14

2 0 0
                                    

BEGGING FOR HIS LOVE
+Iyo Morimoto

_____________

Nararamdaman ko kung paano ka saakin nanlalamig .

Pero ayos lang saakin yon mahal . Basta't nandito ka saaking piling at ipaparamdam ko pa rin ang aking pagmamahal

Niyakap kita ng napakahigpit habang tayo'y nakaupo

"Logan? Mag three , three years na tayo. Ang bilis ng panahon no?"

Hindi mawala ang tamis ng aking mga ngiti. Ayos lang Logan kahit hindi mo na suklian ang aking pagmamahal , manatili ka lamang sapat na yan.

"Saan mo gusto i-celebrate ang anibersaryo natin , Mahal?" Muling ani ko.

Nanatili syang tahimik . At pabunto-buntong hininga lamang si Logan

Magkalapit kami pero napakalayo ng aming kalooban

Limang buwan na syang ganito saakin . Nawala ang tamis na aming noo'y pinagsasaluhan . Ang Logan na dating pinupuno ang ako sa pagmamahal ay dahilan na kung bakit ako nasasaktan ako ng sobra.

Tuluyang namuo ang luha saaking mga mata .

Kaya't nagpasya akong kumalas muna sa pagkakayakap ko sa kanya.

Tumayo ako ako at hinalikan sya sa noo.

"Baka nagugutom kana , ipagluluto na muna kita ha?"

Isang pilit na ngiti ang sumalubong saaking mukha. Kakayanin ko to Logan. Wag ka lang susuko. Wag mo lang akong iiwan

Pumunta ako sa kusina at doon nilabas ang aking mga luha .

Handa akong magpakalunod sa sakit basta ikaw ang kapalit.

-

Lumipas pa ang ilang buwan. At dumating na nga ang araw na aking kinatatakutan

Bahagya akong nakaupo saaking kama . At lasing na pumasok sa silid si Logan.

Hinubad nya ang kanyang damit . At nagpalit ng bago. At syaka umupo sa tabi ko

"Napapadalang ata ang pag inom mo , Mahal?" Malambing ko ani

Tumitig saakin si Logan

Isang walang emosyon na tingin ni Logan

Napatingin ako sa kabuoang hitsura nya. Napansin ko ang pulang lipstick sa bandang leeg nya

May babae sya.

Namuo nanaman ang luha saaking mga mata . At malungkot na tiningnan ko sya.

"Logan ... Alam mo bang mahal na mahal kita ? At patuloy pa kitang mamahalin habangbuhay..."

Napailing si Logan

Napayuko.

Tila may gusto ata syang sabihin.

At alam kong matagal na nya yong kinikimkim.

"Maghiwalay na tayo Mela. Ayoko na"

Ang mundong umiikot ng dahil sa kanya ay tumigil na .

Naguho na

Napatayo si Logan at dali daling inimpake ang kanyang kagamitan.

Wala akong nagawa kundi panuorin sya sa kanyang ginagawa.

Para akong tao na tanga sa pagiging tulala.

Mabilis nyang nakuha ang kagamitan nya at mabilis na humilis sa kwarto.

Sa kalagitnaan ng pagiging lutang ko. Ay napagtanto ko na hindi ko kaya pag wala sya

Na hindi ako buo kapag wala ang kalahati ng buhay ko.

IYONG's One Shot Story (Sad muna Sismars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon