---
INIIWASAN sya ni Galan, ramdam iyon ni Dahlia dahil sa tuwing kakausapin nya ang binata ay hindi na tulad ng dati. Hindi na rin ito pumupunta sa kanyang bahay para ayain na sabay silang mag-almusal, hindi na rin sya hinahatid at sundo nito. Nakakapanibago lang.
Tulad nalamang ngayon ay nasa malalim na pag-iisip si Dahlia kaya naman hindi nya namalayang kanina pa sya tinatawag ng katrabahong si Rona.
"Ayos ka lang ba?"
Matamlay ang mga matang nilingon ang kasama at marahang tumango. "O-oo naman, may iniisip lang."
"Ay, break na kayo ng boyfriend mo no?" Pagusisa pa nito at kumuha ng upuan bago humarap sakanya.
"Tigilan mo nga ako, Rona. Hindi ko boyfriend si Galan."
Bahagya syang tinaasan nito ng kilay, "Eh ano kayo? Wag mo kong lokohin, ang sweet nyo kayang dalawa at kita ng dalawa kong mga mata kung pa'no ka nya tignan."
Kunot noo syang napatingin dito. "Bakit? Pano ba sya tumingin sa'kin?"
"Nakikita ko sa mga mata nya ang kasiyahan kapag nakatingin sya sa'yo, kapag kausap mo sya at lalo na kapag masaya ka... Dahlia, ilang beses ko nang nakita si Galan pero ni minsan ay hindi ko sya nakitang tumingin manlang sa iba, kahit nga kami ay hindi nya magawang tapunan ng tingin." Diretso sa matang pagsagot ni Rona na nakapagpatigil kay Dahlia.
"Wag ka ngang ganyan Rona, binibigyan mong malisya lahat ng nakikita mo." May pagkairitang sabi nya upang pagtakpan ang pamumula ng kanyang mukha, umaasa nanaman tuloy sya.
"Bakit galit ka?"
"Kasi naman, ilang araw nya na akong iniiwasan. Hindi ako sanay, Rona."
Napa-isip si Rona bago muling bumaling kay Dahlia, "Malay mo busy lang sya."
Sinimangutan nya si Rona. "Hindi din, edi sana nagsabo na sya sa'kin nang hindi ako parang tanga na nag-iisip kung may nagawa ba akong mali sakanya." Malalim na napabuntong hininga si Dahlia at nangalumbaba. 'Ang hirap kasi sa lalaking 'yon, alam nya lang na gusto ko sya, papahirapan nako ng ganito.'
Saglit pa silang dalawa na nag-usap bago muling pinagpatuloy ang pagtatrabaho.
GABI na nang magsarado ang fast food na pinagtatrabahuan ni Dahlia. Gutom na gutom na din sya dahil hindi na nya nagawang kumain sa sobrang dami ng customers. Balak nalamang niya na dumaan sa tindahan ni Manang Ising, tutal ay hating gabi pa naman nagsasara ang tindahan nito.
Nang makarating sa kanto ng baranggay si Dahlia ay tanaw ng kanyang dalawang mata ang masayang nagkukwentuhang si Galan at Cheska! Mariin syang napakagat labi at napalunok nang sariling laway. 'Ito na nga ba ang sinasabi ko.'
Magpaganon pa man ay dumiretso pa rin sya at dumaan sa harap ng dalawa na kulang nalamang ay maglingkisan, nakita nya pa ang bahagyang paglingon sakanya ni Galan na isinawalang bahala nya. 'Nasasaktan mo na 'ko.'
Nakangiti syang kumaway kay Manang na agad syang inasikaso, "Ginabi kana ata?"
"Madami po kasing customer." Napapakamot noo niyang sagot.
"Kumain kana ba?" Pagtatanong pa ng matnda sakanya kaya naman ay napahawak sya sa kumukulong tiyan.
Alanganin syang ngumiti. "Hindi pa po, tatanungin ko nga sana kung may natira kayong bahaw, hingiin ko nalang sana. Gutom na gutom na ako Manang. Tsaka kuha na din ako ng sardinas."
BINABASA MO ANG
Paubaya
Novela JuvenilInspired by the song of Moira Dela Torre. --- He met her at her worst, but he did not leave her. Instead, he love her endlessly. She met him at his best, and she love him even more. ---- Enjoy Reading Guys!! ---- Date Started: October 28, 2020 Date...