min. Halos 'di na ako mapakali dahil nandito nanaman siya.
Naalala ko 'yong mga sinabi sa 'kin ni Shane kahapon bago siya umuwi. Biglang nagtama ang mga mata namin saka bahagya siyang ngumiti na parang nahihiya.
Bigla naman akong napatulala kasabay nang malakas na kabog sa dibdib ko.
"Oh! Bry, nandito ka rin pala." nakangiting sabi ni Jake.
"Ah may, ka meeting ako rito ngayon, eh." nakangiting sabi niya.
"Ah, gano'n ba." sabi na lang ni Jake.
Tumango na lang ito
saka kinuha ang phone niya nang tumunog ito."Shit! Hindi makakapunta ang ka meeting ko." bulalas ni Bryan na parang naiinis siya.
Nakayuko lang ako kasi nahihiya akong makita siya. Besides kinakabahan rin ako dahil sa presinsiya niya.
"Anong nangyari?" takang tanong ni Jake.
![](https://img.wattpad.com/cover/241520931-288-k890753.jpg)
BINABASA MO ANG
The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)
Roman d'amourWhat exactly love mean to a martyr one. Lagi na lang bang kawasakan ang pag-ibig? Pagmamahal nawawasak sa isang tao, na nagdudulot ng hindi kaaya-ayang mga pangyayari. A girl fell inlove to a man who never loved her back.Until, they end in a...