Chapter 13

168 78 13
                                    

---

LUMALA ang kalagayan ni Galan, hindi na alam ni Dahlia ang gagawin kundi ang manalangin nalamang sa Diyos.

"Lord, nagmamakaawa po ako huwag nyo po muna syang kunin saakin. Magmula ng iwan ako ng mga magulang ko hindi ko na ulit naranasan ang pagmamahal, pero nang dumating sa buhay ko si Galan, sya ang nagparamdam muli sakin non at hindi ko kakayanin kung sakaling bawiin nyo sya sakin. Sya ang lakas at kahinaan ko sa lahat ng bagay kaya kung kukunin nyo sya sakin, pano na ako aahon ulit? Sa tuwing iisipin kong magpapaubaya nanaman akong muli at magiging miserable nanaman ang buhay ko, baka diko kayanin at mawala na din ako sa mundong 'to." Dasal nito habang nakaluhod sa maliit na chapel ng hospital, kasama din nya ang Ina at Ama ng binata na kapwa humihiling din na hayaang mabuhay pa ng matagal ang anak.

Sinisisi tuloy nila ang mga sarili kung bakit lumala ang sakit ng kanilang anak. Kung sana lang ay nalaman agad nila noon na may leukemia si Galan ay agad sana nila itong napagamot ngunit huli na ang lahat, kumalat na ang cells sa buong katawan ng binata. Kamakailan lang nila nalaman ang lahat ng ito at sising-sisi sila dahil hindi man lang nila alam na may malubhang sakit na pala ang anak.

Walang may kagustuhan ng lahat ng ito, kahit sino ay hindi nila gugustuhin ito at kung sakali man na puwedeng ma-ibalik ang panahon ay gagawin nila para rito.

Ilang minuto pang nagdasal ang mag-asawa bago napagpasyahang magpaalam muna kay Dahlia at binalikan ang anak sa kwarto nito.


NAPABALING ang atensiyon ni Galan nang pumasok ang kaniyang mga magulang sa loob ng kaniyang silid. "Where's D-dahlia?" Takang tanong pa nito nang mapansing hindi nila kasama ang dalaga.

Masuyong ngumiti ang mga ito bago naupo sa upuang nasa tabi lamang ng kanyang higaan.

Ang ama nito ang sumagot, "She's still in the chapel, susunod din daw sya mamaya... Kumusta ang pakiramdam mo, Anak?"

Tipid na ngumiti ang binata. "N-nahihirapan na'ko Dad." Nanghihina nitong sagot.

Hinawakan ng kanyang Ina ang kamay nito. "Son-"

Napatingin sa kisame si Galan at nagsalita. "Heaven is a beautiful place, Mom, Dad. I saw it, a-and I know that I'll be there soon..." Masaya nitong aniya habang inaalala ang magandang lugar na kaniyang napanaginipan, napakapayapa at tahimik doon. "So can I have a favor for the last time?" Pagtuloy pa nito at bumaling muli sa kanyang mga magulang.

"What is it?" Nakangiti ngunit naluluhang tanong ng kanyang Ina.

Napalunok ito sa sariling laway. "C-can you take care of Dahlia for me? I'm b-begging you." Naluluha nitong hiling habang palipat-lipat ang tingin sa kanyang mga magulang.

Nagtinginan ang dalawa na ani nag-uusap gamit ang kanilang mga mata bago bumaling sakanya. "We will." Malaki ang ngiting sagot ng kanyang Ina.

Nakahinga siya ng malalim, alam niyang aalagaan nila si Dahlia. "Make her happy, t-treat her nice and love her like a mother and father does. W-welcome her in our family, can you do that for me?" Dagdag niya na kinatango ng mga ito. "A-and support her in every decisions she made. Make her the happiest person in the world, she deserve the best. I love Dahlia so much." Sunod-sunod na lumandas ang kaniyang masaganang luha.

Pinunasan niya ang mga luha bago mataman nyang tinignan ang mga magulang at nginitian ang mga ito, "And also, I want to thank you both for loving me. Thank you so much, Mom, Dad. Salamat dahil hindi niyo ako sinukuan, I'm so lucky to have you guys. Mahal na mahal ko kayo."

PaubayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon