---LOOK what have you done. You made Dahlia cry and it broke my heart seeing her like that. Galit na sabi niya sa sarili habang nakatingin sa salamin at sinapok ang sarili, galit sya, galit sya sa sarili nya.
"Fuck!" Malutong nitong mura bago tumayo at binasag ang salamin hanggang sa nagpira-piraso ang mga ito, natalsikan pa nga ito ng bubog na naging dahilan upang magkasugat sya. "Hindi ko ginustong masaktan ka, Sorry." Nanginginig ang boses na sabi nito.
Mabigat para sakanya na sabihin ang mga bagay na iyon kanina nang komprontahin sya ng dalaga. Gusto nyang magalit sakanya si Dahlia, kamuhian ito, layuan o kung ano pa man, dahil sa tingin nya ay mas magiging mabuti iyon para sakanilang dalawa.
Natigilan si Galan nang tumunog ang cellphone nito, agad nyang tinignan kung sino ang tumatawag at nang makita ang pangalan ng Ina ay walang pagdadalawang isip na sinagot nya ang tawag. Tutal ay alam nya naman ang pakay nito sa pagtawag.
"Mom, I already made a decision... Uuwi na 'ko." Mabigat sa dibdib na panimula nya habang nakatingin sa kisame upang pigilan ang gustong pumatak na mga luha.
Panandalian na natahimik ang kausap sa kabilang linya bago narinig ang malakas na buntong hininga ng Ina.
"How about Dahlia?"
Mapait syang napangiti at kinuha sa ibabaw ng kanyang mesa ang litrato nilang dalawa ni Dahlia, sa litratong iyon ay nakasuot ang isang matamis na ngiti sa kanilang mga labi. Madungis ang mukha at masaya, hindi malilimutan ni Galan ang araw na iyon.
"I'm leaving her, it's the best for the both of us." May pinalidad na usal nito bago lumandas ang luhang kanina pa pinipigilan.
"But-"
Pinutol nya ang Ina. "My decision is final, Mom. H-hahayaan ko na syang kalimutan ako. I don't want to cost her too much pain."
Sumusukong napabuntong hininga ang Ginang. "Okay, i respect your decision. Umuwi kana, hinihintay kana namin ng Daddy mo, Anak." Matapos sabihin iyon ng Ginang ay binaba na nito ang tawag na nakapagbalik muli sa ulirat ni Galan.
Kahit mabigat sa loob ay inumpisahan na nyang tupiin ang mga damit at ayusin ang mga gamit. Iiwan nya na ang tahanang naging silungan nya sa nakalipas na mga buwan. Iiwan nya na ang tahanan habang bitbit ang maraming ala-ala, ang masasayang ala-ala nila ni Dahlia... Kasama ang babaeng pinakamamahal niya.
Ang babaeng nagparamdam sakanya ng lubos na kaligayahan.
"I love you so much, Dahlia."
TANGING pag-iyak at hagulgol lang ang maririnig sa loob ng tahanan ni Dahlia. Kanina nang komprontahin nya si Galan ay hindi nya kinakaya ang mga naririnig mula sa binata. Hindi iyon ang Galan na nakilala nya, malayo sa Galan na kanyang nagustuhan at hinangaan.
"Huwag mo na akong susungitan ha? Dahlia."
"I would be glad to be by your side when you reach your dreams."
"I'm proud of you."
"I dont like seeing you sad, Dahlia. I want you to be happy so smile."
"Hush baby, I'm here, I won't leave you."
Tila isang sirang plaka na paulit-ulit naririnig ni Dahlia ang mga katagang iyon ng binata. Kumirot ang kanyang dibdib, "H-hindi ko na alam ngayon kung papaniwalaan ko pa ba ang mga sinabi mo."
NAGMUKMOK sya ng dalawang araw, iiyak, matutulog at pag gising ay iiyak syang muli. Ni hindi nya na nga nalaman na umalis na pala ang binata at tuluyan na syang iniwan. Kaya nang lumabas sya upang bumili ng makakain ay laking gulat nya ng marinig mula sa mga labi ni Manang Ising na umalis na nga ang binata sa tinitirahan nito. Nanigas si Dahlia sa kinauupuan at hindi makapaniwalang umiling.
"H-hindi Manang, baka naman nagkakamali ka?" hindi makapaniwalang tanong nya at sunod-sunod ang pag-iling na tila nahihibang.
Malungkot na bumuntong hininga ang matanda, "Hindi ako maaaring magkamali Dahlia, noong isang araw pa sya umalis. May mga sumundo sakanyang kalalakihan at kinuha ang mga gamit nya, matapos non ay umalis na sila."
Masamang tinignan nya ang matanda, papatunayan nya sa matanda na nagkakamali ito. "Hindi pwede! Hindi nya 'ko iiwan!" Sigaw nya pa at tumatakbong dumiretso sa tapat ng bahay ng binata at malakas itong kinatok.
"Galan pagbuksan mo 'ko ng pinto! Hindi mo 'ko pwedeng iwan! Ikaw nalang ang mayroon ako. Ikaw nalang!" Humahagulgol nyang sigaw at kinalampag ang pinto ngunit bigo sya, walang Galan na nagbukas ng pinto para sakanya.
Kaya naman tumakbo sya papasok ng sariling bahay at kinuha ang susi sa bahay ni Galan. Ngayon ay nagpapasalamat sya at naisipan nila noon na magpalitan ng susi. Nang tuluyang mabuksan ang bahay ni Galan ay tumambad sakanya ang dating sala, ngayon ay wala ng gamit, tumakbo sya papasok sa kwarto nito ngunit wala syang naabutan.
Nanghihina syang napaupo sa sahig at doon ay bumuhos muli ang kanyang mga luha, "Galan!!" Sigaw nya at napahagulgol. Biglang nabura ang mga masasakit na salitang binitawan sakanya ni Galan, hindi nya kinamuhian ito, bagkus ay gusto nya nalamang bumalik ang binata at bumalik sa ayos ang lahat. Handa syang magsimula muli sila ni Galan, ngunit paano?
Ngayong hindi nya na alam kung saan ito nagpunta. Wala syang ideya, wala. Like a lost child, she cried and beg. Gusto nyang may taong makikinig sakanya, ngunit sino? Wala.
Inangat nya ang paningin at tumingin sa nakabukas na bintana kung saan tanaw nya ang maulap na kalangitan.
"Iniwan na 'ko ng mga magulang ko, pati ba naman si Galan?! Lord parusa ba 'to? Kasi kung oo! Hindi nakakatuwa! Pagod na ako, pagod na 'kong maiwan mag-isa."
NOON ang plano lang ni Galan ay maging malaya panandalian, kalimutan muna ang problema at maging masaya. Hanggang sa nakilala nya na nga ang dalaga, nakakatawang isipin na hindi naging maganda ang una nilang pag-kikita,nagbangayan agad sila. At walang pinagsisihan si Galan na pinigilan nya si Dahlia noon.
Hanggang sa saktong magkapit bahay pala silang dalawa at doon ay unti-unting naging malapit ang loob nilang dalawa sa isa't isa. Nahulog sya ng tuluyan sa dalaga, sinong lalaking hindi mahuhulog sa kagaya nya. Simple, Maalaga, Mabait at lahat na ng katangiang hinahanap nya sa isang babae ay na kay Dahlia na. Ngunit nasampal sya ng katotohanang masasaktan lang sila pareho kung aamin sya sa nararamdaman nya kay Dahlia.
Hindi pwede,
Dahil alam nya sa sarili na balang araw ay lilisanin nya ang mundo at maiiwang mag-isa si Dahlia.
Ayaw nyang mangyari iyon kaya ginawa nya ang lahat upang iwasan ito, hindi pinansin, nilayuan at kung anu-ano pa. Nang mga araw na iyon ay torture para sakanya, tipong gusto nyang kausapin ang dalaga ngunit pinipigilan nya ang sarili.
Hanggat kaya nya, pipigilan nya ang nararamdaman kay Dahlia. Ngunit nagkamali sya, dahil sa pagpigil sa tunay nyang nararamdaman ay mas lalong naging malalim ang pagkagusto nya dito hanggang maamin nya na sa sariling mahal nya na nga ang dalaga. Mahal na mahal.
Sa sobrang pagmamahal nya ay natatakot sya sa mga posibleng mangyari. Natatakot sya.
Kahit pa na gustuhin nyang mabuhay ng matagal at makasama ang dalaga ay tila malabo na.
Huli na ang lahat para sakanya.
Hindi na sya magtatagal pa.
---
BINABASA MO ANG
Paubaya
Teen FictionInspired by the song of Moira Dela Torre. --- He met her at her worst, but he did not leave her. Instead, he love her endlessly. She met him at his best, and she love him even more. ---- Enjoy Reading Guys!! ---- Date Started: October 28, 2020 Date...