---
NANG DUMATING ang pagkain ay tumulong na sa paghain ang dalaga upang mapabilis ang trabaho at makakain na agad sila. Namamangha nga sya at kumpleto ang lahat ng kagamitan nito, mula sa kusina hanggang sala, panigurado ay pati sa kama. Hindi tulad nang kaniya, halos pu-pwede na tirahan ng daga. Pero ano bang iaarte nya, nakuha niya lang naman sa murang halaga ang renta ng bahay niya.
Tuwang tuwa pa nga ang dalaga nang matapos sila sa paghain dahil sa dami ng pagkain at napakabango, napakasarap at napakarami! Tiyak na busog sya rito. Isa palang magandang ideya ang pagpunta sa bahay ng binata.
Tahimik silang nanalangin bago nagsimulang kumain, at dahil sa angking kadaldalan ng dalaga ay kanina pa ito nagtatanong nang mga bagay-bagay tungkol sa binata na sumasagot din at minsan ay tinatanong siya.
"Ano nga pala ang pangalan mo?" Interesado niyang tanong habang hinihimay ang kinakaing hipon.
"Just call me Galan. How about you?"
"Ako naman si Dahila."
Binitawan ni Galan ang kubyertos at matamis na nginitian ang dalaga. "Huwag mo na akong susungitan ha? Dahlia."
Natigilan sya ng tawagin ang kaniyang pangalan nito. She doesn't know na napakasarap palang pakinggan ng pangalan niya. Parang musika na namumutawi sa kanyang pandinig. Napatanga na pala sya sa harap nito ng hindi napapansin kaya ng makita niyang tumatawa ang binata sakanya ay masama niyang pinukulan ito ng tingin.
"Paanong hindi kita susungitan, eh nakakainis 'yang pagmumukha mo. Parang laging may nakakatawa sa'kin tuwing tumitingin ka." Prangka nyang sagot at nagtuloy sa kinakain.
Galan chuckled, "Pftt. What did I do? Wala naman akong ginagawang masama. Maybe I was just mesmerized by your beauty?" Painosente pa nitong tanong sakaniya.
Bored nitong tinapunan ng tingin ang binata, wala siyang panahon para makipag-talo dito. "Don't me, Galan. Ayoko muna makipagtalo sa'yo, ineenjoy ko pa itong hipon." Paborito n8ya kasi iyon at ngayon lang ulit sya nakatikim, mahal kasi ang kilo sa mercado.
Natutuwa si Galan sa katakawan ni Dahlia, "Mag-uwi ka mamaya, hindi ko mauubos lahat 'yan."
"Aba talagang maguuwi ako, may pinapakain akong pagong sa bahay no." Sagot nya at nagsalin ng softdrink sa kaniyang baso.
"Really?" Namamanghang tanong ni Galan.
"Seryoso nga." Tumatango pang sagot ni Dahlia habang umiinom. Busog na busog na siya pero ayaw nya pa rin huminto dahil ang sasarap nang mga pagkaing nakahain.
Napangiti nalang si Galan at umiling, madami pa silang napag-usapan matapos non. Puro tawa na nga ang ginawa ng dalawa dahil sa kani-kanilang kwento.
Sa sandaling iyon, nakalimutan nila ang bigat na dinadamdam nilang dalawa. Tila wala silang pinoproblema at masasayang ala-ala lang ang kanilang binabalikan. Matapos pa nga nilang kumain ay nagawa pa nilang magkwentuhan sa sala at sa sobrang haba nang kanilang pag-uusap ay hindi na nila napansin ang oras, nang mag gabi ay umuwi na si Dahlia sa kaniyang bahay bitbit ang mga pagkain na pinauwi sakaniya ni Galan.
Masaya siyang nagkuwento sa alagang pagong habang pinapakain ito, ang alagang pagong ang saksi sa lahat ng pinagdaraanan niya sa buhay.
"Kahit saglit lang kami nag-usap parang tingin ko tuloy nakasama kona siya nang matagal." Dagdag pa niya. "Parang kaninang umaga lang, galit na galit ako sakaniya dahil sa mga pinagsasabi niya saakin. Pero ngayon, tignan mo tuwang tuwa ako sakaniya." Pinatapos nya pang kumain ang alagang pagong at binalik din ito sa aquarium niya bago napagpasyahang matulog.
BINABASA MO ANG
Paubaya
Teen FictionInspired by the song of Moira Dela Torre. --- He met her at her worst, but he did not leave her. Instead, he love her endlessly. She met him at his best, and she love him even more. ---- Enjoy Reading Guys!! ---- Date Started: October 28, 2020 Date...