Chapter 8

182 115 11
                                    

---

TANGING si Galan lang ang malalapitan ngayon ni Dahlia, si Galan lang ang nakakaintindi sakanya at wala ng iba. Kaya laking pasasalamat nya dahil nakilala nya ang binata.

"A-akala ko kapag nakita ko ulit sya, magiging masaya na 'ko. Pero bakit ganon? Ang sakit pa 'rin. Ang sakit sakit! A-ang sakit na makita syang masaya kasama ang pamilya nya, akala ko tanggap ko na. Galan, ang bigat pa rin sa dibdib!" Umiiyak na sabi nya habang umiiyak sa dibdib ni Galan na nakikinig sa bawat daing nya. "-Galan, pinaubaya kona sya eh. Tinanggap ko na eh, pero bakit tingin ko niloloko ko lang ang sarili ko? Kasi hindi ako masaya. N-never akong sumaya sa naging desisyon ko."

"Hush baby, I'm here, I won't leave you." Mahina nitong bulong habang marahan na hinahaplos ang buhok ng dalaga.

Niyakap sya nito ng mahigpit. "Ipangako mo sakin Galan, hindi mo 'ko iiwan, kasi, kasi hindi ko kakayanin. Ikaw nalang ang meron ako, ayokong pati ikaw mawala."

"I'll try." Tipid nyang sagot, ayaw nyang paasahin ang dalaga.

Panandaliang namutawi ang katahimikan sa pagitan nila ng basagin iyon ni Dahlia, "Galan."

"Hmm?"

"Gusto kita."

Napakurap si Galan, baka na mali sya ng narinig. "Say it again."

Mula sa pagkakabaon ng kanyang mukha sa dibdib ni Galan ay hinarap nya ang hinata at buong tapang itong nagtapat. "G-gusto kita, Galan. Gustong gusto."

'No Dahlia, hindi puwede baka masaktan ka lang. Baka masaktan lang kita.' usal ni Galan sa sarili habang minamasdan ang mukha ng dalaga. Matamis nya itong nginitian bago dampian ng halik ang noo nito at niyakap ng mahigpit. "Sorry."

"Bakit ka nag-sosorry? Ayos lang, alam ko namang hindi mo kayang suklian itong nararamdaman ko para sayo, pero sana wag mo kong pipigilang gustuhin ka."

'I like you alot, Dahlia, pero hindi pwede.'
Tumango ang binata. "Sure, Like me as long as you want." Nakangiti nyang sagot dito.


ILANG araw ang lumipas matapos na umamin ni Dahlia sa kanyang nararamdaman para kay Galan ay mas lalong naging sweet sakanya ang binata. Minsan nga ay mahuhuli nya pa itong nakatingin sakanya habang may malawak na ngiti sa mga labi, at sa tuwing tinatanong nya kung anong iniisip nito, iiling lang sakanya at iibahin ang usapan.

Litong-lito na nga si Dahlia, binibigyang kahulugan nya kasi ang ginagawa sakanya ni Galan. Masisisi nya ba ang sarili kung ganon? Imbis kasi na magkailangan sila dahil sa pag-amin nya kay Galan, aba ang loko bigla nalamang naging extra sweet sakanya. At sino ba naman sya para mag-inarte? Kaya naman sinasakyan nya na lang din ang trip nito.

Tulad nalang ngayon, habang nakaupo si Dahlia sa sahig ay nasa likod nya naman si Galan na nakaupo sa sofa at nakayakap sakanya patalikod. 'Kalma heart, si Galan lang 'to.' Pagkausap ni Dahlia sa sarili na pinapatahimik ang kumakabog nyang dibdib.

Narinig nya ang mahinang hagikhik ni Galan, "Anong tinatawa mo dyan?"

"Wala naman." Umiiling pa nitong sagot at binaon ang mukha sa mabango nyang leeg.

"Baliw!" Kasabay ng paghampas nya sa likuran nito.

"My mom will visit me here today, and i want you to meet her."

Nanigas mula sa kinauupuan nya si Dahlia at pinoproseso sa kanyang utak ang narinig. 'Ako?! Ipapakilala?! Sa mama nya?!'

"B-bakit? Nahihiya ako! H-hindi na kailangan, anong oras daw sya pupun-" paghihisterikal nya.

Naputol ang dapat na sasabihin ni Dahlia nang makarinig sil ng sunod-sunod na pagkatok. Marahang bumitaw sakanya si Galan mula sa pagkakayakap at uminat bago tumayo.

"I guess she's already here." Nakangising sagot nito habang nakatingin sakanya. Sinuklian nya ito ng masamang tingin.

"Hayop ka Galan."

Tinawanan lang sya ng binata bago buksan ang pintuan ng kanyang bahay, habang si Dahlia naman ay dali-daling inayos ang sarili at umupo sa sofa.

Doon pumasok ang isang sopistikadang Ginang, mula sa malayo ay tanaw mo na ang mga nagkikinangan nitong porselas at mamahaling kasuotan. Nang magtama ang paningin nila ng Ginang ay matamis nya itong nginitian at lakas loob na nilapitan ito. 'Tutal makapal naman ang mukha ko.'

"Magandang Hapon po, Mam." Magalang nyang bati bago bahagyang yumukod. "Mano po." Dagdag nya pa at nagbless sa Ginang na aliw na aliw sakanya.

"Kaawaaan ka ng Diyos, hija." Nakangiting sagot naman sakanya ng Ginang na nakapag pagaan ng loob ni Dahlia.

"Mom, She's Dahlia, and Dahlia, This is my Mom." Pagpapakilala ni Galan sa dalawa habang nasa tabi ng kanyang Ina.

"Magandang Hapon po ulit."

"Good afternoon din, Dahlia. Nice meeting you." Magiliw na sabi nito sakanya bago bumaling sa anak. "So she was the one you were talking about, Son."

"M-mom!" Namumula ang pisngi na suway ni Galan sa Ina bago sila naupo't nagkwentuhan.


"AY NAKO, nung sinamahan ko po syang mag grocery? Kumuha ba naman po sya ng gripo, san naman po nya kaya ilalagay yon?" Pagkukwento ni Dahlia sa Ina ng binata na tuwang tuwa sakanya, kanina pa nga ito humahagalpak ng tawa.

"Hija, you're so funny. I can't stop laughing! I like you na." Nagpunas pa ito ng luha sa sobrang pagtawa.

"Buti ka pa po tita gusto ako, pero yung isa dyan... nevermind." Prangkang sabi ni Dahlia at palihim na sinulyapan si Galan na nahuli nyang nakatingin sakanya. "Sya nga po pala Tita, buti ay nadalaw nyo si Galan. Nakakatuwa naman po."

"Ah yeah, I missed him kasi you know naman, he wants to try living alone daw." Maarteng sagot ng Ginang at mapanuksong tinignan ang anak.

"Mom, stop being conyo."

"Sus, kala mo sya hindi conyo mag salita." Pagpaprinig sakanya ni Dahlia bago muling bumaling sa Ina ng binata. "High blood, Tita." Tumatawang sabi nya sa Ginang.


MARAMI pa silang napagkwentuhan dalawa, habang si Galan naman ay nakamasid lang sa mga ito at natutuwang nagkasundo sila. Kanina pa nga humahagalpak ng tawa ang kanyang Ina kaya maging sya ay nahawa na din. Natural lang din kung magsalita si Dahlia sa Ina nya ngunit hindi pa rin nawawala ang paggalang nito sa kausap.

Kung hindi pa nga papagitna si Galan sa mga ito ay hindi mapapansin ng kanyang Ina ang pag-gabi.

Malungkot na hinarap ng Ginang si Dahlia dahil kailangan na nitong umuwi. "Aww, I enjoyed talking to you, Darling. Sana ay mabisita mo ako at makapag-kwentuhan tayong muli."

Magiliw na nginitian nya ang Ginang, "Nag-enjoy din po akong kausap ka, huwag po kayong mag-alala at makakasiguro po kayong bibisitahin kita."

Mahigpit syang niyakap nito, "See you soon."

"Ingat po kayo." Magalang nya pang sagot.

"I will." Nakangiting sagot nito kay Dahlia bago bumaling sa kanyang anak at bumulong. "She's a keeper, I like you for her."

---

PaubayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon