Chapter 2

273 150 40
                                    

---

WALA sa huwisyo syang napabalik sa kaniyang bahay at napapailing. That was crazy! She starts cussing herself on the back of her mind. 'Ano ba ang nasa isip ko kanina? Nagpadala ako sa  emosyon ko.' Naiinis nitong nasapok ang sarili, yeah, she's crazy. Hindi gawain ng matinong babae ang bagay na 'yon at naiinis sya sa sarili dahil tama lahat ng sinabi kanina ng lalaki sakanya, umiyak sya dahil totoo.

Totoong marami pang paraan para sumaya pero takot sya, takot syang subukan ang maging masaya ulit dahil ayaw nyang maiwan muli.

"Gutom lang 'to, I need to eat. I'm starving." Dumiretso sya sa kusina at naghalungkat ng makakain, ngunit isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan ng wala syang makitang kahit na anong  pagkain man lang.

'Fuck you life.'

Nayayamot itong lumisan sa kusina at naupo nalamang sa sofa na malapit nang bumigay dahil sa sobrang katandaan. Naisalba niya ito nang itapon ng kapitbahay, nanghinayang sya at naisipan na kunin nalamang dahil walang gaanong gamit ang loob ng tahanan.

Habang nasa malalim na pag-iisip ay nakarinig sya ng sunod-sunod na pag katok. "Shocks! Baka si Aling Aurora, wala pa pala akong pambayad ng renta!" Inis nyang bulong sa sarili at minabuti nalamang na hindi pagbuksan ang tao sa likod ng pag katok.

Ilang buwan na rin syang hindi nakakabayad ng upa, kaya naman panigurado na mapapalayas na sya. Masungit pa naman ang landlady nito.

'Bat kasi ang tagal ng sahod ko?' Sisisihin nya talaga ang amo kapag napalayas sya.

"Tao po!" Anang boses ng lalaki at patuloy na kumatok sa pinto.

"Loko! Kaylan pa naging lalaki si Aling Aurora?" Namamangha nyang bulong.

"Mam? Sir? May tao po ba diyan?!"

She froze, that voice. It's kinda familiar to her, that cold, yet, husky voice. Argh! Mariin syang napapikit at pilit na inaalis sa kanyang isipan ang imaheng iyon ng lalaki.

Nagmamartsa syang tumayo at malakas na binuksan ang pinto. Habang naiwan namang nakataas ang kamay ng lalaki sa ere nang bigla itong bumukas, hindi inaasahan ang biglaang pagbukas ng pinto.

"What the! Anong ginagawa mo rito?!" Gulat nyang tanong dito.

"Ahm." He cleared his throat at nawala  sa kanyang isip ang rason kaya ito nasa harap nya ngayon. His cheeks reddened nang mahuling titig na titig sakanya ang babae, tila sinusuri ang kanyang mukha.

'Fucking shit! Why the hell I'm feeling this?'

He was caught off guard.

"Mister, kung balak mong maging estatwa, hindi ho rito. O Sya! Alis!" Mataray nitong pagtataboy rito.

Lihim na napanguso ang lalaki sa narinig. 'Ang sama talaga ng tabas ng dila nitong babaeng ito. Ang sarap halik- Wait what? The hell! What am I thinking?' Napailing pa ito sa naisip.

"Mister! Bingi kaba? Ang sabi ko umalis kana!" Masungit pa nitong dagdag nang mapansin na napatulala na sakanya ang binata.

"Sungit." Iyon lamang ang lumabas sa kanyang bibig.

Naningkit ang mata ng babae. "Ano ba kasi ang ginagawa mo rito? Stalker kaba?"

Doon ay umingos ang lalaki, sya?! Sya stalker nya?! "As if." Mabilis nyang depensa at iniwas ang paningin rito.

"Kung gano'n, ano ang kailangan mo? Why are you knocking on my door? English na 'yan ha, baka dimo pa masagot at mag-ibang lenggwahe pa ako para sayo." Tinaasan sya nito ng dalawang kilay.

'Savage.' Anang sa kanyang isipan. "Ahm I'm your new neighbor." Nakangiti niyang pakilala sabay abot ng kanyang kamay upang makipag-kamay rito.

Nakita nyang panandaliang kumunot ang noo nito at umingos. "Tapos?" Walang galang na sagot nya at hindi pinansin ang kamay na nakaabot sakanya.

"I just want to be close to you?" Alanganin niya pa na sagot sa babae at dahan-dahang ibinaba ang kamay.

"IDFW." She rolled her eyes. "And that is I dont fucking want." Malakas nitong isinara ang pinto na kinagulat niya, hindi niya inaasahan 'yon.

Ilang segundo pa syang napatulala, that woman is really something. Hindi nya mapigilan ang humanga rito, ibang klase talaga ang babaeng 'yon. Maya-maya ay parang tanga syang napangiti at umiling bago pumasok sa katabing bahay ng dalaga.

Pagod syang naupo at inilabas mula sa kanyang bag ang notebook na naglalaman ng mga bagay na gusto niyang gawin at mga nagawa, ang notebook niyang ito ay naglalaman ng samut-saring kwento tungkol sa kaganapan sa kanyang buhay.

Todo List:
1. Ride a Horse.
2. Mountain Climbing.
3. Go to Amusement Park.

Simple lang naman ang mga bagay na gusto nyang gawin sa buhay, at ang tatlong nasa listahan na ito ang gusto niyang matupad. Ngunit may bago syang gustong gawin, iyon ay ang mapalapit sa dalaga.

4. Get close to my neighbor.

Habang busy sa pagsusulat ay bigla nalamang kumulo ang kaniyang tiyan, tanda na nagugutom na siya. Walang pagdadalawang isip niyang inilapag ang sinusulat at tumawag sa isang sikat na restaurant upang umorder ng makakain tutal ay hindi pa sya nakakapamili ng makakain.

Saglit pa syang naghintay nang biglang makarinig siya ng pagkatok, 'Must be the delivery rider.' sa kaniyang isip at binuksan ang pinto ng kanyang bahay subalit iba ang bumungad sa harap niya, hindi ang dineliver niya kundi ang dalaga!

He cleared his throat to get her attention. "Anong kailangan mo?" Yumuko pa ito at mariing pinakatitigan ang dalaga. She has a brown-eyes, red lips, cute-pointed nose, and chubby cheeks- in short, she has a perfect shape of face. Maganda ito, sobra. Napaka-anghel ng itsura- ngunit demonyo ang ugali. Mahina tuloy siyang natawa sa naisip.

"Diba sabi mo kapitbahay naman tayo?"

Napakunot siya ng noo sa pagtataka, parang kanina lang ay mukha itong tigreng galit na galit, ngayon ay tila mas maamo pa ito sa isang tupa kung titignan.

"Yes, at anong maipaglilingkod ko?" Magalang niyang sagot kahit na puno na ng pagtataka ang nasa isip niya.

"Alam mo ba sabi ng lola ko, kapag may bagong lipat daw dapat may libreng pakain yung bagong lipat para daw maging masaya yung pagtuloy nya sa  bagong bahay." Kuwento nito sakanya na may matamis na ngiti sa mga labi.

Kumunot na naman ang kaniyang noo. "Really?" Hindi nya alam kung paniniwalaan niya ba ang sinabi ng dalaga o isasawalang bahala, ngunit pinili nyang paniwalaan ito.

Kita ng binata ang biglang pag-iba ng ekspresiyon nito at masungit siyang tinitigan. "Oo, anong tingin mo saakin? Sinungaling?" Nayayamot na sagot nito at bahagyang pinanlakihan sya ng singkit nitong mga mata, gone the pa-sweet smile.

"No, sige, In fact, nag-order nako ng makakain." Segunda niya ng akmang tatalikod na ang dalaga, gusto niya pa itong makasama nang matagal at tingin nya na mas makakasama niya ito nang matagal kung magsasabay silang magsalo sa hapag.

"Hay buti naman naniwala, mamamatay nako sa gutom, wengya." Bulong nito na hindi nakatakas sa kaniyang pandinig.

'Gotcha.' Natatawang sabi nalang ng binata sa sarili bago luwagan ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok ang dalaga.

---

PaubayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon