chapter 37 "letter"

751 20 5
                                    

Rhiann's Pov.

Nagising ako ng maaga para makapaglinis na sa buong bahay.

Agad akong dumeretso sa banyo para mag toothbrush. Medyo iba ang pakiramadam ko ngayon. Parang may 'di magandang mangyayari. Feeling ko ito na ang last kong pagtapak dito pero ibinalewala ko na lang.

Pagkatapos kong magtoothbrush agad na akong bumaba. 'Di pa rin nawala sa sistema ko ang pangamba at takot.

Haysstt.

Nagsimula na akong maglinis mamaya na lang ako magluluto. Pupunta rito ang mga kaibigan ko. 'Di pa rin umuuwi si Bryan 'di ko alam kung bakit 'di na siya umuuwi.

Nakausap ko rin si Dad and Mom kahapon. Masaya ako sa good news na nalaman ko.

Naisipan ko rin nang mabuti ang tungkol sa bagay na higit kong tinutulan no'ng kausapin ako ang mag kaibigan ko. Ayaw ko pang malayo. Ayaw kong mahiwalay sa kaniya.

Dahil kapag ginawa ko 'yon para ko naring pinatay ang sarili ko sa paglayo sa taong mahal ko. Mahirap man sa 'kin pero kailangan kong mamili. Masakit man sa 'kin kailangan kong magdisisyon.

Ayaw kong madamay ang mga kaibigan ko. Bagay na pinaka ayaw kong mangyari ngunit ilang beses na ring nangyari dahil sa 'kin.

Habang tumatagal lalong naging protective sa 'kin si Jake at ang mga kaibigan ko. Tenext ulit ako ni sweetheart na malapit na raw kami magkita.

'Di ko alam pero excited na excited ako sa pagkikita namin. Feeling ko kilala ko na siya pero 'di ko matukoy kung sino. May bahagi sa 'kin na nagsasabing layuan ko siya dahil dilikado lalo na sa asawa ko.

Pero may lalaking bahagi rin sa 'kin ang nagsasabing kailangan ko siyang makita para masagot lahat ng katanungan ko kung sino siya. Kung ano ba ang connection niya sa 'kin. Kung bakit niya ako binantayan at pinoprotektahan.

Naging mabait na rin sa 'kin si Athena sa school. Si Bryan naman gano'n pa rin. Mas lalo siyang naging cold at 'di na umuuwi sa bahay. Si April naman laging tahimik na parang may malalim na inisiip.

Parang may bumabagabag sa kaniya. Parang napakabigat ng problema niya at ayaw niyang gawin ang bagay na alam niyang hindi maganda. Nakikita ko 'yon sa mga mata niya. Parang lagi siyang malungkot.

Naawa ako sa kaniya pero may nagsasabing layuan ko raw siya. Pero binalewala ko lang ito dahil alam kong mabuting tao si April. Alam kong 'di niya kayang gumawa ng masama.

Natapos ako sa paglilinis sa bahay at saktang dumating si Jake na nakangiti. May dala siyang paper bag.

"Good morning, RN." nakangiti niyang bati sakin.

"Good morning din, Jk." nakangiti kong sabi saka kinuha ang paper bag na hawak niya.

"Do you feel better now?" nakangiti niyang tanong.

"Yeah." sagot ko saka naglakad kami patungo sa kusina.

"By the way, mamayang hapon pa raw ang mga kaibigan natin kasi busy pa sila." sabi niya.

"Gano'n ba," sabi ko saka inilapag sa mesa ang paper bag.

"Magluluto na muna ako, ah. 'Di pa kasi ako nakapagluto." sabi ko sa kaniya habang nangalkal sa ref.

"Tulungan na kita para madali." nakangiti niyang sabi.

Tumango na lang ako sa nagsimula nang magluto.

____________________________________

Third person's Pov.

Sa kabilang banda may dalawang babaeng nag uusap sa isang coffee shop. Mababakas sa mukha ng isang babae ang galit at inis. Samanlatalang mababakas sa mukha ng isa pang babaeng kaharap nito ang pagtutol at lungkot.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon