MARUPOK SA PAG-IBIG
+Iyo Morimoto______________
"Miss Jimenez? Baka naman ho pwedeng alagaan nyo naman si Sir Shaun , palagi na lang po siyang nakatulala o minsan nama'y nagwawala kung wala ka" Mahinahon kong sinabi sa kanya
"Pasensiya na ..." Tiningnan ang pangalan ko sa I.D ko. "...Miss Bustillo. Pero di ko magagawa ang hinihiling mo. Ang kapatid niyang si Kian ang nais ko. At hindi ang tulad niyang binubulag ang sarili sa pagmamahal na hindi naman para sa kanya"
Lumungkot ang mukha ko nang tumalikod sa akin si Miss Princess Jimenez. Ako ang nalulungkot para kay Sir Shaun.
Saksi ako kung paano sakupin ng pagnanasa at pagkabaliw si Shaun sa atensyon ni Princess.
Hindi naging maganda ang resulta. Pagkat minsan na ring pinag-sabay ni Princess ang dalawang magkapatid. Buhat ng mabigat na pagmamahal , kinaya ni Shaun na magtiis. Kahit alam niyang si Kian ang mahal ni Princess. Kahit alam niya na talo na siya simula noong una palang.
"Sir ..." Kinalabit ko ito.
Nakatulala lang.
Tuluyang nasira ang tuktok ni Shaun noong napagpasyahan ni Princess na sumama na kay Kian. Bagama't hiwalay na sila ni Shaun , nagkakaroon pa rin sila ng koneksyon dahil sa tuwing nagwawala siya. Pangalan niya. Pangalan niya ang sinasambit niya. Pangalan ni Princess.
Napabuntong hininga ako.
"Sir , iinom na tayo ng gamot" Malambing ang tinig ko.
Sa mga taong naging baliw dahil sa simpleng dahilan na to , na kung tawagin ay pag-ibig , kailangan talagang mabigyan siya ng pansin. Nang makatuturang pag-aalaga.
Dibale nang lugi ako. Atleast sinsero ako sa mga bagay na ginagawa ko sa aking amo.
"Sir... " Pinipilit ko siya na kuwain ang tabletas na aking hawak-hawak ngunit tinabig niya ang gamot na binibigay ko.
"Ayaw ko!!!" Malakas na sigaw niya
Pinipilit ko pa rin siya ngunit nanlaki ang mata ko ng mag-umpisa nanaman siyang magwala.
Pinagtatapon niya ang kanyang kagamitan sa kanyang kwarto. Parang walang pakialam sa akin. At tila halimaw siya kung mauhaw sa pagbabasag ng mga gamit.
"Hindi ako iinom ng wala dito si Princess!"
"Hindi ako iinom niyaaaan!"
"Hindiiii! Hindiii! Hindddiii"
Paulit-ulit ang linya niya na hindi siya iinom ng gamot kung wala ang kanyang binibini.
Tinawagan ko nga si Princess at dumating ito.
Dala-dala ko ang tubig at ang ilang pirasong tabletas na gamot.
Naabutan kong mahigpit na nakayakap si Sir Shaun sa bewang ni Princess.
Nakasubsob ang mukha nito sa dibdib ng dalaga.
At si Princess... malamang bato siya kapag kaharap niya ang lalaking ito. Pagkat hindi naman si Shaun ang tunay na iniibig nito.
"Bakit hindi ka na dumadalaw rito?"
Hindi nasagot ni Princess ang tanong pagkat tumunog ang cellphone nito.
Agad na nagningning ang mga mata nito. Si Kian siguro ang tumatawag
"Hello Hon?"
Grabe harap harapan pa kay Sir Shaun. Di niya ba alam na masakit yon. Masakit na makita mong may katawagang iba ang mahal mo na 'Hon' pa ang tawagan. Napailing iling ako sa upuan na kinapwe-pwestuhan ko.