chapter 38 "Revelation"

727 19 0
                                    


Rhiann's Pov.

"Tumahimik ka!?" galit na sigaw ni Bryan Kay Jake." Ikaw babae ka!? Di ka na nadala, ah!?" sigaw pa niya sabay sampal sa 'kin.

Nagpupumiglas ako sa kaniya pero sinikmuraan niya ako. Nanghihinang tumingin ako sa kaniya kahit na namimilipit ako sa sakit.

"Y-you are a h-heartless h-husband." sabi ko sa kaniya.

Nakita kong natigilan siya ngunit biglang nagsalita si Athena.

"Bry!" tawag ni Athena Kay Bryan.

Bigla siyang nabalik sa ulirat saka tiningnan ako ng walang buhay.

"Sinabihan na kita! Na huwag mong kalimutan ang rules ko!? I told you, Rules is just a word but if you break it, you will see the real meaning of it!?" sigaw niya." Sinabihan na kitang huwag kang lumandi sa ibang lalaki pero 'di ka nakinig!?" galit pa na sigaw niya sabay sampal ulit sa 'kin.

Pumutok ang kaliwang labi ko sa lakas nang sampal niya. Nanghihina na ako dahil sa dobleng sakit na nararamdaman ko.

Lalong sumikip ang dibdib ko at halos matumba na ako dahil sa panghihina.

"Bitawan mo siya sabi, eh!?" galit na sabi ni Jake sabay suntok kay Bryan kaya nabitawan niya ako.

"T-tama na p-lease... t-tumigil na kayo!!" basag boses na sigaw ko sa kanila.

Pinaulanan nang suntok ni Jake si Bryan. Pero nakabawi agad siya.

Ramdam ko ang sakit sa sikmura at mukha ko. Lalo na ang putok kong labi.

"Alam kong may pagtingin ka sa asawa ko hayop ka!? Kaya dikit ka nang dikit sa kaniya!?" galit na sabi ni Bryan nang makabawi siya.

Agad niyang sinikmuraan si Jake at sinuntok ang mukha nito saka sinipa sa tiyan kaya tumalsik ulit ito.

"Jk!! P-lease t-tama na, Bry! M-maawa ka!!" umiiyak na sabi ko.

Halos hirap na ako sa pagsasalita naninikip ang dibdib ko.

Hindi ko na kaya.

Sumusobra na siya!

Akmang tatayo na ako at lalapit kay Jake nang hablutin na naman ni Bryan ang buhok ko saka marahas na hinila.

"Ahhh!!" sigaw ko dahil sa sakit.

Sunod sunod na pumatak ang mga luha ko dahil sa sakit sumikip din ang dibdib ko.

Hindi na ako makatiis sa pananakit niya.

Kahit nanghihina na ako inipon ko ang lahat ng lakas ko sabay kawala sa higpit niyang hawak sa 'kin.

*Paakkkk!!!

Sampal ko sa siya nang makawala ako. Hindi ko na kayang makitang nasasaktan ang kaibigan ko. Ang taong nagmamalasakit at magpapahalata sa 'kin.

Bigla siyang nagulat at natigilan dahil sa pagsampal ko sa kaniya.

Buong lakas loob ko siyang tinitigan sa mga mata niya bago nagsalita.

(Playing: Dahan by December Avenue)

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon