13

4 0 0
                                    

FALLING OUT
+Iyo Morimoto

_____________

"Maghiwalay na tayo Kisha , ano ba?" Tinanggal ko ang nakasabit niyang mga kamay sa aking leeg

"Pero Benedict-----Mahal na mahal kita"

Hindi noon natigil ang aking planong makipaghiwalay sa kanya

Tinalikuran ko siya at binigkas ang mga salitang "Nahulog na ako sa iba. Patawad Kisha"

Napakurap-kurap ako sa aking ala-ala. Limang taon na rin pala ang nakakaraan.

Nag iinuman ako kasama ang barkada . At sa tagal ng panahon , napakikisamahan pa rin ako ni Kisha. Masaya ako dahil parehas na pala kaming nakamove-on sa isa't isa

"Paalam pre!"

"Sige kita-kita tayo next week ibang bar naman"

"Oo! Dapat doon naman sa maraming lalaki. Kawawa naman kaming mga girls"

Masaya kaming umuwi. Inalalayan ko si Kisha patungo sa bahay nila. Inupo ko siya sa isang couch . Nagulat na lang ako ng yakapin niya an bewang ko at hinila papalapit sa kanya

"Benedict... ako na lang ulit"

Wala na kami ng ipinalit ko sa kanya. Pero pasensya na Kisha wala na talaga akong nararamdaman para sayo.

At mali pala ang hinala ko na naka-move on kana sa akin pagkat iba ngayon ang ipinapakita mo.

"Kisha , lasing ka lang itigil mo na to"

"No , Im not drunk. You know me well Benedict di ako basta bastang nalalasing sa alak"

Oo malakas nga ang isang to pagdating sa alak

"Kisha , hindi na kita mahal"

"At ako mahal na mahal kita"

Napalunok ako at hinaplos ko ang kanyang buhok

Naramdaman ko ang mga luha na bumabasa sa aking dibdib. "Kisha .. " Bulong ko ay ini-angat ang kanyang tingin sa akin

"Magkaibigan na lang tayo ngayon. May barkada na tayo. At sana naman huwag yong masira ng dahil lang sa nararamdaman mo"

Oo masakit. Masakit ang sinabi ko. Napakasakit . Kung ako ang nasa kalagayan niya baka hindi ko din makaya. Pero kailangan dahil iyon ang katotohanan.

"Kaya kong sirain ang lahat Benidict , para sayo" nanginginig niyang sabi . Mas lalo pang humigpit ang yakap niya sa akin

Hinayaan kong dumaan ang ilang sandali. Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin at hinawakan ko ang balikat niya n mariin

"Kisha , importante ka sa akin . Pero maawa ka sa sarili mo. Di ka sardinas para ipagsiksikan pa ang sarili mo sa akin . Kung kaya mo akong ipaglaban maniniwala ako sayo pero h'wag mo sanang ipagpilitan ang mga bagay bagay na wala namang kahihinatnan"

Napapikit si Kisha sa aking sinabi.

Nag iba ang emosyon ng kanyang mukha. Napalitan iyon ng matapang ngunit pagod na awra.

Pinunasan niya ang mga luha.

Kinuha niya ang susi ng kanyang kotse. "Kishaaa! Saan ka pupuntaaaa!" Napasigaw ako .

Nakapamulsahan siya at walang emosyon na tumitig sa akin. Papasakay na siya sa kotse
"Magpapahangin lang"

Nag-alala ako sa ipinakita sa aking ngayong gabi mi Kisha. Gabi na . Baka kung anong mangyare sa kanya. Naka-inom panaman ang isang yon

Agad na nagsidatingan ang barkada para makiusisa at tumulong sa paghahanap.

Lahat tuliro at nag-iisip

IYONG's One Shot Story (Sad muna Sismars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon