1

9 1 0
                                    

PIPI
+Iyo Morimoto

_______

"Sampung daliri , kaibigan , d'yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang , dakila ka sa sinuman
Di na lalayo sayo , ang tunay na mundo
Marami sa sa ami'y nabubuhay ng tulad mo , di makita , di madinig , minsa'y mauutal
Kasama sa hinahangad na buhay na banal~  "

Sabi sa kanta. Maswerte raw kaming may kapansanan dahil malayo sa kasalanan.

Ngunit hindi.

Mali.

Iba ang aming napagdadaanan. Puno ng hinanakit. Ng sakit. Ng mga lihim na hagikgik ng mga taong sabik na sabik na may insultuhin na kapwa tao.

Ewan ko. Kahit di ako nakakarinig at nakakasalita , nakikita ko naman... Sapat ng proweba ang nakikita ng aking mga mata , na ang 'ibang tao' ay malupit kung mang-gago. May damdamin ako katulad niyo. Bakit kailangan kong maramdaman na di ako aayon sa uri ninyo? Eh pare-parehas lang naman tayong tao.

Kung may masasama , may natitira rin palang mabubuti.

Tulad na lang ni Kirby. Siya yung babae na , hinahangaan ko.

Siya ang nagturo sa akin kung paano makipag-usap sa iba gamit ang pag-senyas ng aking kamay

'Kumain kana' Dahil di ako nakakarinig ,senyas ang naging tulay ng pagkakaunawaan naming dalawa.

Ngumiti ako 'Oo. Ikaw? Baka nagpapagutom ka?'

Tumawa siya. Kahit di ko narinig parang may bumuong musika sa aking utak.

'Concern ka na sa akin ha? Baka mamaya malaman ko na crush mo na ako'

Namula ako sa sinenyas niya.

Wala namang masama kung crush ko nga siya. Bukod sa mabait siya , napakaganda pa niya.

Tinapik niya ako sa likod 'Crush mo ako?'

Namula ulit ako. Nag iwas muli ng tingin.

Kinakabahan ako. Kapag nalaman ni Kirby baka iwasan niya ako. Kailanman di naging patas ang mundo. Di maaaring makatuluyan ng isang normal na tao ang isang may kapansanan na tulad ko.

Sumilip ako sa kanya at tawa siya ng tawa. Sinasapo ang kanyang tiyan.

May kung ano sa akin ang parang kumurot sa aking puso. Parang ... Parang naiinsulto ako.

Parang ang sakit kase iba na sa akin si Kirby. Bakit niya kailangang pagtawanan ang aking nararamdaman.

Umiling na lang ako sa ibang direksyon ngunit nabigla ako ng hatakin ni Kirby ang kwelyo ko.

Nakakunot ang kanyang noo nang iharap niya ang mukha ko sa kanya.

'Bakit may luha ka sa pisngi' Sensyas niya. Sabay pinahid ang likidong iyon

Napayuko na lang ako.

Tatanggapin ko na lang na wala ng pag-asa

Itinaas niyang muli ang aking paningin. Sa tingin ko ay nagalit siya.

Teka , bakit siya galit. Dapat nga ako ang galit dahil ininsulto niya ang kapansanan ko sa pamamagitan ng pagtawa niya!

'Bakit ba umiyak ka? Nag-aalala ako!' Halata sa pilantik ng kamay niya na galit na nga si Kirby

Naglakas loob na akong sumenyas.

'Ikaw. Ikaw ang may gawa nito. Pinagtatawanan mo ako dahil nagkagusto ako sayo.... sa isang normal na katulad mo'

Ang kunot na noo niya ay biglang lumuwang. Akala ko tumayo siya upang umalis dahil sa nadiskubre ko. Ngunit mas lumapit lang pala siya sa akin

At siya'y ngumiti.

IYONG's One Shot Story (Sad muna Sismars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon