3

5 1 0
                                    

POSSESSIVE
+Iyo Morimoto

_____________

"Isipin mo na lang na mahal talaga kita , mula ulo hanggang paa . At kahit ano pa ang makita kong mali sayo , hahanap pa rin ako ng rason para mahalin ka", yan yung mga katagang tumatak sa utak ko.

Yung mga kataga na pinanghawakan ko mula ng mahalin ako ni Charish.

Kumunot ang noo ko ng matanaw ko siyang aligaga na patingin-tingin sa kapaligiran. Tila may tinataguan. At batid kong may iniiwasan. At alam  kong ... ako iyon . I don't know what's her problem not telling me na lalabas siya but i have a strong feeling na may gagawin siya na di ko gusto.

Mabilis akong lumabas sa sasakyan at hinawakan ang kanyang pulsuhan.

Nagulat siya ng makita ako. Kumunot naman ang noo ko. What are you hiding from me Charish?

"H-Havoc?" Dumagdag pa ang init ng ulo ko. Sino pa ba ang ibang ine-expect mo?

"Saan ka pupunta?" Matigas kong sabi

Sinuri ko muna ang kasuotan niya. Masyadong hapit! Masyadong maikli.

Hindi ko namalayang mas humigpit ang aking hawak sa kanyang pulsuhan

"A-Ah"

Niluwagan ko agad iyon.

Tumingin ako sa kanya ng diretso sa mata. At agad na nabali ang tuhod ko ng makitang naluluha na siya.

Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo. "I'm sorry , Charish . Na... na carried away lang ako."

Nang bumitiw ako ng yakap sa kanya. Pinunasan ko ang mumunting luha na pumatak mula sa kanyang nga mata.

"Saan ka ba kase pupunta?" Matigas pa rin ang aking tinig.

"May .... May group project kase kami... pupunta ako sa bahay ng kaklase ko... kaso alam kong di mo ako papayagan", humihikbi siya sa pagkakataong ito.Hindi ko talaga siya pinapayagan sa lakad niya. Lalo na kapag may lalaki silang kasama.

Baliw na kung iisipin pero Oo! Madamot ako pagdating sa kanya!

Namumuo nanaman ang mga luha sa kanyang mata.

"Hindi pwede. Bumalik ka sa bahay nyo. Ako ng bahalang kumausap sa ka-grupo mo. Alam mong ayaw ko sa lahat yung may kasama kang ibang lalaki di ba? Bakit isesekreto mo pa ang lakad na to!" Hindi ko mapigilang pag-taasan siya ng boses.

Hindi pa naman ako makapag-isip ng maayos kapag nagseselos ako.

Sino ba ang kasama niya ron sa ka-grupo niya at nakuha niyang isekreto ang lakad na to! May crush ba siya don? Tangina .

Napayuko na lang siya.

"Sumakay ka sa kotse. Iuuwi na kita sa inyo."

Nakita kong napakagat siya sa labi at saka mabilis ulit akong niyakap. At doon , nag umpisa ulit siyang umiyak

"I'm sorry Havoc.... alam ko kase na di mo ako papayagan kaya hindi na ako nag-paalam sayo... I'm sorry... hindi na mauulit"

Agad na lumambot ang puso ko. Yung paliwanag mo lang ang hangad ko. Burado na ang atraso mo sa akin , mahal ko.

_________________________

"Hello girl?"

"Hmmmmm" Walang gana kong sagot.

Nakakapanghina. Ilang lakad na ng barkada ang 'di ko nasasakyan pagkat masiyadong seloso si Havoc. Maging ang mga pinsan kong lalaki ay pinagseselosan niya.

IYONG's One Shot Story (Sad muna Sismars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon