chapter 41 " fighting death"

1.3K 30 7
                                    

Bryan's Pov.

Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko. Parang binagsakan ako ng langit sa bawat katagang lumalabas sa bibig ng asawa ko.

Simula pa lang wala pala siyang kasalanan. Bagay na lagi kong pinagtutulakan at sinisi sa kaniya.

All this time mali lahat ng inakala ko. Worst, nasaktan ko pa siya not only emotionally but also physically.

Napaka-gago ko talaga. Tama ang mga kaibigan ko, tama ang kapatid ko na isa akong malaking gago. Dahil sinaktan ko ang taong nagsalba sa kompanya namin.

Nasaktan ko ang taong inalagaan ako nang mabuti. Nasaktan ko ang taong totoong nagmamahal sa 'kin ng sobra.

Higit sa lahat.

Nasaktan ko ang taong 'di ko inakalang mamahalin ko.

Oo. Mahal ko na siya magmula nang bumalik si Athena.

No'ng time na binalaan kong layuan niya si Jake.

At no'ng mga panahong nasa Tagaytay pa kami.

Totoo lahat 'yong pinapakita ko sa kaniya no'ng nasa Tagaytay kami. Noong mag-alala ako nang madulas siya sa gubat at no'ng na lock siya sa cr. Totoo ang mga 'yon.

Maybe, nadala lang ako sa mga maling akala ko noon. Maybe, nadala lang ako sa mga sinasabi ni Athena sa 'kin tungkol kay, Rhiann.

Sana pala nakinig ako sa mga kaibigan ko. Sana pala nakinig ako sa kapatid ko. At higit sa lahat, sana nakinig ako sa kaniya.

Sana pala pinaniwalalaan ko siyang wala siyang kasalanan sa pagkakasundo sa 'min. Hindi na sana aabot pa sa ganito ang lahat. 'Di na sana lalala ang mga bagay na dapat hindi na pinapalaki pa.

Hindi ko sana siya nasaktan kung nakinig lang ako. Hindi sana siya nadurog ng dahil sa 'kin.

Nasasaktan ako sa bawat katagang lumalabas sa bibig niya. Parang sinaksak ng kutsilyo ang puso ko sa sobrang sakit na makita siyang nasasaktan ngayon.

Nasasaktan akong makitang umiiyak siya ngayon. Nasasaktan akong malaman ang katutuhanang mali lahat ng akala ko. Higit sa lahat, nasasaktan akong makitang hawak na niya ang papel kung saan alam kong disidido na siya.

Nasasaktan akong dito niya tapusin ang lahat. Nasasaktan akong makitang sumusuko na siya. Nasasaktan akong hindi na niya kayang ipaglaban ang pagmamahal niya sa 'kin.

Ang gago kong 'di ko manlang inalam ang tungkol sa kalagayan niya. Nasasaktan akong malamang may sakit pala siya sa kabila nang pananakit ko sa kaniya. Lahat 'yon kinaya niya ng hindi ako kasama. Kung saan siya lang ang lumalaban mag isa.

Bagay na dapat kasama niya ako dahil asawa niya ako. Tama sila, wala akong kwentang asawa.

Tama ang sinabi ni Rhiann.

That I am a heartless husband.

Yeah, I accept it. Because I do.

Because I used to.

Hilam ng mga luha ang mga mata ko nang pilit niyang kumalas sa yakap ko. Naintindihan kong sumusuko na siyang ipaglaban ako. Pero nasasaktan akong sumusuko na siya ngayon. Ngayon pa na alam ko na ang lahat.

Nasasaktan akong makitang kumakalas na siya sa 'kin. Nasasaktan akong marinig ang mga katagang ayaw kong marinig sa araw na ito.

Higit sa lahat.

Nasasaktan akong makitang napakabuti pa rin niya sa 'min sa kabila nang pananakit ko sa kaniya.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon