Chapter 4

216 140 33
                                    

---

HINDI MAPUKNAT ang ngiti sa mga labi ni Dahlia dahil sa lubos na kaligayahan, hindi niya kasi inaasahang sa sitwasyon kanina ay mayroong maglalakas loob na ipagtanggol siya, na walang sinuman ang gumawa noon.

Kanina matapos makipag lato sa pagong ni Galan na animo'y bata ay napagpasyahan nitong bumalik sa sariling bahay, iyon ay para ayusin ang pagbayad sa renta ni Dahlia. Hindi na nga niya sinabi pa ang balak at nagkusa na.

Nang makita niya kanina si Dahlia na umiiyak at nanghihina dahil sa takot nito sa landlady ay agad siyang lumapit at pumagitna sakanila. Mayroong kung anong parte sakaniya ang naawa sa dalaga lalo na nang makita niya ang sunod-sunod na paglandas ng luha nito.

Hindi niya hahayaang makita syang umiiyak, at pinapangako niya iyon. Habang nasa tabi siya ni Dahlia ay wala siyang planong makita itong apihin at saktan. Gusto lang makita ni Galan ang masaya at matatamis na ngiti nito, hindi ang mapapait at puno ng lungkot na nakikita niya sa mukha nito.


SA KABILANG banda ay hindi pa rin maalis sa isip ni Dahlia ang kaganapan kanina.

"Ang aga-aga pero parang ang dami na agad na nangyari sa buong araw ko." Usal niya matapos mag-unat at nagtimpla ng kaniyang kape. Napakamot sya ng kanyang ulo at yumukod. "Makautang nga ng makakain kay Manang Ising." Nagmamadali siyang lumabas ng bahay at dumiretso sa tindahan ni Aling Ising na busy sa pagbibilang ng pera. Hindi na nga pinansin ni Dahlia ang mapanuring mata ng kapitbahay at lakas loob na dumiretso sa tindahan ng matanda.

"Manang Ising!" Tawag ng pansin nya dito.

Agad na umasim ang mukha nito ng makita sya. "Mangungutang ka na naman?" Walang paligoy-ligoy na sabi ng matanda.

Ngumiti sya, "Hindi po Manang!" Mayabang niyang sagot.

Umaliwalas ang aura nito at nasiyahan sa narinig. "Aba'y sa wakas magbabayad ng utang si Dahlia." Malakas nitong sabi, tila ipinaparinig sa mga tsismosa nilang kapitbahay.

Natawa sya sa loob-loob nya. "Opo Manang! Pero bago ako magbayad, kuha muna po ako ng tuyo tsaka kalahating kilo ng bigas." Pang-uuto nya sa manang.

Agad nitong sinunod ang kanyang sinabi at nakangiting inabot sakanya ang mga ito. "Isang tuyo, kalahating kilong bigas at dahil natutuwa ako sa'yo, dinagdagan ko na ng isang itlog."

Dali-dali nyang inabot nya ang mga ito. "Naks! Ang bait talaga ni Manang Ising! Pinautang nanaman ako! Sige Manang, pakilista nalang nitong mga nakuha ko." Malakas nyang sigaw at pilyang nginitian ang mga kapitbahay ngunit natigil ng makitang titig na titig sakanya si Galan. 'Anong ginagawa nya dito?' Balak nya na sana itong lapitan nang magsalita ang Manang.

"Hoy bata ka! Ibalik mo 'yan!" Dinig nyang sigaw ni Manang Ising kaya do'n tumuon ang kanyang atensyon.

Agad syang ngumiti, "Manang, anong ginagamit mo sa mukha mo? Parang bumabata ka ata?" Pag-iiba nya sa usapan habang tinititigan ang Manang.

"Totoo ba? Mukhang epektib ang nabili ko kay Marites ha." Natutuwang sagot naman sakanya nito habang hinihimas ang sariling mukha.

"Oo nga po Manang, sige po at babalik nako sa bahay. Palista nalang ng utang ko po ha?"

"Sige lang Dahlia, gusto mo kumuha ka pa? Kahit ano."

"Huwag na po Manang, nakakahiya naman. Sige, alis na po ako." Magalang niyang sagot bago huminto sa tapat ni Galan na tila manghang-mangha sa nasaksihan.

"Ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong niya sa binata.

"Ahm, tumatambay?" Alanganin nitong sagot sakanya na ikinatawa ni Dahlia.

"Di bagay sayo maging tambay. Sige, mauna na'ko sayo." Paalam niya pa rito at umiiling na iniwan sya, iniiwasan ang mga malisyosong tingin sakanya ng kapitbahay.


NANG makaalis si Dahlia ay hindi maiwasang mailing sa nasaksihan, biruin mong utuin ba naman ang matanda. Mahina tuloy syang natawa.

"Ikaw Manang nagpauto ka na naman sa loka-lokang 'yon. Sinabihan kalang na bumabata ang itsura mo, nagpaniwala ka naman agad." Inis na suway ng dalaga sa Manang habang humihithit ng sigarilyo, buti nalamang ay medyo may kalayuan ang pwesto nito kay Galan kaya hindi nya nalalanghap ang amoy ng sigarilyo.

"Ano kaba Cheska, ang bitter mo. Inggit ka na naman kay Dahlia." Sabi naman ng kaibigan nito, si Kristen.

Tinarayan ni Cheska ang kaibigan, bago humithit ng paubos na nyang sigarilyo. "Baliw iyong bruhang 'yon. Palibhasa iniwan ng mga magulang." Nakangisi nyang sagot.

"Hoy ano ka ba Cheska, wala namang ginagawa sayong masama yung tao, pero kung makapagsabi ka ng kung anu-ano sakanya akala mo alam mo yung pinag-daanan nya." Suway pa ni Kristen sakanya.

Naiinis nitong nilingon ang kausap, "So kinakampihan mo yung babaeng 'yon? Tama  naman ako ha, iniwan sya ng mga magulang nya dahil tanga sya. Sinong matinong tao ang magpaparaya para sa kaligayahan ng mga magulang nya?"

"Si Dahlia, ginawa nya lang naman ang tingin nya ay tama. Tsaka wala naman syang ginawa sa'yo para kainisan mo sya dahil sa kung ano sya." Matapang na  sagot ni Kristen kaybigan at pinantayan ang tingin nito sakanya.

"Ano ba kayong dalawa at nag-aaway pa kayo, hayaan mo nalang si Dahlia, Cheska. Tama naman si Kristen, wala namang ginagawang masama si Dahlia, hayaan mo na." Singit ng Manang bago pumagitna sakanila.

"Pati ba naman ikaw Manang ipagtatanggol sya?"

Malalim ang binitawang buntong hininga ng Manang, "Cheska, palibhasa ay hindi mo naranasan ang maiwan. Bata pa lang noon si Dahlia nang iwan sya ng mga magulang nya at nakasubaybay na ako sa paglaki nya. Kung alam mo lang ang lungkot sa mga mata nya, maaawa ka. Wala na syang kasama sa buhay, mag-isa lang sya." Pilit na ipinaintindi ng Manang ang sitwasyon ni Dahlia ngunit nagmatigas si Cheska.

"Manang, hindi dapat kinakaawaan ang katulad nya. May choice naman syang pigilan ang mga magulang nya, bat di nya ginawa?" Naiinis na tanong ni Cheska at inapakan ang upos ng sigarilyo.

"Iyon ay dahil inisip nya ang kaligayahan ng iba bago sya. Hindi sya ang klase ng taong makasarili, kung ano ang kaya nyang gawin para sa mga 'to, ginagawa nya. Dahil ganoon sya magmahal, inuuna muna ang iba bago ang sarili nya." Doon ay natigilan si Cheska at hindi nakasagot. Napipilan na sya kaya iniwas nya ang paningin sa mga ito hanggang nahagip nya ang paningin ni Galan, matiim ang tingin nito sakanya na nakapag-pakunot ng noo nya.

"Sino sya?" Pag-iiba ni Cheska sa usapan, napalingon tuloy si Kristen at Manang Ising sa tinutukoy nya.

"Bagong lipat lang, katabi nya ang bahay ni Dahlia. At ang balita ko ay magkakilala na silang dalawa." Kwento ng Manang habang napangiti at kumaway sa binata na tipid syang nginitian.

"Mukhang kailangan kong makipagkaibigan kay Dahlia." Diretso nyang sabi habang nakagat sa labing pinakatitigan ang binata na umingos sa nakita.

'Bitch.' Sabi ni Galan sa isipan bago inikutan ito ng mga mata. Gusto nyang makita nito ang kanyang pagdisgusto sa dalaga. Kanina pa sya nakikinig sa pinaguusapan ng mga ito at hindi nya nagustuhan ang mga salitang lumalabas sa matabil nitong bibig. At habang tahimik na nakikinig sa pinaguusapan nila kanina ay may mga bagay na nalaman sya tungkol kay Dahlia.

Ngayon ay may ideya na sya kung bakit muntik na magpakamatay noon si Dahlia, hindi  tuloy maiwasan na malungkot ni Galan para sakanya.

'She'd suffer a lot.'

---

PaubayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon