FRIENDZONE
+Iyo Morimoto_________________
(His Side)
"Avana?"
Hindi lingid sa kaalaman ni Avana ang aking nararamdaman para sa kanya.
Isa lang ang hiniling nya . Na sana hayaan ko sya na magpasya muna
"Avanna partner kita mamaya sa Prom ha?" Masigla kong tanong
Bagaman ako'y nanliligaw sa kanya. Kami ay nanatiling magkalapit sa isa't isa.
-
Mabilis akong pumunta sa bahay nila upang sya'y sunduin . Batid kong siya ang pinakamagandangbabae ngayong gabi sa aking paningin.
Sinilip ko ang kanyang galaw mula sa pagbaba nya sa hagdan.
Napakaganda nya.
Sobrang ganda.
Nakakahalina.
Para akong bubuyog na nais sayong pumunta at ikaw ang bulaklak para saakin sinta.
"Ava ...." Ang tanging nasabi ko
Sandali akong napatunganga sa kanyang mga ngiti
"Napakaganda mo naman Ava"
Pakiramdam ko'y mas maningning pa sa tala ang aking mga mata.
"Salamat , Ace"
Bahagya sya'ng napangiti . Ngiti na tila ginagayuma ata ako. Nanghihina ang aking buong sistema kapag sya na ang aking nakikitaInalalayan ko syang sumakay sa kotse at tumungo na sa aming paaralan
-
Napapansin ko si Avana na tila may hinahanap . Marahil tao nga . Ngunit wala akong ideya kung sino ang tao na iyon
"Ava? Tara sayaw na tayo? Kanina pa tayo dito eh?" Nakangiti kong ani
Ngunit bahagyang napakunot ang kanyang noo. Dahilan para kabahan ako
"Pwedeng mamaya na Ace? Please lang . Mamaya na" Para akong napahiya saaking kinatatayuan
Napakagat ako sa labi upang matiis ang sakit na aking naramdaman
Ganito ako kasensitibo pag dating kay Ava. Pakiramdam ko kase kapag galit sya para na akong napapariwara . Sa kanya lang kase umiikot ang mundo ko , kaya sana naman pahalagahan nya na rin ako.
Mula sa malayo . Natanaw ko ang isang binata. Kaklase ko . Sa lahat ata ng lalaking nandito ay sya ang nangunguna. Mula sa babaeng humahanga sa kanya hanggang sa tikas ng pangangatawan nya. Sya si Victor
Napatingin ako sa direksyon ni Avana . Ang kunot na noo nya ay nagbago ng makita nya si Victor . Mas dumoble pa ang ngiting sumalubong sakin kanina at para bang tila atat na atat syang lumapit sa kanya ang binata.
Nalungkot ako saaking nakita.
Kaming mga lalaki kase kapag naghinala masyadong nagiging tama. Di malayong si Avana ay matagal ng may pagtingin sa Victor na iyonNasaksihan ng aking mga mata ang paglampas saamin ni Victor. At syang abot tingin na tinitingnan naman ni Avana.
"Ace? Pupunta lang ako sa powder room ha?" Ani nya saaki habang ang isang palad ay nasa kabilang pisngi ko
Kinilig ako at tuluyang napangiti.
"Sige , Ava . Hihintayin kita ha? Pagbalik mo maaari na ba kitang isayaw?"
"Hmmmm. Oo naman"
Masaya ako na pumayag na sya at sa pagkakataong ito. Pumayag sya at nakangiti pa.
