---
ISANG BUWAN ang nakalipas at mas lalong napalapit ang loob nilang dalawa sa isa't isa. Madalas nga ay nasa bahay ni Galan si Dahlia at walang ibang ginawa kundi ang magkwentuhan at magtawanan.
"Ewan ko nga at bigla nalang bumait sa'kin yun si Cheska, pero hindi ako tanga para hindi malaman yung dahilan kung bakit bigla syang bumait sa'kin. Demonyo kaya 'yon." Nakasimangot na sabi ni Dahlia habang sumusubo ng french-fries.
Tumawa lang si Galan. "Don't mind her."
Umingos ang dalaga, "Don't mind her daw pero nakita kita nung isang araw na nakikipag-usap sakanya." May himig ng pagtatampo na sabi pa nya.
"Kinausap ko lang naman sya dahil tinanong ka nya sakin."
"Sinasabi ko sa'yo, wag kang makikipag-usap don." Mataray nyang sabi na tila nagbabanta.
"Why? Jealous?" Nagbibiro nyang tanong at nilingon ito.
Agad na dumipensa ang dalaga, "Ako? Ba't naman ako magseselos?" 'Maganda ba yon?Pwe!'
"Wala."
"Tsss. Dun kana nga sa Cheska mo."
Pilyong nginitian siya ng binata, "Dun kana nga sa Cheska mo." Pang-gagaya ni Galan sa sinabi ni Dahlia na inis siyang pinukulan ng tingin.
Sarcastic itong tumawa, "Ha ha ha nakakatawa, dyan ka na nga papasok na'ko sa trabaho." Paalam nya bago kunin ang kanyang bag sa sofa at lumabas ng bahay ni Galan. Agad naman syang hinabol nito at pabiro siyang hinead-lock. "Ano ba." Natatawang kumawala si Dahlia at mahinang sinuntok ang binata.
"Hatid na kita."
"DITO nalang ako." Magiliw na sabi sakanya ni Dahlia nang makarating sa harap ng isang fast food chain.
"Anong oras out mo? Sunduin kita mamaya."
"Wag na, baka gabihin na rin ako eh. Kung gusto mo, pakainin mo nalang si Alabama." Tukoy pa ni Dahlia sa alagang pagong. Tutal ay mayroong susi naman si Galan sa kanyang bahay, ganon din naman sya dito.
"Pano kung pakainin ko si Alabama tapos susunduin kita?" Sabi pa sakanya ni Galan na animo'y nag-iisip.
Nakatanggap tuloy ang binata ng mahinang batok mula sakanya, "Umayos ka nga, sige na. Tsupi!" Iminuwestra pa nito na parang nagpapaalis. Ngumuso lang ang binata ngunit sumunod din sa huli.
Dahil sa sobarang focus ni Dahlia ay hindi niya napansin na kanina pa ito minamasid nang kaniyang katrabaho, sinalubong siya nito. "Sanaol hinahatid ng boyfriend." Pang-aalaska ng kasamahan.
"Wag mo 'kong simulan Rona, magtrabaho ka na nga lang dyan." Pagtataray nito kay Rona na tinawanan lang siya at nagsimulang magserve ng mga pagkain, habang si Dahlia ay pumasok sa locker room at nagpalit ng susuotin.
GABI na nang magsara ang kainan na pinagtatrabahuan, iinat-inat pang naglakad palabas si Dahlia kasama ang iba pa nyang katrabaho nang mabangga sya sa isang bulto, kaagad siyang lumayo at humingi ng tawad. Hindi kasi siya tumitingin sa dinaraanan.
"Pasensya n- Galan?" Tawag ni Dahlia sa ngalan ng binata ng mapagmasdan niya ang likuran ng lalaki, at isa pa napaka familiar ng amoy panlalaki nitong pabango.
"Yes?" Sabay pihit nito paharap sakanya na may isang malapad na ngiti sa mga labi.
"Ginagawa mo dito?" Nakakunot noong tanong niya at gumilid dahil nasa kalsada sila. Napahinto din tuloy ang iba pa nyang kasamahan at napatulala kay Galan, aminin man nito o hindi, natural na gwapo talaga ang binata.

BINABASA MO ANG
Paubaya
JugendliteraturInspired by the song of Moira Dela Torre. --- He met her at her worst, but he did not leave her. Instead, he love her endlessly. She met him at his best, and she love him even more. ---- Enjoy Reading Guys!! ---- Date Started: October 28, 2020 Date...