---
LUMAKI siyang walang pamilya, masisisi nya ba ang sarili kung pinagbigyan nya ang mga magulang sa sarili nilang kaligayahan? Ilang taon na syang nangungulila sa mga yakap nila.
Kilala ang dalaga sa kanilang baranggay, at alam nang mga ito ang kanyang pinag-daanan, ngunit kahit isa man lang sakanila ay walang nangumusta.
Bata pa lang ay nag-umpisa na syang magbanat ng buto upang matustusan ang sariling pangangailangan, nagpapasalamat na nga lang sya dahil sa bata nyang edad ay may tumanggap pa rin sakanya.
Minsan, sa tuwing sya'y may iniisip ay hindi nya maiwasang sisihin ang sarili, kung bakit ba naman kasi hinayaan nya ang mga magulang na takasan ang responsibilidad nila sakanya, edi sana hindi sya naghihirap. Ngunit anong magagawa nya? Huli na ang lahat, may kanya-kanya ng pamilya ang mga magulang nito.
'Bumuo sila ng bagong pamilya at kinalimutan ako.'
Mapait syang napangiti kasabay ng luhang bigla nalamang lumandas sa kanyang pisngi. Mula sa pagkakaupo sa tulay ay tumayo sya at ibinuka ang mga braso, pumikit.
Dahan-dahan ang mga paang umabante at inihanda ang sarili sa maari nyang paghulog sa ilog na kanina pa sya inaaya na magpakalunod at kalimutan na ang mga masasakit nyang nakaraan.
Unti-unti, palapit ng palapit, at ng handa na syang tumalon ay may malakas na braso ang yumapos sakanya at hinila palayo, sa lakas ng pagkakahila ay pareho silang napahiga sa simento. Napaigik sya sa sakit ng mawalan ng balanse.
Minulat nya ang kanyang paningin at ng mapansin na sya'y nakapatong sa hindi kilalang lalaki ay mabilis ang kilos na gumalaw paalis sa pagkakakubabaw nito. "Anong karapatan mo na higitin ako?" Mahina nyang tanong ng makabawi sa pagkagulat at inayos ang kanyang sarili.
Nang magsalubong ang paningin nilang dalawa ay kusang kumabog ng pagkabilis ang kanyang puso nang makita ang kabuuan nito, hindi nya mawari kung ano itong kanyang nararamdaman , hindi nya kayang pangalanan, nakakapanibago.
"I saved your ass, Miss." Maangas pa na sagot nito sakanya na nakapag pabalik muli sa kanyang ulirat, sa kahambugang kanyang narinig ay hindi nya naiwasan ang mapa-irap sa inis.
Pinag-krus nya ang kamay at matalim na nakipagtitigan rito. "Hindi ko kailangan ang tulong mo. Salamat nalang pero makakaalis kana." Mataray nyang sagot rito.
"Aalis ako kung ipinapangako mo na hindi mo na ulit gagawin ang binabalak mong pagtalon mula sa tulay." Pagsagot pa nito sakanya kaya inilingan nya ito.
Pumemaywang sya sa harap nito. "Mister, wala kang pakialam sa kung ano man ang gawin ko, dahil buhay ko ito at ako ang magdidikta sa gagawin ko." Madiin ang katagang binitawan nya.
"Miss, hindi mo man lang ba na-appreciate ang ginawa kong pagtulong?" Naiinis nitong tanong bago pinagpagan ang sarili at napahawak sa noo. May katangkaran ang lalaki sakanya kaya naman napatingala nalamang sya at hindi inaalis ang paningin rito.
"Mas ma-a-appreciate ko kung hindi mo ako pinigilan at pinabayaan mo nalang sana ako. At gusto mong maappreciate pa kita lalo?..." Tumango ang kausap "... Umalis kana sa harap ko."
Umingos ang lalaki na hindi nagustuhan ang tabas ng dila ng kausap. "You know what Miss? You should be thankful, parang kasalanan ko pa tuloy na tinulungan kita. FYFI lang and that is for your fucking information, kahit na sinong tao na makita ka sa sitwasyon mo kanina ay paniguradong gagawin din ang ginawa ko. Hindi biro ang buhay ng isang tao, mayroon nga d'yan gustong-gusto mabuhay ng matagal pero kinuha parin sila ng Diyos..." Pinasadahan sya nito ng tingin "...Samantalang ikaw, malakas, walang sakit pero sasayangin lang ang buhay? Mag-isip ka nga Miss."
Tumagos sakanya ang lintanyang iyon ng binata kaya naman ay hindi ito nakapag-isip ng isasagot, May punto nga ito ngunit naiinis sya dito para pagsalitaan sya gayung hindi naman nito alam ang kanyang dahilan.
"W-wala ka sa posisyon ko para pagsalitaan ako ng bagay na 'yan." Mababang wika nya.
Inis na napahilamos ng mukha ang binata, "What I'm pointing is,, bakit mo sasayangin ang buhay dahil lang sa problema? Maraming rason para sumaya, maraming bagay ang pwede mong gawin para makalimutan ang problema."
Doon ay nagpantig ang kanyang tenga, "IDFC and that is I dont fucking care, wala kang karapatan na pangaralan ako. Kung ikaw kaya mo, then congrats kasi kaya mo. Pero ako? Hindi! Tingin mo tatalon ako ng tulay kung mababaw lang yung sakit?" Hindi nya na napigilan pa at nagsimula ng mag-ulap ang kanyang paningin, naluluha na sya. "Hindi mo ako maiintindihan! Walang makakaintindi sa sakit na nararamdaman ko dahil hindi ka ako! Magkaiba tayo! Tangina lang!" She wants to scream and say how fucking unfair the world is.
Natahimik ang lalaki at nahimasmasan. Nalungkot sya sa pinakamaganda, yet, pinakamalungkot na babaeng nakita nya sa buong buhay. Hindi nya akalain na may mga taong mas malungkot pa pala sa nararamdaman nya. Akala nya noon ay sya lang ang nakakaranas ng pighati, mayroon pa pala.
Nainis lang naman sya sa trinato ng babae kanina, dahil para sakanya, hindi basta basta ang buhay ng isang tao. Mahalaga ito at kahit na mayamang tao ay hindi kayang bilhin ang buhay, dahil kung mamamatay ka, mamamatay ka.
Hindi nya nga minsan maiwasan na kwestyunin ang mga taong nagpapakamatay dahil sa sakit na nararamdaman nila. Para sakanya kasi, nareremedyuhan naman ang sakit. Pero tama nga ang dalaga, hindi nya maiintindihan ang pinagdaanan nito dahil magkaiba sila, magkaibang-magkaiba. Hindi sya ito kaya never nyang malalaman kung gaano kasakit ang kinikimkim nitong lungkot.
Napapikit muna ito bago bumuntong hininga, "I'm sorry." Sincere nitong paghingi ng tawad, na-carried away lang naman sya kanina at hindi na napigilan ang bibig na sumagot at magsalita ng kung ano-ano.
Natigilan naman sa pag-iyak ang dalaga at nagtatakang tinignan ito. "P-para saan?" Nagpunas ito ng luha ngunit wala din kwenta dahil sige pa rin ang paglandas ng mga ito sa kanyang pisngi.
"-Sa mga nasabi ko, but I'm not sorry na pinigilan kita sa binabalak mo. I won't let you die, not when I'm around, not in my plan." Makahulugang pagbitaw nito ng kataga.
Puno ng galak ang naramdaman ng dalaga sa mga oras na iyon, para sa isang estrangherong katulad nya ay natutuwa sya dahil nag-aalala ito para sakanya. Panandalian pa syang natulala bago napag pasyahan na lisanin ang lugar.
---
BINABASA MO ANG
Paubaya
Teen FictionInspired by the song of Moira Dela Torre. --- He met her at her worst, but he did not leave her. Instead, he love her endlessly. She met him at his best, and she love him even more. ---- Enjoy Reading Guys!! ---- Date Started: October 28, 2020 Date...