---
TULALA, isa lamang iyan sa madalas na gawin ng dalaga sa nakalipas na dalawang linggo. Hindi din sya makakain ng maayos at palaging umiiyak.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sakanya ang biglaang pag-alis ni Galan. Sige, tanggap nya ng hindi sya magugustuhan nito, tanggap nya ng ayaw nito sakanya ngunit ang hindi nya matanggap ay ang biglaan nitong pag-alis.
Nang-araw na malaman nyang umalis na ang binata ay hinalughog nito ang buong kwarto, nagbabakasakali na may iniwan itong sulat o bagay na malalaman nya kung nasaan ang binata ngunit bigo sya.
Nagising sa katinuan si Dahlia nang marinig ang dahan-dahang pagbukas ng kanyang pinto, natigilan pa sya ng makita kung sino ang pumasok.
Ang Ina ni Galan...
Dahan dahan itong lumapit sa pwesto nya at nginitian. "Sorry if I enter without your permission, kanina pa kasi ako kumakatok pero walang nagbubukas. Saktong hindi naman pala nakasara ang pinto kaya pumasok na 'ko."
"O-okay lang po tita." Magalang nitong sagot at ngumiti ng pilit sa Ginang bago paupuin at alukin ng makakain, ngunit tumanggi ito.
Matagal na pinagmasdang ng Ginang ang itsura ni Dalhia, nangingitim na ang ilalim ng mata nito at kita nya ang pananamlay rito. "How are you?" Pag-umpisa pa ng Ginang sa usapan.
Matagal bago sumagot si Dahlia. "H-hindi po ako ayos. T-tita, si Galan. G-gusto ko syang makita. Nagmamakaawa po ako, s-sabihin nyo po kung nasa'n sya." Nangungusap ang mga mata nitong tumingin sa kausap.
Magiliw itong ngumiti at hinawakan ang magkabilaang kamay ni Dahlia, "That's why I'm here, sinusundo kita para dalhin sakanya."
AGAD na sumama si Dahlia sa Ginang, minadali nya ang bawat kilos at walang sinayang na oras. Nananabik na makita at mahagkan nyang muli si Galan, at handa na sya kung sakaling ipagtabuyan sya nito. Nasa daan na sila patungo sa pupuntahan, walang ideya si Dahlia at nakatuon lang sa daan ang kanyang paningin habang kumakabog ng malakas ang kanyang dibdib.
Hindi nagtagal ay huminto ang sinasakyan nila sa hindi pamilyar na lugar ni Dahlia. Nang tuluyan silang makababa ay napakunot ang kanyang noo. "Tita, bakit po nasa hospital tayo? May dadaanan ka po ba dito?" Puno ng pagtataka nyang tanong, isang matipid na ngiti lang ang isinagot nito sakanya bago alalayan papasok ng hospital. Kahit nagtataka ay sumunod pa rin sya dito at hindi na nagsalita pa.
Huminto sila sa tapat ng isang pinto, mahinang kumatok ang Ginang bago binuksan ang pinto. Nilingon nito si Dahlia na walang ideya sa nangyayari.
Nginitian nya ito. "Let's go inside."
Sumunod din ito sakanya papasok, "P-pano-" Bahagyang napaawang ang bibig ni Dahlia sa hindi inaasahang makikita.
Sa loob ng kwartong iyon ay nakita niya ang taong matagal nya ng hinahanap. Nadurog ang puso nya sa nakikitang kalagayan ni Galan. Kunot noo at maluha-luha nyang nilingon ang Ina ng binata at nagtataka nya itong tinignan.
Humugot ng isang malalim na hininga ang Ginang at tipid syang nginitian. Bumalik muli ang atensyon ni Dahlia sa binatang payapang nakahiga sa hospital bed. Hindi sya nag-atubiling nilapitan ang kinaroroonan nito at matamang pinakatitigan.
Napakagat sya ng labi at pinigilan ang mga hikbing gustong kumawala mula sa kanya habang nakatitig dito. Malayo na ang itsura nito sa Galan na nakita niya noon, lubog na ang mukha at nangangayayat.
BINABASA MO ANG
Paubaya
Teen FictionInspired by the song of Moira Dela Torre. --- He met her at her worst, but he did not leave her. Instead, he love her endlessly. She met him at his best, and she love him even more. ---- Enjoy Reading Guys!! ---- Date Started: October 28, 2020 Date...