Chapter 5

210 130 39
                                    

---

SA INIS ni Galan ay nilisan nya ang lugar na iyon at dumiretso sa tirahan ni Dahlia. Marahang kumatok si Galan sa pinto ng bahay ng dalaga. Agad din syang pinagbuksan ni Dahlia ng pinto at pinatuloy sya. Saktong nag-aalmusal pa naman ito kaya pinaghainan nya na din si Galan.

"Pasensya na at 'yan lang ang maipapakain ko, pero masarap yan." Paninigurado pa ni Dahlia kay Galan na alanganin pa kung kakain o hindi, pero ayaw nya namang maoffend ang dalaga kay nagsimula na din syang kumain.

Napangiti si Dahlia at isinawsaw ang tuyo sa suka bago ilagay sa plato ni Galan na maganang kumain. Tinimplahan nya na rin ng kape ang binata bago maganang kumain ang dalawa.

"Sya nga pala, nag-aaral ka pa?" Tanong ni Dahlia sa binata.

"Hindi na." Mabilis at maikling sagot ni Galan bago humigop ng kape.

Napatikom ng bibig si Dahlia at minabuting hindi nalang magtanong, "Ahh."

Huminto ang binata sa pagkain at hinarap ito. "Ikaw ba?" Kuryosong tanong nya sakanya.

Nagmamalaki itong tumango, "Oo naman, feeling ko kasi ang pag-aaral ko nalang ang tanging maipagmamalaki ko." Tipid na ngiting sabi ni Dahlia.

Nangingiting ginulo ni Galan ang buhok ni Dahlia at bumulong sakanya. "I'm proud of you."

"Ilang taon nalang Galan, magiging Doctor na ako. Makakatulong na ako sa mga nangangailangan, at gusto ko na nasa tabi kita habang tinutupad ko ang mga pangarap ko ha?" Sinalubong nito ang kanyang tingin, panandalian pa silang nagtitigan bago iniwas ni Galan ang kanyang tingin.

Masayang tumango si Galan. "Of course, I would be glad to be by your side when you reach your dreams." Marahan nyang ginulo ang buhok nito. "At ngayon palang, proud na 'ko sayo." Sinsero nyang sabi dito, ngunit napalitan ng pag-aalala ang kaninang ngiti ni Galan nang makitang nangingilid ang luha ni Dahlia.

"Are you crying?" Nag-aalala nyang tanong at hinarap ang upuan nya rito, sinapo din nya ang  bilugang mukha nito at pinunasan ang mga luhang lumalandas sa mukha nito.

Naiinis syang dinuro ni Dahlia. "Ikaw kasi eh! Pinapaiyak mo 'ko."

Napakunot noo si Galan, "What did I do? Tahan na, sorry." Hinagod nya ang likod ni Dahlia.

Sinandal ni Dahlia ang kanyang ulo sa balikat ni Galan bago bumulong. "Kasi ngayon lang may taong naging proud sa'kin, kasi sa unang pagkakataon may taong natuwa sa kung ano ako. Salamat sa'yo."

"It's nothing, Dahlia. Stop crying na, please?"

"Conyo." Natatawang sabi nalang ni Dahlia bago nagpunas ng luha at inayos ang kanyang pagkakaupo.


MATAPOS nilang mag-agahan ay inaya ni Galan  ang dalaga na mag grocery, agad itong pumayag at nagmamadaling nagbihis. Napailing nalang si Galan bago pumunta sa kanyang bahay at nagpalit na din ng kasuotan.

"Galan, tara na!" Masayang sigaw ni Dahlia mula sa labas ng tahanan ni Galan, sinabayan nya na rin ito ng pagkatok. Ilang minuto pa syang kumatok bago napagbuksan ng pinto, sumimangot si Dahlia. "Antagal."

"Sorry, naligo pa'ko." Nakangiwing sagot sakanya ni Galan na ikinalaki ng mata nya.

"Hiyang-hiya naman akong ito na hindi nakaligo! Andaya." Atungal nya at ngumuso.

"Okay lang 'yan. Lets go?" Pag-aya ni Galan kapagkuwan ay sinarado ang kanyang pinto tapos ay inilahad nito ang kanyang kamay.

"Hmp! Okay." Parehas nalang silang napailing at natawa.


KANINA pa sila pinagtitinginan ng mga tao dahil sa ingay nila, pano ba naman kasi ay kung anu-ano ang pinaglalagay ni Galan sa cart nila. Pakiramdam tuloy ni Dahlia ay isa syang ina na pinagagalitan ang anak.

"Hindi mo naman kailangan 'yan, ibalik mo na." Saway muli ni Dahlia nang kumuha ito ng gripo. "Ano bang gagawin mo dyan? Jusko ka Galan." Napapailing na dagdag nya at inagaw ang hawak nito pabalik sa pinagkuhaan.

"Dahlia-"

"Buti nalang talaga sinama mo ako, kung hindi baka lahat na ng makita mo, kinuha mo na." Napapakamot sa ulong sabi ni Dahlia at inikutan sya ng mga mata.

"Sabi ko nga, titingin nalang ako at ikaw ang kukuha." Nakangusong sabi ni Galan at tinulak ang kanilang cart papunta sa meat section.

"Mabuti pa nga." Ingos nya at namili ng mga kakailanganin.

Ilang oras pa silang nag-ikot bago napagpasyahang magbayad. At dahil hindi naman si Dahlia ang magbabayad ay gumilid na lamang sya at hinintay na makapag bayad si Galan.

Napakunot ang noo ni Dahlia nang mapansin na nakatulala lamang ang cashier kay Galan habang kinakausap sya nito. Napabuntong hininga si Dahlia bago pumitik sa harap ng cashier at taas kilay na tinuro ang mahabang pila na nasa likuran nila. Napapahiya namang yumuko ang cashier at pinagpatuloy ang pagtatrabaho.

"Natulala sa kagwapuhan mo." Natatawang sabi ni Dahlia nang matapos sila, tumawa lang si Galan na syang nagtutulak ng cart nila.

"Where do you want to eat?" Tanong sakanya ni Galan havang nililibot ang paningin sa kanilang kakainan.

"Sa food court nalang." Suhestyon nya na sinang-ayunan ng huli. Tahimik lang silang naglalakad habang palibot-libot naman nang tingin si Dahlia sa nadaraanan. Hindi na pala nya namalayan na napahinto na sya sa pag-lalakad at natuon ang kanyang paningin sa isang stall na nagbebenta ng sing-sing. Bahagya pa syang nagulat nang may mahinang tumapik sakanya kaya napabaling sya dito.

"You okay?"

"Ah- oo, pasensya na. Tara?" Sabi nya bago na unang maglakad.

Tumango lang sakanya si Galan bago sundan ang kaninang tinitignan ni Dahlia. Isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Galan bago habulin ang dalaga na may kalayuan na sakanya.


"SALAMAT nga pala." Natutuwang sabi ni Dahlia nang iabot sakanya ni Galan ang kalahati ng pinamili nila. Mabuti nga at sinama sya ni Galan dahil nakalibre sya ng grocery galing dito.

May kadiliman na nang makauwi sila dahil naglibot pa sila sa loob ng mall bago napagpasyahang umuwi. Napakasaya tuloy ng araw na 'yon para kay Dahlia.

"Stop thanking me, I should be the one who's thanking you instead." Nahihiyang sabi ni Galan.

Pabiro tuloy syang natulak ni Dahlia, "Sus! Okay lang, walang anuman. Sige na, masyadong gabi na, pumasok kana sa bahay mo."

"Yes Mam." Pilyong sagot nito at sumaludo pa sakanya na ikinatawa nya kaya naman sumaludo din sya bago tuluyang pumasok sa kanyang tahanan. Saglit pa syang naupo bago ayusin ang kanilang pinamili bago nagpahinga.

---

PaubayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon