Epilogue

252 74 12
                                    

A/N: Nasa multimedia yung song, listen na while reading, guys!


---

To my baby, Dahlia.

You're probably crying while reading this so sorry because I'm not there to wipe those tears away...

You know what, I had a great time being with you, I enjoyed every second that we've been together, and I will treasure those memories forever.

I won't forget you and if ever I have a chance to live again, I promise, I will find you and we'll continue our love story... And always remember that I'm always watching and guiding you.

I'm so lucky to have you, baby.

Please continue reaching your dreams and if ever someone tries to enter in to your life, don't be scared to try it. Don't be scared to love again, 'cause baby, you deserve the best.

Continue living even without me, be happy and smile for me. Smile for me, baby.

Again, Dahlia Macaraig, you gave meaning into my life, You are the first woman whom I love the most, You are the first woman who make my heart beats so fast, You are my first in everything. And thank you for loving me, for accepting me.

I love you so much, Baby.

Galan Caesar.


NALULUHANG nilapag ni Dahlia ang hawak na notebook- ang notebook ni Galan. "Hi Galan ko, Ilang taon na pala ang nakalipas no pero sariwa pa rin saakin ang lahat. Napapangiti at napapaiyak pa rin ako ng mga sulat mo... Alam mo ba na natupad ko na ang mga nakasulat sa todo list mo? Ginawa ko 'yon dahil sayo, kasa-kasama ang larawan mo. Sana masaya ka, sana nagustuhan mo. Kasi ako, oo, naging masaya ako dahil alam ko sa sarili kong kasama kita." Masaya nitong panimula sa kanyang pag k-kuwento.

Isang linggo noon matapos nang mailibing si Galan ay may inabot sakanyang notebook ang Ina nito. Dito ay nabasa nya ang lahat ng nilalaman ng notebook. Halos mapuno ito ng sulat na puro sya ang tinutukoy. Tila kinukwento nito ang masasayang araw na magkasama silang dalawa, naluluha sya noon habang binabasa iyon. Walang araw na hindi nya binabasa and mga nakasulat doon, iyon ang nagbibigay lakas sakanya para bumangon at simulan ang araw na wala ang lalaking kanyang pinakamamahal.

Inayos nya ang kanyang pagkakaupo at tinitigan ang lapida nito, kung saan malinaw na nababasa nya ang pangalang nakaukit sa lapida.

"Isa pa, ganap na din akong Doctor, sa tulong at suporta nila mama at papa." Masayang tukoy ni Dahlia sa mga magulang ng binata na ngayon ay tumatayong magulang na ng dalaga. Simula nang mamatay si Galan, sila na ang nag-alaga at umintindi sakanya, binigyan sya ng mga ito ng panibagong buhay at tinuring na tunay na anak. Malaki ang utang na loob niya sa mag-asawa, at pasasalamat kay Galan dahil hinayaan nitong maramdaman niya ang magkaroon ng isang masayang pamilya. "Naabot ko na ang pangarap nating dalawa, natulungan ko ang mga taong kagaya mo noon. Nakakapagsilbi na ako sa ibang tao. Panigurado kung nandito kalang marahil na sobrang saya mo para sakin." May pagmamalaki sa tono ng pananalita nito at may bahid ng kasiyahan. Lahat ng kanyang naabot sa buhay ay mayroong pinaghugutan na inspirasyon, at iyon ay si Galan.

Hinaplos niya ang lapida at mapait na napangiti. "I miss you, I miss you so much, Galan ko. I miss your voice, your smile, everything about you." Maluha-luha ito habang inaalala ang mga sandaling magkasama sila. Ang masuyo nitong tingin, ang napakalamig nitong boses na tila musika sa kanyang pandinig, ang presensya nito, ang nakakahalina nitong mga ngiti. Lahat ng iyon ay bumabalik sa kanyang ala-ala. "And no, kahit anong mangyari hindi ako maghahanap ng ibang ipapalit sa'yo, dahil para sakin ikaw lang ang lalaking una at pakakahuli kong mamahalin. Hindi dahil takot akong magmahal ng iba, kundi dahil wala na akong mahanap na hihigit pa sa'yo." Dagdag nya habang pinupunasang muli ang mga luha.

Napatingala sya sa makulimlim na kalangitan na tila nagbabadyang umulan. Nakikisama sakanya ang panahon, nakikisabay ang langit sa nararamdaman niyang kalungkutan. Hindi sya nag-iisa.

"Ang hirap talagang magpaubaya, pero kung sa mabuting kamay ka naman mapupunta, bakit hindi? Nang sabihin ko noon na pinapaubaya na kita, para akong tinutusok ng libo-libong karayom, pero naisip ko, ang selfish ko pala masyado para hilingin na manatili kalang dito sa tabi ko kahit alam kong hirap na hirap kana." Pumikit ito at pinakiramdaman ang hanging tila yumayapos sakanya. Nararamdaman nyang nasa tabi lang si Galan.

Mas lalo tuloy syang ginanahan na magkwento.

"Ang selfish ko kasi hinihintay mo nalang pala ako na ipaubaya na kita." Nakapikit ang mata nitong bulong sa hangin.

Napatingala syang muli sa makulimlim na kalangitan na nagsisimula ng magpatakan ang maliliit na butil ng ulan. "Alam kong masaya kana dyan ngayon, no more pain, wala ng paghihirap ka pang mararamdaman. Masaya ako para sayo, Galan ko. Mahal na mahal kita, mula noon, hanggang ngayon. Ikaw lang ang mamahalin ko." Niligpit nito ang mga gamit na nakakalat bago tumayo at malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago tumalikod.

"Aalis na ako, Galan ko. Pero babalikan kita, babalikan kita at ipapaalala sayo kung ga'no kita kamahal." Inisang lingon pa nito ang lapida ni Galan, napangiti sya, dahil nakita nyang nakatanaw ito sakanya at may mumunting ngiti sa mga labi.

Maaliwalas ang mukha nito at makisig ang pangangatawan. Malakas na malakas at walang sakit na iniinda.

Sya si Dahlia Macaraig,

Ang babaeng pinagkaitan ng kaligayahan noon bago pa man dumating ang lalaking ito. Ang babaeng minsan na niligtas ng lalaking hindi nya lubos maisip na mamahalin. Ang babaeng nawalan ng pag-asang mabuhay.

Si Galan Caesar,

Ang lalaking walang ginawa kundi pasayahin sya. Ang lalaking naging dahilan nya para lumaban sa hamon ng buhay. Ang lalaking nakapag pabago ng buhay nya. Ang lalaking pinag-alayan nya ng lahat maging ang pag- ibig nya.

Kahit pa Ipaubaya ito.

--

PaubayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon