7

4 1 0
                                    

ZAINON
+Iyo Morimoto

______________

Imahinasyon.

Ginagamit ko ang imahinasyon upang tumakas sa reyalidad . Madalas din akong pumipikit at nag-iisip ng mga bagay bagay , sa ganitong paraan narerelax ko ang aking sarili.

Kapag ginagamit ko ang aking imahinasyon kung ano ano ang pumapasok sa aking isipan at para akong baliw na ngingiti na lang bigla.

Ngunit ang imahinasyon ay napaka-makapangyarihan talaga. Hindi ko namamalayan na inaabuso ko na ang abilidad ko na maramdaman ang emosyon sa loob ng aking imahinasyon.

Sa sobrang lungkot at malas ko sa realidad , di ko maiwasang isipin sa imahinasyon ang mga pangyayaring hindi ko na makakamit . Nangangarap ako habang tinutupad ang lahat ng iyon sa aking isip.

"Bakit lagi nalang akong ganito. Malas na sa pamilya . Malas sa kaibigan . Tapos lahat ng tao mukhang salungat ang pag iisip at di mahadlangan sa panghuhusga sa sarili ko"

Kumuha ako ng isang pirasong papel. Nag drawing ako ng isang bulto ng lalaki.

Lalaki na pinangalanan kong Zainon. Nakasuot ito ng maskara. Isang maskara na kay pangit. At binabalot ito ng kadilimang kay lupit

At syaka ko ito ninulungan habang tumutulo ang aking mga luha. "Zainon.." binanggit ko palang ang kanyang pangalan ay nanayo agad ang aking mga balahibo.

Ngunit di iyon naging hadlang upang haplusin kong muli ang litratong aking iginuhit

"Simula ngayon Zainon ikaw na ang magiging sandigan ko. Gagabayan mo.lahat ng galaw ko. At magagalit ka sa taong sasaktan lang ako" napakaikiling salita ngunit napakalalim

Simula noon , gabi gabi ko ng kinakausap sa imahinasyon ko si Zainon. Paano? Iniisip ko na minsan magkatabi kami o magkatapat.

Isa syang tunay na kaibigan. Kahit sa imahinasyon lang , naramdaman ko na may kakampi ako.

"Zainon , si Papa naka-drugs nanaman . Muntikan na nya kaming mapatay ni Mama. Ayoko na Zainon. Ayoko na... Iganti mo ko sa kanya . Please Zainon"

Walang maging tugon si Zainon bigla syang naglaho sa imahinasyon ko at nagkatulog na ako.

Bandang alas onse nagising ako. Naririnig ko ang ama ko na sumisigaw ng mahina. Sinilip ko ang tulugan nila. Tulog si Papa .

Binabangungut sya.

Gusto ko syang lapitan at gisingin pero natatakot ako. Natatakot ako na pag nagising sya , ako naman ang pagbalingan ng galit nya.

Narinig ko ulit ang sigaw ni Papa. "H'wag! H'wag mo akong sasaktan"

Kinalaunan nagising sya na parang kabang kaba. Napatingin sya sa paligid kaya tumago agad ako at lumisan sa silid na iyon.

Muli akong nahiga. At inimagine ko ang mukha . Mukhang may maskara ni Zainon.
"Salamat Zainon" bulong ko.

Marahil sya ang may gawa ng bangungot na iyon . Malakas ang kutob ko. Sobrang lakas.

"Zainon , alam mo ang malas ko na nga sa pamilya . Ang malas pa ng buhay ko. " napangiti ako ng mapait . "Biruin mo nananahimik lang ako tapos binully ako bigla ng apat na asungot na lalaking iyon"

Tumingin lang sa akin si Zainon.

Amg totoo wala akong ka ide-ideya kung ano ang itsura ng kanyang mukha. Dahil siyay may nakakatakot na maskara.

Parang binabasa nya ang aking isipan. Mukhang inaalam nya kung sino ba ang apat na tinutukoy ko.

Hanggang sa muli syang naglaho sa aking imahinasyon.

IYONG's One Shot Story (Sad muna Sismars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon