Chapter 7

181 117 17
                                    

---

ISANG dekada mula nang iwan si Dahlia ng kanyang mga magulang, ay ngayon lang ulit sya nakatapak sa Amusement Park. Naaalala nya pa ang matatamis na ngiti ng kanyang mga magulang tuwing pupunta sila rito, at iyon ang ala-alang hindi nya malilimutan.

Mapait syang napangiti habang binabalikan ang mga ala-ala nang nakaraan. Hindi namalayan ni Dahlia na sya pala ay napatulala at nagumpisang lumuha, napansin na lamang nya ito nang punasan ni Galan ang mga luhang lumalandas mula sa kanyang pisngi. Bumuntong hininga ang binata bago sya hawakan sa magkabilaang pisngi at hinarap ito sakanya. Mataman nitong tinitigan si Dahlia. Dinampian ng masuyong halik ang noo nito na nakapag-pa-pikit sa mga mata niya.

"I dont like seeing you sad, Dahlia." Anang nito at hinaplos ang kanyang pisngi. "I want you to be happy, so-" Masuyo nitong tinaas ang magkabilaang dulo ng kanyang labi upang magpormang ngiti. Niyakap nya ito ng mahigpit at bumulong sa kanyang tenga. "-Smile."

Hindi na nakapag isip pa si Dahlia at sinuklian ang yakap na iyon ni Galan. She again felt like she's not alone. Napakasarap sa pakiramdam ng sandaling iyon para sakanilang dalawa. Dinig na dinig ni Dahlia ang mabilis na pagkabog ng dibdib ni Galan.

"Ano ba naman 'yan, kaya nga tayo pumunta dito para magsaya, hindi para mag dama." Natatawang kumalas mula sa pagkakayakap si Dahlia at tinuyo ang mga luha bago hinila si Galan papasok at sumakay sa iba't ibang klase ng rides.


HINDI maipinta ang itsura ni Galan nang makababa sila sa sinakyang Roller Coaster, tingin nya ay naiwan pa ang puso nya sa ere. Napalingon sya kay Dahlia na tuwang tuwa sakanya at napahawak na ng tiyan katatawa. Imbes na mainis sa nakita ay masaya nyang pinakatitigan ito, hindi nya mawari- ngunit sa tuwing nakikita nyang masaya ang dalaga, ay masaya na rin sya.

"Stop laughing." Kunyare ay naiirita nyang saway sa dalaga matapos ay marahan itong inalalayan papunta sa malapit na bench at doon ay naupo.

"Pfft. Roller Coaster pa lang yung sinakyan natin pero napatanga kana, pa'no pa kaya kapag extreme rides na." Hindi nya alam kung insulto ba ang sinabi sakanya o biro, magpa-ganon man ay natawa pa rin si Galan.

"I'm not riding anymore, I'll watch you nalang." Sabi nya habang umiiling.

Agad na natigil sa pagtawa si Dahlia at masama syang pinukulan ng tingin. "Ang kj naman nito, ikaw nga 'tong nag-aya tapos ikaw 'tong aayaw?"

Napataas ng dalawang kamay si Galan na tila sumusuko bago sumagot. "Okay fine, Master."


MARAMI pa silang sinakyang rides at dahil naaawa si Dahlia kay Galan ay sumakay nalamang sila sa mga pambata na rides, ayaw nyang tuluyang masuka ang binata kung sakaling sasakay muli sila sa extreme rides.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong sakanya ni Galan nang makaramdam sila ng gutom, komportble pa itong nakaakbay sakanya at lumingon sa mga food stall na nadaraanan.

"Doo- ay!" Nahinto sa pagturo si Dahlia nang may mabangga itong bata. Agad na kumalas ang dalaga sa pagkaka-akbay sakanya ni Galan at inalalayan ang bata na biglang pumalahaw ng iyak.

"Shh, tahan na baby." Pang-aalo ni Dahlia at lumingon sa paligid upang tignan kung nasaan ang magulang nito.

"Anong ginagawa mo sa anak ko?" Isang matinis na boses ang bigla nalamang umagaw ng atensyon nya at iba pang taon dumaraan. Agad na nag-angat ng tingin si Dahlia at hindi nya maiwasan ang kumunot ang noo sa nakita. "Bitawan mo nga ang anak ko." Masungit na sabi ng Ginang bago marahas na kunin sakanya ang anak nito.

Pinagpagan muna ni Dahlia ang sarili bago tumayo, "Wala naman ho akong ginawang masama sa anak nyo." Magalang nyang sagot pa rito.

Tinaasan sya nito ng kilay, "Anong wala? Hindi naman iiyak ang anak ko kung wala kang ginawa, palibhasa isa kang walang kwentang anak." Puno nang pang-uuyam na sabi nito sakanya at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nagpantig ang tainga ni Dahlia, "Atleast hindi ako mang-aagaw ng pamilya." Madiin nitong sagot habang nakakuyom ang kanyang kamao sa inis.

"How dare you!" Nanlisik ang mata nito at handa ng sampalin si Dahlia nang may kamay na pumigil rito.

"How dare you too." Nakatiim ang bagang na usal ni Galan at marahas na binaba ang kamay ng Ginang.

"Excuse me?!"

Nanlilisik nyang sinalubong ang tingin ng Ginang. "How dare you accuse someone who did nothing wrong to your child? Atsaka hindi naman siguro masasaktan ang anak mo kung hindi ka pabayang ina, diba?"

Dahil sa malakas na boses ng Ginang ay nakaagaw na sila ng atensiyon mula sa mga taong napapadaan sa harap nila.

"Anong kaguluhan 'to?" Singit ng isang lalaking hindi pamilyar kay Galan, may katandaan na ang lalaki ngunit matikas pa rin ang pangangatawan nito.

Nilapitan ng lalaking iyon ang mag-ina bago muling bumaling sakanila at tila tinakasan ng dugo ang mukha sa nakita, lalo na ng tumigil ang tingin nito kay Dahlia.

"Hon! Help, pinagtutulungan ako ng mga batang 'yan! Mga walang modo." Kunwari pa'y naiiyak na sumbong nito sa asawa.

Naramdaman ng binata ang presensya ni Dahlia na marahang hinihila sya palayo, "Galan, umalis na tayo rito." Mahinang bulong pa sakanya.

Kahit mahina ay hindi iyon nakalampas sa pandinig ng Ginang at dinuro-duro sila. "Walang aalis. Alfredo, pati ba naman dito nakasunod pa rin 'yang anak mo? And worst sinaktan nya ang unica hija natin!"

Sa narinig na iyon ni Galan ay nagtaka sya, ngayon ay nakasisiguro syang magkakakilala ang mga ito at ng bumaling sya ng tingin kay Dahlia ay nakita nya ang pangungulila sa mga mata nito.

"Mawalang galang na pero hindi ko ugaling pumatol sa 'batang walang muwang'." Pinakadiinan niya ang salitang iyon habang nakatingin direkta sa mata ng Ginang.

Ninenerbiyos na tumawa ito. "Oh really? I saw you, tinulak mo ang anak ko." Mapagbintang na sabi pa nito at dinuro ang dalaga.

"Pwede ba? Tigilan mo na 'yang arte mo. Aalis nalang kami." Hinila na sya ni Dahlia patalikod at nagsimula na silang maglakad nang mapahinto ito sa narinig.

"Anak."

Kitang kita ni Galan kung paano bumalatay ang sakit at lungkot sa mukha ni Dahlia, nakita nya ang pinaghalo halong emosyon dito. Ngayon ay alam nya na ang dahllan kung bakit ganoon nalamang sumagot ang dalaga sa Ginang.

"Matagal na 'kong walang tatay. Matagal ko na syang kinalimutan." Mapait ngunit puno ng emosyon ang binitawang salita ni Dahlia bago nagmamadaling naglakad palayo sa mga taong iyon.

Palayo sa sakit.

---

PaubayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon