5

6 1 0
                                    

PAHIRAM NAMAN NG ASAWA MO
+Iyo Morimoto

________________

Ilang araw na rin ang lumipas. At nagdaan na rin ang buwan ngunit ang binatang si Xenon ay matindi pa rin ang pagmamahal sa dating nobya.

Mahigpit niyang hinawakan ang bote ng alak at ito ay nilagok

"Sharletttt..." Nangungulila ang boses nito.

"Iniwan mo ako.. para sa lalaking yon.. at wala akong magawa ... kase.. ayaw mo na.. ayaw mo na sa akin" Reklamo niya sa hangin.

Susuray-suray niyang tinungo ang bahay ng kanyang dating nobya. Kasama ang bago nitong kinakasama na si Patrick

Malakas niyang pinagsusuntok ang pintuan.

"Shrallletttt!! Buksaaannn mo toooo! Buksan mo toooo!"

Pinagkakatok niya iyon ng ubod ng lakas. Hanggang sa wakas. Tumambad sa harapan ni Xenon ang kanyang pinakamamahal.

Ngumiti siya ng mapait at sinubsob ang mukha sa leeg ni Sharlet.

"Mahal na mahal kita , Sharlet" Mabigat ang boses nito. Punong puno ng pag-susumamo.

Tila nagpipigil ng iyak. At pakiwari'y nahihirapan sa sitwasyon.

"Back off dude!" Maya maya ay naramdaman niyang may tumulak sa kanya. Batid niyang si Patrick iyon

"Asawa ko na siya! Di ka ba nagsasawa maghabol! Tang ina naman Xenonnn!" Inilagay ng binata ang dalaga sa likod niya. Prinoprotektahan ang mahal niya mula sa lasing na lalaki.

Pilit na napabangon si Xenon. Nais niyang mahawakan ang malambot na kamay ni Sharlet. Gusto niya ulit mahalikan ang mga iyon.Nais niya ulit maamoy ang halimuyak ng katawan nito. At damhin ang pagmamahal na ngayo'y kanya ng ipinagdaramot.

Ginapang ni Xenon ang binti ng Patrick. "P-Pare..."  Tinabig niya ang binti nito. Pinilit niyang maabot ang kamay ni Sharlet ngunit umiwas ito

"Ngayong gabi lang.. Pahiram naman ng asawa mo.." Nagmamakaawa nyang tinig.

Napaawang ang labi ni Patrick sa sinabi ni Xenon.

Mas lalong napahigpit ang pagkakahawak ang kamay nito sa asawang si Sharlet.

"Kalokohan!" Singhal ni Patrick.

Ngunit matigas ang damdamin ni Xenon. Hindi siya nagpatinag. Tumayo siya at inagaw ang kamay ni Sharlet kay Patrick.

Tuluyang napasubsob si Sharlet sa dibdib ni Xenon at niyakap agad ito ng binata upang di makawala.

"Potang----

Susugod na sana si Patrick upang masuntok ang pagmumukha ni Xenon ngunit matapang na nagsalita ito.

"Anong gagawin mo? Uupakan mo ako?" Nilalabanan niya ang tapang ni Patrick.

Nagpupumiglas si Sharlet ngunit masyadong malakas si Xenon.

"Baka nakakalimutan mo Patrick.. ako ang dahilan kung bakit kayo magkasama ngayon. Itinaya ko ang kaligayahan ko para kaligayahan mo. Ngayong isang gabi lang ang hinihingi ko , pagdadamutan mo ako"

Tumingin ito ng matalim kay Sharlet "Pagdadamutan nyo ako!" Napalakas ang boses niya sa katagang yon.

Ngunit biglang lumambot
"Pumayag ako di ba? Pumayag ako na magsama kayo kahit lapag sa kalooban kong iwan niya ako. Pinagbigyan kita kase alam kong sayo siya sasaya . Kahit masakit Patrick binigay ko siya sayo. Pero parang awa mo na pare, isang gabi lang. Gusto ko lang siyang makasama! Pagkatapos nito. Hindi ko na kayo gagambalain. Papabayaan ko na kayo!" Mahabang dahilan niya.

IYONG's One Shot Story (Sad muna Sismars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon