Chapter 12

150 80 6
                                    

---

GAYA ng napag-usapan ay hinayaan ng binata ang dalaga na alagaan sya. Kahit minsan ay hindi na ito umalis sa tabi nya, kagaya nalamang ngayon. Magkatabi sila sa kama at magkahawak ang mga kamay, habang nakadantay ang ulo ni Dahlia sa balikat ni Galan, nag-uusap.

"Sana makasama pa kita ng matagal 'no... Gusto kong makasama kita sa pag-abot ng mga pangarap ko." Panimula ng dalaga sa usapan at mariing napakagat sa labi.

Napangiti ang binata sa kawalan at marahang hinaplos ang buhok ng dalaga. "Mawala man ako sa mundong 'to, huwag mong kalilimutan na nasa tabi mo lang ako parati." Matapos nyang sabihin iyon ay may kinuha itong maliit na box na matagal na niyang tinatago. "Here, take this."

Napaayos ng upo si Dahlia at nagtatakang tinignan ang inabot nito sakanya. "Ano yan?"

"Matagal na 'tong na sa'kin and I don't have the courage to gave it to you but I think this is the right time to give this ring to you." Binuksan ni Galan ang maliit na kahon at nilabas nito ang singsing bago maingat na isinuot sa daliri ni Dahlia. "This called Hug Ring, para kung sakali man na mawala ako at nalulungkot ka, tumingin ka lang sa singsing na ito at ala-lahaning nasa tabi mo ako. Nasa tabi mo ako at niyayakap ka ng pagkahigpit-higpit." Naramdaman nito ang pag-ulap ng kanyang paningin dahil sa namumuong luha na nanggaling sa mata nito. "Tanggap ko na. Matagal ko ng tanggap ang kamatayan ko, pero sa tuwing iniisip ko na maiiwan ka ulit mag-isa, parang hindi ko ata kayang lumisan."

Sunod sunod na umiling si Dahlia. "Gagaling ka pa. Magsasama pa tayo ng matagal. Magiging doctor pa 'ko, makakasama pa kita sa pag-abot ko sa pangarap na'yon."

Mariing pumikit ang binata bago malalim na bumuntong hininga. Matagal na niya itong pinag-iisipan kung dapat niya ba itong sabihin ngunit hindi na niya kaya pang itago ang nararamdaman kaya naman buong tapang niyang sinalubong ang tingin ng dalaga sakanya.

Hindi pa naman siguro huli ang lahat para umamin sa nararamdaman diba?

"I have something to tell you..." bumuntong hininga muli ito upang kumuha ng lakas ng loob. "Dahlia, I love you." Diretsahan nitong aniya habang nakatingin direkta sa mata nito.

Nanigas si Dahlia sa kinauupuan at pilit na prinoseso sa kaniyang isip ang narinig. "H-ha?" Utal nitong tanong na hindi naninigurado.

Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Galan at nilapit ang kanyang mukha bago bumulong, "Mahal kita."

Mahinang napasinghap ang dalaga sa pag-ulit ng binata sa sinabi nito. Namumula ang pisngi na napakamot si Dahlia sa kanyang ulo. "Paki-ulit, p-parang mali ata ang pagkakarinig k-ko."

Sinapo ng binata ang bilugang mukha ng dalaga at puno ng pagmamahal itong tinitigan sa mga mata. "Dahlia, mahal kita... Mahal na mahal."

Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ni Dahlia dahil sa narinig, malinaw na malinaw na sakanya ang sinabi nito. Hindi guni-guni o kung ano pa man. "Mahal din kita." Napakagat pa ito ng labi bago hinawakan ang mga kamay ni Galan na nasa magkabilaan niyang pisngi at mahina itong pinisil bago hinalikan ang noo ng binata, pababa sa ilong nito, papunta sa magkabilaang pisngi at huminto bago tumingin sa maputlang labi ng binata.

Iniangat nito ang kaniyang paningin at nahuli niya ang bahagyang paglunok ni Galan na siya ding nakatingin sa mapula namang labi ng dalaga.

PaubayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon