EROPLANONG PAPEL
+Iyo Morimoto__________________
Nakatulala akong nakatitig sa kisame. Wala akong pakialam sa kapaligiran. Pakiramdam ko'y pinanganak ako para dito'y makulong lamang
Naramdaman ko ang mahigpit na yakap sa aking bewang
"A-Alexo , hayaan mo na akong makaalis rito. Pagod na pagod na ako"
Isang taon na ang nakalilipas magmula ng ikulong niya ako rito. Wala akong ibang ginawa kung hindi sumigaw at humingi ng tulong.
Ngunit tila lahat ng mga tao sa paligid ay parang walang naririnig.
Nanghihina akong tumitig sa kadena na nakatali sa aking mga paa.
"Hayaan mo na akong makatakas sa pagmamahal mo. Nahihirapan na ako"
"Hindi. Hindi pwede . Hindi ko kaya"
Mas humigpit ang yakap niya sa akin. Naubusan na ata ako ng mga luha na ilalabas sa aking mga mata.
Malungkot akong ngumiti sa kanya. Wala na akong pag-asa na makaalis sa piling niya.
Tinaniman niya ako ng maliit na halik sa aking noo. Wala akong naramdaman na kahit ano. Namamanhid na ata ako sa pagkakakulong ko sa silid na ito.
Bagaman nakakadena ang aking mga paa. Sapat na iyon upang marating ang malaking bintana upang matanaw ang napakalaking danawan.
Pinagmasdan ko ang mga tao na noo'y nakita ko na rin noon dahil isa sila sa mga pinagsisigawan ko ng salitang "tulong" pero wala talaga silang marinig.
Para akong kaluluwa na di nila mapapansin kailanman.
Napalingon sa akin ang isang magsasaka. Batid kong kaedad ko lamang.
Ngumiti ako ng mapait. At kumaway ako. Nagulat ako ng ngumiti siya pabalik ng napakatamis. At maging kumaway pabalik ay nagawa niya.
Agad akong kumuha ng papel at doo'y sumulat
_______
Ginoo ,Maaari bang tulungan mo ako? Nais kong makatakas sa bahay na ito. Hindi ko na kaya ang pinagdaraanan ko rito. Mababaliw na ako. Ikaw na lamang ang pag-asa ko upang mapawi ang lungkot na nadarama ko
_________Agad ko iyong tinupi para maging isang eroplanong papel.
Pinalipad ko iyon. At agad niyang nasambot.
Mabilis niyang binasa iyon. Umalis siya ng saglit at bumalik dala-dala ang isang sulat.
Mabilis niyang pinalipad sa akin ang isang sulat
_______
Binibini ,Pagpasensyahan mo na. Isang taon mula ng dumating ka sa lupaing ito. Mas pinili naming magbingi-bingihan sa mga sigaw mo. Patawad dahil lahat kami ay takot sa kasintahan mong si Ginoong Alexo. Marami siyang koneksyon . Isang pitik niya lang maaari niya kaming parusahan ,ngunit maayos niya kaming pinakiusapan na mananatiling sekreto ang pagkakakulong mo dyan.
